Nora Aunor and other U.S.-based Pinoy celebrities attend Pacquiao's after-fight party

GMA-7 executive Marivin Arayata (left) and Superstar Nora Aunor (right) attended the after-fight party and benefit show of Manny Pacquiao in Los Angeles, California.


LOS ANGELES, CALIFORNIA. Kasalukuyang ginaganap dito (11 p.m., May 4, L.A. time; at 2 p.m., May 5, Manila time) sa The Conga Room ng Nokia Plaza ang Benefit Show at After-Fight Celebration ni Manny Pacquiao. Tinalo ni Manny ang Briton na si Ricky Hatton sa kanilang laban noong May 2 (May 3, Philippine time).

Ang Pacman Productions ni Manny ang producer at beneficiary ang The Manny Pacquiao Foundation.

Hinihintay pa ang pagdating ni Manny dahil nanonood pa ito ng laban ng L.A. Lakers at ng Houston Rockets sa bahay niya sa L.A.

Naririto sa party sina Martin Nievera, Michael de Mesa, G Tongi, Bernardo Bernardo, at ang Superstar na si Nora Aunor.

Nakita rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang news anchor na si Cher Calvin at ang kanyang boyfriend na si Jerry Garcia, ang ex-boyfriend ni Iza Calzado. Napansin namin na parang umiwas si Jerry na makunan ng TV cameras.

Kasama namin dito sa After-Fight Party ang mga GMA-7 executives na sina Marivin Arayata, Redgie Magno, at Ali Dedicatoria; at ang mga Manila-based press people na sina Joe Barrameda at Lhar Santiago.

Nagkaroon ang PEP ng pagkakataon na makuha ang panig ni Martin tungkol sa batikos sa kanya ng National Historical Institute na hindi natuwa sa pagkanta niya sa "Lupang Hinirang" sa laban nina Manny at Hatton sa Las Vegas noong Sabado ng gabi.

Babalitaan pa namin kayo ng mga pangyayari sa pagdating ni Manny dito sa After-Night Celebration.

Magkasamang magtatanghal sa benefit show sina Manny at Apl.de.Ap ng Blackeyed Peas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN