PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Guevarra says her ex-boyfriend and former actress Stella Ruiz are meant for each other

Gladys admits she has found a new man in her life.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 18, 2009
"Akala nga ng iba na magiging bitter ako. Hindi ako gano'n. Tapos na kami ni Philip. He is a part of my past na. Kung sino ang bagong karelasyon niya, magiging masaya ako. Totoo 'yan at walang kaechosan ito!" says Gladys Guevarra about the upcoming church wedding of her ex-boyfriend Philip Peredo with former actress Stella Ruiz (inset).

Maganda ang mga sinabi ng nagbabalik na singer-comedienne na si Gladys Guevarra tungkol sa nalalapit na church wedding ng kanyang ex-boyfriend na si Philip Peredo sa dating sexy actress-singer na si Stella Ruiz sa September 6 sa Nevada.

Sinabi ni Gladys na natutuwa siya para sa dalawa dahil bagay raw ang ex-boyfriend niya at si Stella. Nang makita nga raw niya ang litrato nina Philip at Stella na magkasama, alam daw niyang meant for one another ang dalawa.

"Naku, walang kaplastikan, bagay sila," nakangiting sabi ni Gladys sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Noong ipakita nga sa akin ang mga pictures nila, ramdam mo na para sila sa bawat isa. Nakakatuwa talaga sila. I am very happy for both of them and I wish them happiness at maging happy ang pagsasama nila bilang mag-asawa."

Hindi naman ipinagkaila ni Gladys na hindi naging maganda ang ending ng relasyon niya kay Philip. May mga bagay raw silang hindi napagkasunduan. Kaya imbes na magtagal pa sila ay nagdesisyon si Gladys na wakasan na ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Yun ang sa tingin ko ang pinakamagandang way para yung respeto namin sa bawat isa ay nandoon pa. Ayoko naman na dumating ang time na nagbabastusan na kami at masama na ang loob namin sa isa't isa.

"Noong maghiwalay kami, matagal akong walang communication with Philip. As in, nawala talaga ako at hindi ako nagparamdam sa kanya. Pero noong magkausap kami ulit, friends na kami. Napag-usapan na namin ang lahat ng bagay-bagay. Naayos naman kasi may pinagsamahan naman kami nung tao.

"Sa totoo lang, isa si Philip sa gusto kong pasalamatan, kasi siya yung tumulong sa akin para hanapin kung sino ba talaga ako, at ano ba ang gusto ko sa buhay. I honestly admit na wala akong direksiyon noon. Kalat-kalat ang pag-iisip ko noon.

"In fairness to Philip, siya ang nagpatino sa buhay ko. Kaya masaya ako for him because hindi man kami nagkatuluyan, nakahanap naman siya ng babaeng mamahalin niya at mahal din siya," saad ng comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw alam noong una ni Gladys na si Stella (Estella White sa tunay na buhay) ang makakatuluyan ni Philip. Kaya noong mag-guest siya sa Showbiz Central last April 5 at umupo siya sa segment na "Intriga Crossfire," totoo ang isinagot niya na wala siyang alam sa bagong karelasyon ni Philip.

"May nakapagsabi na sa akin before, pero parang ayokong maniwala. Kailangan makakita ako ng pruweba. E, noong makita ko na ang mga pictures nila, tapos may wedding website na pala sila, natuwa talaga ako for them.

"Kasi for a couple na mag-abala sa ganyan, it means na talagang ito na 'yon. Sila na talaga. Walang ka-showbiz-an 'yan. Nasabi ko nga na bagay silang dalawa. Ang cute nilang tingnan.

"Si Stella naman, kilala ko siya noon pa. Mabait 'yang taong 'yan. Nakilala ko 'yan noong nagsimula siyang maging singer na. Nakakasabay ko minsan na mag-show 'yan. Kaya alam ko na bagay siya kay Phillip kasi pareho silang mabait na tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Akala nga ng iba na magiging bitter ako. Hindi ako gano'n. Tapos na kami ni Philip. He is a part of my past na. Kung sino ang bagong karelasyon niya, magiging masaya ako. Totoo 'yan at walang kaechosan ito!" tawa ni Gladys.

Okey lang ba na imbitahan siya sa wedding ng kanyang ex?

"Okey lang 'yon," sagot niya. "I will be happy to accept it. Kung okey lang ba sa kanila, ako pa ang kakanta sa wedding at reception nila. Totoo 'yan. 'Yan ang magiging regalo ko sa kasal nila."

NEW INSPIRATION. Inamin nga rin ni Gladys na may karelasyon siya ngayon na isang true-blue American na nagngangalang Daniel Smith.

"Oo, Daniel Smith ang name at hindi siya yung may kaso dito sa Pilipinas, huh!" malakas na tawa ni Gladys, na ang tinutukoy na Daniel Smith ay ang U.S. marine na inakusahan ng pangre-rape sa isang Filipina. "Kapangalan lang niya 'yon. Kasi pati nga ako, naloka sa name niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Anyway, 'yang si Daniel, steady lang siya. Hindi niya ako pine-pressure sa relasyon namin. He knows na gusto kong balikan ang career ko dito and he's supporting me sa gusto ko.

"Sinabi naman niya na anytime that I feel na gusto ko siyang puntahan sa U.S. ay magsabi lang ako and he will be there. Nakaka-touch, kasi walang pressure. Nandiyan lang siya talaga for me kahit magkalayo kami.

"Pero ngayon kasi, talagang ang career ko ang gusto kong ayusin. Unti-unti na akong nakakabawi. Sunud-sunod na ang live shows na ginagawa ko ngayon. Balik ako sa pag-perform talaga. Na-miss ko ang mga ito kaya pinagbubutihan ko na. I'm back and I am here to stay!" deklara ni Gladys.

Kasama Gladys Guevarra sa pelikulang Ang Panday, na pinagbibidahan ni Ramon "Bong" Revilla Jr. para sa GMA Films at Imus Productions.

Read Next
Read More Stories About
Gladys Guevarra, Stella Ruiz
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Akala nga ng iba na magiging bitter ako. Hindi ako gano'n. Tapos na kami ni Philip. He is a part of my past na. Kung sino ang bagong karelasyon niya, magiging masaya ako. Totoo 'yan at walang kaechosan ito!" says Gladys Guevarra about the upcoming church wedding of her ex-boyfriend Philip Peredo with former actress Stella Ruiz (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results