Mark Herras plays safe about reported chatting on the Net with Sarah Geronimo

"Hinahangaan ko siya dahil napakagaling niyang kumanta. Never met her for how many years na. It's been a long, long time ago nung magkita kami, siguro nandun pa siya sa Kapuso. We're both busy on our work and my career is my priority right now," says Mark Herras about Sarah Geronimo.


Na-link man kung kani-kanino at nabansagang "playboy," wala nang kumpirmadong naging girlfriend ang young actor na si Mark Herras pagkatapos ng breakup nila ng dancer na si Lian Paz. At kahit magkatambal silang muli ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado sa Paano Ba ang Mangarap? ay hindi nanumbalik ang dati nilang pagmamahalan.

Sa itinatakbo ng pangyayari ay mukhang umiiwas muna ang young actor sa pakikipagrelasyon. Pero may lumabas na balita na madalas daw ka-chat ni Mark ang Pop Princess na si Sarah Geronimo habang nasa U.S. ang dalaga for a series of shows. Mukhang ang Box-Office Queen for 2008 daw ang bagong dinidiskartehan ngayon ng aktor.

"With the chat thing, for now, quiet na muna ako ngayon. Kung anuman ang possibility na mangyari someday, basta ako, tahimik na muna ako," paiwas na sagot ni Mark nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Iwas mang magbigay ng kumpirmasyon, aminado si Mark na ang panliligaw diumano ni Rayver Cruz kay Sarah ang isang rason kung kaya't hangga't maaari ay ayaw niyang magsalita. Baka raw kasi masabihan siya na ginagamit lang niya ang Pop Princess.

"That's my point, ayokong magkaroon ng issue with someone right now," sabi ni Mark. "Ayokong sabihan ako ng, 'Mark, may issue na naman na ganito, ganyan.' Basta ako, trabaho na muna ako, ayoko muna ng kung anu-ano.

"Saka alam ko na ang takbo ng showbiz, play safe na ako. Ayoko na muna ng issue o intriga, gusto ko tahimik ako. Ang ganda ng takbo ng career ko, ayoko ng gulo."

Ayaw mang magbigay ng anumang detalye, pero mukhang nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila Mark at Sarah, lalo't ayon sa binata ay matagal na niyang hindi nakikita ang singer-actress.

"Very workaholic din siya, feeling ko," sabi ni Mark. "Hinahangaan ko siya dahil napakagaling niyang kumanta. Never met her for how many years na. It's been a long, long time ago nung magkita kami, siguro nandun pa siya sa Kapuso. We're both busy on our work and my career is my priority right now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mark is open to working with Sarah someday.

"Of course, given a chance, why not?" sambit niya.

PATRICK GARCIA. Sa isang hiwalay na panayam kay Patrick Garcia, nilinaw nito na wala siyang anumang sama ng loob kay Mark kung ginawa man daw nito ang mga bagay na dapat na siya ang gumawa para kay Jennylyn. Si Patrick ang ama ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.

"Actually, kung anuman ang between Pat and Jen, ayokong manghimasok. Basta naiintindihan naman niya yun. At least kay Pat na mismong nanggaling na wala kaming samaan ng loob," sabi ni Mark.

PAANO BA ANG MANGARAP? Sinabi naman ni Mark sa PEP na malapit nang matapos ang afternoon soap nila ni Jennylyn na Paano Ba Ang Mangarap?. Malaki ang pasasalamat ni Mark sa publiko sa mainit na pagtanggap pa rin sa tambalan nila ni Jen sa kabila ng marami na ring nangyari sa buhay nila ng kapareha.

"Huwag silang bibitiw kasi habang tumatagal, mas gumaganda pa ang mga scenes, yung takbo ng istorya. Lahat kami with the whole cast of Paano Ba Ang Mangarap?, with Direk Joel Lamangan, Direk Rommel [Gacho]... Lahat kami nagtutulungan para higit pa itong mapaganda.

"To be honest, hindi ako nag-expect but nag-hope ako na sana na nandun pa rin ang suporta ng mga fans namin ni Jen. Hindi man 100 percent, pero still, nandun pa rin yung support ng Jen-Mark, iba pa rin talaga ang factor ng love team," saad ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN