Nakausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Valerie Concepcion at kinuha namin ang kanyang reaction sa naging pahayag ng kanyang mommy na boto siya sa cager na si Dondon Hontiveros kung ito man ang magiging boyfriend ng kanyang anak.
Ani Valerie, "Dondon naman kasi is very nice naman talaga. We've been dating for like two years already. Feeling ko if hindi naman nila gusto, hindi naman tatagal na magdi-date kami ng two years, di ba?"
"I'm glad naman na okey kasi, I really enjoy his company. It's a big plus kung gusto siya ng family ko, di ba?
May anak na ba si Dondon? "Yeah, he has a kid," sagot ni Valerie. "But he never got married. He's free, legally free siya."
May posibilidad ba na maging sila na ni Dondon? "Ahh...it's hard to say kasi ayokong pangunahan. Sabi ko nga baka ma-jinx kapag halimbawang pangungunahan ko pa, na kukulitin ko na gusto ko ng label or whatever. Kung ifo-force mo kasi baka ma-jinx, di ba? Baka hindi pa matuloy so tama na yun na ini-enjoy namin ang company ng isa't-isa."
Pero aminado naman si Valerie na may feelings na rin siya kay Dondon.
"Siyempre naman ang tagal na naming nagdi-date. So siyempre sinasabi ko naman na gusto ko yung tao. Kaya lang there is this some complication talaga na ano...na alam n'yo yun na hindi talaga pupuwede maging kami. So enjoy-enjoy na lang sa company."
Bakit may complication? "Basta it's something personal," ang bitin na sagot ni Valerie sa press.
