Bea Binene excited to vote for the first time; declares support for Leni Robredo

May 2, 2016
<p>Ayon kay Bea Binene, mahalaga para sa isang botante na pag-aralang mabuti ang mga kuwalipikasyon ng mga iboboto nila sa eleksyon. Sabi pa niya, "It's for your own good, for your family, for your future, for our country's future, kasi six years din 'yan

Excited na sa May 9 elections ang Kapuso star na si Bea Binene.

First-time voter ang Hanggang Makita Kang Muli star at todo raw ang kanyang pagri-research kung sinu-sino ang mga iboboto niya.

Saad ng 18-year-old actress, “Siyempre ano, mag-iisip ka talaga kung sino ba dapat.

“Kasi for your own good ‘yan, e, na kikilatisin mo talagang mabuti.

“Para sa akin, hindi ka dapat magpadala sa mga survey, sa mga polls.

“Kasi dapat talaga, ikaw mismo ang magri-research, kilalanin mo talaga ang kandidato na iboboto mo.

“Huwag kang magpapadala sa mga napapanood mo sa TV, huwag kang magpapadala sa mga nakikita mo sa social media.

“Siguro dapat, ikaw mismo personally yung kikilatis sa kandidatong iboboto mo.”

Ano ang maipapayo niya sa mga katulad niyang ngayon lang boboto?

Sagot ni Bea, “Maging mapiling Pilipino. Isipin mo na para sa sarili mo yung boto mo.

“Huwag kang magpapadala sa kahit na sino.

Continue reading below ↓

“Isipin mo kung sino yung pinaka-qualified, kung ano yung nagawa nila.

“Yung iba kasi, kahit na matagal na silang pulitiko, wala pa rin silang nagagawa nang maayos.

“Yung iba naman, marami nang nagawa, pero baguhang pulitiko.

“Yung ganun. Yung iba pulitiko, pero public servant.

“So dapat, ano mo talaga, isipin mo talaga kung sino.

“It’s for your own good, for your family, for your future, for our country’s future, kasi six years din ‘yan, e.

“Nasa kamay nila ang mangyayari sa 'yo sa anim na taon from now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa Bangus Festival sa Dagupan City, Pangasinan, noong Sabado, April 30.

Pinangunahan ni Bea at ng ka-love team na si Derrick Monasterio ang show ng GMA na #KapusoBangusFestival na ginanap sa Judge de Venecia Extension Road, Dagupan.

@beabinene earlier at the #KapusoNight in #DagupanBangusFestival � #KapusoBangusFestival

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

LENI IS MY VP. May napili na raw si Bea na susuportahan sa pagka-bise presidente.

Ito ay si Leni Robredo ng Liberal Party.

Continue reading below ↓

Aniya, “Wala pa po akong president, pero VP ko po kasi, kasama po ako sa Lakas ng Kababaihan para kay Leni Robredo.

“Kasi nakita ko siya, nakasama ko siya personal.

“Unang-una po, hesitant pa ako, kasi actually tinanong po nila ako kung gusto ko raw ba na maging part ng grupo ng kababaihan para kay Leni.

“Bilang bawal po sa GMA na mag-endorse ng kahit na sinong politician, nagpaalam po ako sa GMA at pinayagan naman po nila ako.

“So, ano, kasi siya, sobrang down to earth niya, napaka-malumanay.

“One time, isang dinner, lahat ng tinanong sa kanya, sinagot niya nang maayos.

“Ito pa, sinasabi niya na hindi siya tumatakbo bilang VP para lang sa sarili niya.

“Hindi siya tumatakbo bilang VP dahil gusto niyang maging presidente.

“Sabi niya nga na willing siyang pumirma ng parang kontrata, na kapag ako nanalo, hindi ka na puwedeng maging presidente.

“Kasi siya, kumbaga, genuine yung hangarin niya sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Na, 'Gusto kong maging VP dahil gusto ko pang maraming matulungan.'”

Read Next
Read More Stories About
Bea Binene
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Ayon kay Bea Binene, mahalaga para sa isang botante na pag-aralang mabuti ang mga kuwalipikasyon ng mga iboboto nila sa eleksyon. Sabi pa niya, "It's for your own good, for your family, for your future, for our country's future, kasi six years din 'yan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results