PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili ready to play villain roles again

Katrina would play contravida preferably in a big project.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 30, 2009
"Tulad nga ng sinabi ko, nakaka-miss ang maging kontrabida. Minsan inaakting ko na lang nang mag-isa kasi nga umiwas muna ako sa gano'ng role. Ngayon, parang feel ko na ulit. Pero depende sa project. Kapag malaking project siya na alam ko na panonoorin ng marami, okey sa akin 'yon," says Katrina Halili.

Ready na ulit na magkontrabida si Katrina Halili dahil nami-miss na raw niya ang maging maldita sa TV.

Mas nakilala kasi si Katrina bilang kontrabida sa pagganap niya noon bilang Black Darna sa Darna ni Angel Locsin at bilang si Angelika sa Marimar ni Marian Rivera.

Nabanggit ni Katrina sa isang TV interview na kapag nasasalubong daw siya ng kanyang mga fans, "Angelika" pa rin daw ang tawag sa kanya. Sabay sinasabi na bumalik siya sa pagiging kontrabida dahil bagay raw sa kanya 'yon.

"Nakakatuwa naman kasi kahit maldita at masama ako sa TV, gusto pa rin nila ako. Akala ko kasi before, tatatak sa pagkatao ko ang pagiging kontrabida at isipin nila na gano'n ako in real life. Pero hindi naman pala. Kaya parang feel ko ulit na magkontrabida kasi lovable pa rin daw ako kahit nagtataray ako," pahayag ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Matatandaang umiwas muna si Katrina sa paglabas bilang kontrabida pagkatapos ng Marimar. Nagbida siya sa afternoon soap opera ng GMA-7 na Magdusa Ka at naging isa siya sa superheroes sa Gagambino. Kailan lang din ay nagbida siya sa one-month episodes ng Obra at Dear Friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tulad nga ng sinabi ko, nakaka-miss ang maging kontrabida," ani Katrina. "Minsan inaakting ko na lang nang mag-isa kasi nga umiwas muna ako sa gano'ng role. Ngayon, parang feel ko na ulit. Pero depende sa project. Kapag malaking project siya na alam ko na panonoorin ng marami, okey sa akin 'yon."

Marami naman ang nagsa-suggest na si Katrina ulit ang kunin para maging kontrabida ni Marian sa Darna. Puwede siyang gumanap bilang ang bagong Valentina na huling ginampanan ni Alessandra de Rossi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Marian Rivera
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tulad nga ng sinabi ko, nakaka-miss ang maging kontrabida. Minsan inaakting ko na lang nang mag-isa kasi nga umiwas muna ako sa gano'ng role. Ngayon, parang feel ko na ulit. Pero depende sa project. Kapag malaking project siya na alam ko na panonoorin ng marami, okey sa akin 'yon," says Katrina Halili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results