"Ninang" Suzi Entrata-Abrera reveals more details about the Judy Ann-Ryan wedding

"Akala ko nga kukunin akong host! Kasi nagpunta sa bahay namin, nag-uusap sila about wedding... Akala ko naman, kukunin akong host. Tapos sabi, kukunin akong ninang! Napanganga talaga ako, tapos napasigaw ako, rinig sa mga kapitbahay, kaloka!" relates 33-year-old Suzi Entrata-Abrera about being a wedding sponsor of Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos (inset).


Hindi ine-expect ng TV host na si Suzi Entrata-Abrera na kukunin siyang ninang sa kasal nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Pero hindi na rin daw siya nakatanggi dahil matalik na kaibigan niya si Ryan.

"Ako kasi, hindi pa talaga ako ready na mag-ninang. So, dun sa mga na-inspire, huwag kayong gumaya. Siya [Ryan] lang ang makakaisip niyan. Kay Ryan lang talaga ako pumayag!" bulalas ni Suzi nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng hino-host niyang bagong show sa GMA-7 at Q11, ang Mommy Diary, na mapapanood na starting May 6. Ginanap ang presscon nito kahapon, May 4, sa Aresi restaurant sa Il Terazzo Mall sa Tomas Morato Ext., Quezon City.

Tanging si Ryan pa lang daw ang nakakumbinsi sa kanyang mag-ninang sa kasal at ayaw pa raw niya itong masundan ulit. Natatawa pang sinabi ni Suzi na in-announce pa raw niya sa kanyang Facebook account na huwag na muna siyang kuning ninang ulit sa mga nagbabalak na kunin siya.

"First time ko ito, kasi 33 pa lang ako," sabi ni Suzi. "Pero I see how Ryan see things differently, kaya lagi kaming nag-a-argue, lagi kaming nagdedebate ni Ryan. Kaya nga magbe-breakfast kami, alas-kuwatro na ng hapon kami natatapos. Lagi kaming nag-a-argue kasi iba yung pananaw niya sa world.

"So, feeling ko, nung dini-discuss nila kung sino gagawin nilang ninong at ninang, parang sa kanila, ang ideal na ninong at ninang sa kanila siguro yung mapagkukuhanan din nila ng advise or somebody close to them. Kami ni Paolo [Abrera, Suzi's husband], eight years na kaming kasal on Wednesday [May 6]. Siguro nakikita nila na maganda yung pagsasama namin, masaya kami. Kaya naisipan nilang kunin akong ninang.

"Akala ko nga kukunin akong host! Kasi nagpunta sa bahay namin, nag-uusap sila about wedding, sila ni Tisha [Silang]. Akala ko naman, kukunin akong host. Tapos sabi, kukunin akong ninang! Napanganga talaga ako, tapos napasigaw ako, rinig sa mga kapitbahay, kaloka!" natatawang kuwento ni Suzi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, bakit siya kinuhang ninang nina Ryan at Juday?

"Siguro kasi ang thinking nila, yung talagang right reason kung bakit ka kukuha ng ninong at ninang. Tulad ng kukuha ka ng ninong at ninang ng anak mo, ang kukunin mo yung somebody na makapagbibigay ng advice. So, ganun din sa pagninang sa kasal. Siguro, para kay Ryan, age is just a number. Hindi rin siya monetary. Sabi ko nga, microwave ang ibibigay ko. Sabi niya, 'Ayoko ng microwave, may microwave na kami,'" biro ni Suzi.


BEING CLOSE TO RYAN & JUDAY. Paano naging close si Suzi kina Ryan at Juday?

"Matagal na po kaming close," banggit niya. "Si Ryan po ang kaibigan ko talaga. Since Mornings@GMA [defunct morning show], which was 1998 or 1999 yata. So, mga ten years na rin kaming magkaibigan and we never lost touch.

"Kami po ni Ryan, mahilig kaming tumambay magkasama. Mag-aalmusal kami, tapos matatapos na kami mga alas-kuwatro na ng hapon. Kasi, mahilig po kaming magdiskusyon nang magdiskusyon. Pupunta 'yan sa bahay namin. Ipagluluto ko pa 'yan dati nung wala pa kaming mga anak. Pinipintas-pintasan niya pa ang mga luto ko. Sabi ko, buti na lang si Juday ay magaling magluto."

Paano naman sila naging close personally ni Juday?

"Through Ryan talaga. Parang three or four Christmases ago, isinasama na siya ni Ryan sa ano namin... Kasi every Christmas, may dinner talaga kami ng barkada ng Mornings@GMA. Buo pa po kami—Mon Isberto, Tisha Silang, si Ryan, at saka ako. Siyempre, isinasama-sama namin yung partners po namin. So, at one point, isinama na po niya si Juday noong official na po silang mag-boyfriend," kuwento ni Suzi.

THE WEDDING. Ano ang pakiramdam niya noong nasa loob siya ng San Juan de Nepumuceno Church sa San Juan, Batangas habang sinasaksihan ang kasal ng kanyang mga kaibigan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang naiyak ako siyempre," sabi niya. "Naiyak ako dahil nakita ko yung family ni Ryan, yung boys ha, na very emotional at very excited sila for Ryan. Si Ryan, the night before, akala niya maiiyak siya. So, hinihintay ko. Nakatingin talaga ako sa kanya na umiyak siya. Sa sobrang exitement niya yata na makita si Juday, na makalapit si Juday... Ang tagal talaga ng lakad ni Juday, e, ninamnam niya talaga yung walk niya, e. Hindi siya nakaiyak kasi, alternately, parang titingin siya na concentrated na concentrated kay Juday. Biglang minsan, ngingiti siya ng sobrang ang laki-laking ngiti talaga habang hinihintay niya ang paglapit sa kanya ni Juday. Ibang-iba, ang sarap ng feeling!

"Tapos nung nakita ko si Juday, umiiyak siya, e. Actually, sa TV nga, hindi raw pala halata. Iyak siya nang iyak. Sabi ko, 'Ang galing ha, hindi nakahalata na cry siya nang cry.' Siguro naging emotional na talaga siya. It was a solemn event. Mga 80 lang kami dun, konti lang talaga."

Ano naman ang special na nangyari sa reception?

Kuwento ni Suzi, "Kasi yung breakfast reception after the wedding, simple lang siya, long table lang siya. Nakapila nga rin yung bride, e. Sabi ko, 'Hanep itong wedding na ito na sobrang laid back talaga na pati yung bride, nakapila sa buffet.' May food naman sila.

"Kaya lang, may in-ask yata si Ryan. Kasi si Juday, maalaga kay Ryan talaga, ha. Yung maaasikaso talaga siya. Siya yung tipo na parang may kulang yata sa pagkain ni Ryan. Nakapila din siya sa buffet. Sabi ko, wala akong masabi sa pagka-relax ng wedding na ito!" natatawang salaysay ni Suzi.

Ano ang napansin niya kina Ryan at Juday that day?

"They were so happy. Sobrang happy."

Sa isang interview kina Juday at Ryan, excited na ang newlyweds na magka-baby. Humingi ba ng tips ang dalawa sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na nila ako tinanong, ha. Alam na nila kung ano ang gagawin nila. Naku, excited na silang magka-baby!" sambit ni Suzi.

MOMMY DIARY. Tinanong din ng PEP kay Suzi kung posible bang maging guest niya sa hino-host niyang Mommy Diary ang isang mommy na nag-adopt katulad ni Judy Ann kay Yohan?

"Ang ganda, why not?" bulalas niya. "Kung wala siyang exclusivity doon, tatanungin ko muna ang aking inaanak. Mahirap namang tumanggi sa ninang, di ba? Sabagay, yung mothering, hindi lang naman yung pagiging biological na nanay, di ba? Marami sa atin ang nagna-nanay na kahit hindi mo naman talagang ipinanganak, di ba? So, why not? I think posibleng-posible yung mothering na kahit hindi mo naman biological na anak ay ma-feature natin someday."

Speaking of Mommy Diary, very happy nga si Suzi na sa dinami-dami ng celebrity moms sa showbiz, siya ang napiling host ng bagong show na ito ng GMA-7 at Q11 tungkol sa motherhood at baby care.

"Ako, lagi akong thankful at grateful sa any opportunity na dumarating sa akin. Kasi alam ko naman na maraming pinagpilian. So, very honored ako."

Tungkol saan ba ang Mommy Diary?

"Mommy Diary is a ten-minute show that I think a lot of moms have been waiting for. Nowadays, of course, we want to get as much information as we can and with a little time possible, I guess, because we have many, many other things to do at home. As a mom, siyempre may mga iba diyan na nag-nanay na sila before, but there are so many convenient tips na nadidiskubre, nilu-launch, ipinapakilala as the years go by. Dito sa Mommy Diary mapapanood ang top concerns ng mga mommy tungkol sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, especially yung mga baby pa," paglalarawan ng TV host.

Hindi ba nakakabitin yung 10-minute show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e. Pero it's a new concept. They did it sa Quickfire [Q11's cooking show] na ten minutes din. Pero yung Quickfire, three or four times a day yata siya napapanood. Itong Mommy Diary, once a week lang siya na ten minutes. Pero ang ginawa nila, split channel siya, napapanood sa umaga sa GMA tapos sa Q11 sa hapon. Siguro they want to try something new. Unusual siguro yun, pero kinukuha mo siguro yung dalawang market in the same day. Same episode siya, so kung na-miss mo yung umaga, puwede mo siyang mapanood sa hapon. Very unique siya."

MOM IN REAL LIFE. Tatlong babae ang anak ni Suzi sa asawa niyang TV host at sportsman na si Paolo Abrera—sina Leona, 5, Jade, 4, at Nella, 3. Ano ang pinakamalaking challenge ng pagiging isang ina sa tatlong mga anak?

"Yung pinakamalaking challenge, siguro para sa akin yung mabigyan silang lahat ng attention all at the same time. Kasi pag kunwari yung isa, tapos sabay-sabay silang magsasalita, mahirap talaga. Kasi gusto nila pag napansin yung isa, magseselos yung isa. So, dapat pansinin mo lahat. So, sasabihin ko sa kanila, 'Wait lang, ate first, then Jade next, then Nella next,' parang ganun. Take turns na lang sila."

Paano natatanggap ng mga kids niya ang pagiging celebrity mom niya na may busy schedule?

"I think nasanay na lang sila na kapag umaga wala ako. Si Paolo is a good partner talaga. So, siya yung nag-aasikaso sa mga kids sa umaga. Para siyang nagwe-waiter sa umaga, kanya-kanya ng order yun. Iba-iba ang gusto, oatmeal si ganito, cereal si ganyan, tinapay na may butter. Sanay si Paolo.

"Yung asawa ko po, mabilis siyang kumilos kapag nag-order na yung mga customer niya. Ako naman po, pag weekend ang abala, para yung asawa ko mahaba naman yung tulog niya. E, sanay naman ako na konti lang ang tulog. At saka minsan after lunch, naka-out na ako. So, hapon ako naman ang nag-aasikaso sa kanila. Paligo, yun ang favorite kong gawin sa kanila, kaya pati ako, basang-basa. Pero okay lang, kasama yun, e," kuwento ni Suzi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Postive naman si Suzi na maging siya ay maraming matutunan sa Mommy Diary, especially pagdating sa pag-aalaga sa kanyang tres marias.

Mapapanood ang Mommy Diary tuwing Miyerkules, simula sa May 6, every 10:15 am bago ang SIS sa GMA-7 at 5:50 pm bago ang American Idol sa Q Channel 11.

Regular ding napapanood si Suzi sa daily morning show ng GMA-7 na Unang Hirit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN