Walang takot sa frontal nudity si Marco Morales, at ito ang naging claim to fame niya. Ipinakita na raw lahat ni Marco ang dapat sana'y itinatago pa niya sa mga pelikulang gaya ng Walang Kawala at Butas (Loophole), kaya ang tanong ng marami ay kung ano pa nga ba ang maaabangan pa sa kanya?
"Well done naman," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "In a way, I proved a lot of people wrong. Hindi ibig sabihin, kapag ipinakita mo na lahat sa katawan mo, hindi ka na nila panonoorin. May iba pa kasing dapat tingnan ang mga tao. No matter what you've shown, there are still other angles, other talents to show."
Ayon sa ilang nakapanood ng mga pelikula ni Marco, nakakaarte naman daw siya. May promise daw si Marco at mukhang hindi lang naman hubaran ang dapat abangan sa kanya.
TORERO & MASAHISTA. May ginagawa siya ngayon, ang Big Night, mula sa Leo Films, from the same producers and director (Bong Ramos) of Butas.
"Wild ang role ko doon. I play the role of a sex performer," banggit ni Marco. "Talagang sexual acts, in other words, torero. May partner ako riyan, and they discovered this new girl, hindi ko pa alam ang full name niya.
"Mayroon pa akong natapos, kay Joel Lamangan, yung Heavenly Touch. Hindi ko alam ang final title, pero ipapalabas siya by end of May pa. Matagal nang tapos yun."
Kasama ni Marco sa Heavenly Touch sina Paolo Serrano, Gwen Garci, at ang baguhang si Joash Valedo. Gumaganap siya rito bilang masahista.
MARCO'S OTHER TALENTS. Does Marco live alone?
"Technically, I do," sagot niya. "I'm sharing a flat with a former co-band member. Pero lagi kasi siyang nasa Baguio. Kaya parang ako lang ang nag-iisa."
Galing si Marco sa bandang Revive. Four years ago, nakapag-release pa sila ng album.
"Acoustic R&B group yun, hanggang mapunta ako sa Showboys sa SOP," sabi niya. "Simpleng pagkanta lang ang ginagawa ko doon. Ako kasi ang musical director nila. Hindi na ako nag-pursue kasi sa Australia pa lang, nagbabanda na ako. Marami na akong bandang nasalihan. Parang naging hobby ko na lang siya. Ibang level na muna. Ayoko kasing maging trabaho ang pagbabanda."
Naging masaya naman daw si Marco sa grupong Showboys noon. Isang taon din silang napanood sa SOP."
"Easy job. It's fun while it lasted. Disbanded na kami. Naging friends ko yung ibang members doon. Maraming naitulong sa akin ang grupo. Career-wise, I met a lot of people through that. No regrets. I miss the boys once in while," saad niya.
May balak ding sabakan ni Marco ang legitimate stage. May discussion sila ng direktor na si Bong Ramos para sa re-staging ng Walang Sugat. Kung matutuloy raw na i-produce ito, he will be taking the lead part.
"Zarzuela raw 'yan, baka sa PUP [Polytechnic University of the Philippines] gawin. Hopefully, matuloy. Excited ako sa ganyang challenges."
INDECENT PROPOSALS. Hindi ikinakaila ni Marco na ngayon ay inuulan siya ng indecent proposals.
"Maraming tatawag, kunwari may job na ipapagawa, nude pictorial daw. Magbabayad daw sila ng malaki. Pero, siyempre, magdududa ka na. Why pay so much for something like that, na alam mo kaagad, parang gusto ka lang i-video at mabosohan.
"Mahirap kasi akong kumagat sa ganyan. Kasi, maingat ako. Nagtatanung-tanong muna ako. Marami akong kakilala na alam nila kung sinu-sino ang pupuwedeng pagtiwalaan sa mga alok. Pag ganoon, tine-turn down ko naman agad," pagtatapos ni Marco.