Robin Padilla threatens to close BPI account amid Duterte controversy

May 2, 2016
<p>Robin Padilla hits Senator Antonio Trillanes III over alleged lack of due process in Mayor Rodrigo Duterte's bank account controversy: "Mamaya punta ako sa branch ko, iwi-withdraw ko yung pera ko. Naguguluhan ako kasi hindi ko akalakin na mangyayari it

Nakiisa ng aktor na si Robin Padilla sa supporters ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nagprotesta sa harap ng BPI Julia Vargas branch nitong Lunes ng umaga, May 2.

Kaugnay ito ng hamon ni vice-presidential candidate at Senator Antonio Trillanes III na buksan ni Duterte ang kanyang BPI account, na diumano’y ginamit ng alkalde sa mga transaksiyong umaabot ng “2.4 billion pesos” mula 2006 hanggang 2015.

Ibinahagi ni Robin ang kanyang larawan na kuha sa naturang rally kasama ang ilang opisyales ng Philippine National Police (PNP).

Kalakip nito ang mensaheng nagsasabing, “Bagamat naghihikahos ang RULE of LAW sa ating Bansa Inaasahan ko at ipinagdadasal ko na maging mapayapa ang araw na ito. Mabuhay ang PNP.”

Sa hiwalay na ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Robin na balak niyang i-withdraw ang kanyang pera mula sa personal niyang BPI account, dahil umano sa kawalan ng due process sa kontrobersiyang inuugnay kay Duterte.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Robin, “Mamaya punta ako sa branch ko, iwi-withdraw ko yung pera ko.

“Naguguluhan ako kasi hindi ko akalakin na mangyayari ito sa Pilipinas.

“Parang wala tayong batas na sinusunod, e.”

Kinondena ni Robin ang diumano'y pamumulitika ni Trillanes laban kay Duterte.

“Hindi kasi puwede dapat yun. Nakakatawa dahil dapat may bank secrecy law.

“At itong si Senator Trillanes, hindi naman sumusunod sa batas.

“Di ba, dapat bago ka magbintang, kailangan may pruweba ka? Nasaan yung pruweba mo?”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Robin Padilla hits Senator Antonio Trillanes III over alleged lack of due process in Mayor Rodrigo Duterte's bank account controversy: "Mamaya punta ako sa branch ko, iwi-withdraw ko yung pera ko. Naguguluhan ako kasi hindi ko akalakin na mangyayari it
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results