KC Concepcion wins first acting award for her first movie

"It's every actor's dream po, di ba, yung makatanggap ng ganitong klase ng award? Siyempre po, sign din po ito para lalo pa po naming pagbutihin yung trabaho namin. And my parents [Gabby Concepcion and Sharon Cuneta] are good with what they do. It's really rewarding that I can do it, too," says KC Concepcion.


Kitang-kita ang sobrang kagalakan ni KC Concepcion nang siya ang manalo sa kategoryang Breakthrough Performance by an Actress sa 6th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society (Enpress), na ginanap noong April 30 sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City. Nanalo si KC para sa pagganap niya sa sa kauna-unahan niyang pelikula, For The First Time ng Star Cinema.

Nagtatatalon si KC pag-akyat sa stage at hindi nito napigilang mapayakap kay Yayo Aguila na siyang nag-present ng award. Mahaba rin ang naging acceptance speech ni KC. Ayon sa kanya, sobrang mahalaga sa kanya ang natanggap na acting trophy since it's her first as an actress.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si KC pagkatapos ng kanyang speech ay masayang-masaya pa rin ang young actress.

"It's my first acting award! Nakakatuwa! Hindi ko talaga siya ine-expect. Bale nakikipagkuwentuhan ako kay Papa [Gabby Concepcion] sa likod, tapos narinig ko yung pangalan ko.

"E, sabi ko, hindi naman ako maghu-host, hindi naman ako kakanta. So, bakit tinawag yung pangalan ko? Tapos may nagsabi, 'Nanalo ka!' Tapos, yun na nga po. It's my first acting award!" masayang pahayag ni KC.

Dahil sa natanggap na award ay mas lalo raw siyang na-inspire na umarte.

"Meron din po kasi akong mga bet na mananalo, kasi mga indie films po sila," sabi niya. "Tapos, magagaling din po talaga sila, nagagalingan din po ako sa performance nila. And thank you po, Enpress, for giving it to me; to my manager; kay Direk Joyce Bernal, dahil kung hindi rin po dahil sa kanya, hindi magiging madali ang movie. Talagang piniga niya po ako."

Since kausap niya ang kanyang Papa bago i-announce ang pangalan niya, ano naman ang sinabi nito sa kanya nang malamang siya nga ang winner?

"Wala, hinila na lang po ako. Sabi ko, 'Teka lang, Pa, teka lang.' Yun pala, nanalo na ako! Tapos, noong malaman ko na nanalo na ako, nawala talaga ako sa huwisyo!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni KC na emosyunal talaga siya. In fact, even during the interview ay teary-eyed pa rin siya.

"It's every actor's dream po, di ba, yung makatanggap ng ganitong klase ng award? Siyempre po, sign din po ito para lalo pa po naming pagbutihin yung trabaho namin. And my parents [Gabby Concepsion and Sharon Cuneta] are good with what they do. It's really rewarding that I can do it, too," saad ng aktres.

JUDAY-RYAN WEDDING. Nag-share din si KC tungkol sa nakaraang secret wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong April 28. Isa si KC sa mangilan-ngilang naimbitahan sa naturang kasalan sa San Juan, Batangas.

"Puwede na ba [sabihin]?" natatawa ngunit nag-aalangan pa niyang tanong. "Well, kasi yung invitation nila, may kaliwang tsinelas na nakalagay. So, yung kanan, makukuha mo lang kapag nakarating ka dun sa place. So, nagpunta ako!"

Dagdag niya, It's very solemn, very laid-back. Parang sila...enjoy silang dalawa lang."

Kung sakaling dumating ang time na siya naman ang magpakasal, gugustuhin ba niyang tulad din ng ginawa nina Juday at Ryan ang kasal niya na maging pribadong-pribado?

Matagal bago nakasagot si KC. Aniya, "Parang ang hirap isikreto. Ang hirap... Parang grabe na na-pull off nila yun. Hindi ko pa naiisip, e. Pero yung beach part, yung part na yun, gusto ko yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN