Autograph seekers continue to visit Manny Pacquiao at his L.A. home

Saturday Night Live star Tracy Morgan (right) poses with Filipino boxing champ Manny Pacquiao during his visit at Pacman's house. Manny's mom, Dionisia Pacquiao (inset) reveals that her skin has become dry during her U.S. stay.


LOS ANGELES, CALIFORNIA. Naabutan namin ngayon (9 p.m., Tuesday, LA time; 12 noon, Wednesday, Manila time) si Manny Pacquiao na nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa bahay niya sa Palazzo.

Naroroon din ang kanyang nanay na si Dionisia Pacquiao na iniinterbyu ni TJ Manotoc ng ABS-CBN.

Ikinuwento ni Nanay Dionisia na nasira ang kanyang "mga balat" sa States kaya gumagamit siya ng lotion.

"Akala ko, kinagat ako ng lamok. Yun pala, nag-dry ang mga balat ko, pero hindi ako pinapawisan dito," ani Nanay Dionisia.

Maraming tao sa loob ng bahay ni Manny, kabilang na ang mga bata na naglalaro.

HOLLYWOOD STARS. Pansamantalang nahinto ang pakikipagkuwentuhan ni Manny sa mga kaibigan niya nang dumating ang Saturday Night Live star na si Tracy Morgan para magpakuha ng litrato na kasama ang Filipino boxing champ.

"Man, I can't believe I'm here!" ang natutuwang sabi ni Morgan. Nang magpaalam na siya para umalis, matunog na "I love you" ang sinabi ng comedian kay Manny.

Hindi nawawalan si Manny ng mga bisita na pumupunta sa bahay niya para magpa-autograph at magpakuha ng litrato. Isa lang si Morgan sa mga Hollywood celebrities na gusto siyang makita nang personal, tulad nina Mark Wahlberg at Christian Bale.

Mapapanood sa 24 Oras ang pagdalaw ni Morgan kay Manny dahil exclusive ito na nakunan ni Lhar Santiago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN