Chynna Ortaleza is proud of high rating of Paano Ba Ang Mangarap?

"I'm happy because I didn't expect it to be that high in terms of rating. Of course, there's Jennylyn Mercado and Mark Herras na title role namin, which I'm sure masusuportahan yun ng mga fans nila. But I didn't know na aabot siya ng ganoong rating," says Chynna Ortaleza about the success of Paano Ba Ang Mangarap?.


Dalawang shows sa GMA-7 regular na napapanood si Chynna Ortaleza—sa afternoon drama series na Paano Ba Ang Mangarap? at sa musical-variety show na SOP.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Chynna, sinabi niyang very proud siya sa nangyayari sa Paano Ba Ang Mangarap?.

"I'm happy because I didn't expect it to be that high in terms of rating. Of course, there's Jennylyn Mercado and Mark Herras na title role namin, which I'm sure masusuportahan yun ng mga fans nila. But I didn't know na aabot siya ng ganoong rating," saad niya.

Lahat daw sila sa Paano Ba Ang Mangarap at maging sa Dapat Ka Bang Mahalin?, na isa pang afternoon series ng Kapuso network, ay nakatanggap ng commendation letter mula sa presidente ng GMA-7 na si Atty. Felipe L. Gozon.

"In-address niya yung whole production, cast, and staff and crew. Tapos sina Ms. Camille, yung EP [executive producer] namin, binigyan kami ng copy. So, meron ako nun sa bahay. First time ko ever na nakasama sa isang show na pinagbabaan ng commendation letter," saad niya.

Sixteen weeks lang daw talaga ang Sine Novela nila at meron pa raw silang one month to go for the taping. So, most likely, baka hanggang June pa raw siguro ito mapapanood. Masaya naman si Chynna dahil pagkatapos ng Paano Ba Ang Mangarap?, may sinasabi na sa kanyang posibleng next show na gagawin niya sa Kapuso network.

Hindi na raw importante kay Chynna kung primetime o pang-hapon man ang ibibigay sa kanyang proyekto. Dahil gaya raw sa afternoon series nila, kahit pang-hapon ito ay sobrang bigat naman daw ang weight na kailangan sa performance niya. Idagdag pa, ang mismong nagdirek sa kanila ay si Direk Joel Lamangan.

DARING & BAD CHYNNA. Yun nga lang, sa seryeng ito siya naging daring talaga, lalo na sa mga love scenes nila ni Mark Herras. Hindi naman itinanggi ni Chynna na there was a time na parang naalarma siya kahit papaano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Honestly, there was a time na nagkaroon din ako ng konting times na parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Siyempre, may perfect balance 'yan, di ba? Puwede kang mag-daring ng kaunti, pero sa limitation mo lang. Siyempre, alam ko rin naman yung limitations ko, kung ano yung kaya ko.

"Kaya there was a time na sinabi ko rin sa kanila na, 'Guys, huwag namang sobrang sexy kasi hindi naman ako ganoon. At hindi rin naman magugustuhan ng mga tao.' Na-understand naman nila yun. Kaya yung mga ginagawa naming eksena, oo, may konting ka-daringan, pero hindi naman siya pang-sexy star level!" natatawa niyang sabi.

Sa mga nakakapanood ng Paano Ba Ang Pangarap?, sinasabing pasama na raw nang pasama ang character niya. How true?

"The character kasi is maldita, pero coming from somewhere," paglilinaw ni Chynna. "Although ngayon, parang, 'Girl, too much ka na!' Ngayon kasi, nagpi-flip siya, gusto talaga niyang makuha si Eric [Mark], yun ang ultimate objective niya.

"Hindi ko pa alam kung ano pa ang grabeng magagawa ko. In the movie, she didn't die. Pero I don't know here in TV. Like sa movie, hindi naman siya nabuntis, pero dito, nabuntis siya. Maiinis talaga sila, super! Actually, noong binabasa ko nga ang script, naloka na nga ako!" natatawa niyang kuwento.

Anong reaction ang nakukuha niya mula sa mga tao?

"Yung iba, naiinis sila; ako, good sign yun," sabi ni Chynna. "Ibig sabihin, effective. Since ang tagal ko na rin sa business, kahit paano, marami na rin ang nakakakilala sa akin. Wala naman na yung nagsasabi na, 'Bagay sa 'yo, masamang ugali,' wala naman nang ganun. It's more on, 'Effective ka dun. Nakakainis ka dun.' Kahit sa mga co-stars ko nanggagaling, natatawa na lang din ako."

Pero minsan, natakot din daw siya.

"Kasi, after Holy Week, biglang nagkagasgas yung sasakyan ko nang sobrang haba! Pero yun pala, paranoid lang ako. Marami naman palang may gasgas sa street namin. Parang may nang-trip, so lahat ng naka-park na car sa street, may gasgas sila," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIX YEARS WITH RAILEY. Tinanong din namin si Chynna tungkol sa boyfriend niyang si Railey Valeroso, na ngayon ay tila may pinaplanong gawin. In fact, consistent nga raw ang pagdyi-gym ng young actor para gumanda ang katawan.

"Hindi ko pa alam sa kanila ng manager niya," sabi ni Chynna. "Pero may pinaghahandaan siya. At sana, makuha niya. Nagpi-pray ako na sana makuha niya. At sana mabigyan siya ng chance na masama sa kung anumang pinaplano nila, di ba? Actually, bilib nga ako sa kanya kasi talagang seryoso siya, puspusan siya sa pagdyi-gym niya."

Sa July ay anim na taon na silang magkasintahan ni Railey. Pero ayon kay Chynna, wala pa raw silang plano kung pagpapakasal ang pag-uusapan.

"Wala pa. Kasi para sa akin, okay. Sabi nila, 'Ilang taon ka na?' But it's [age] not a factor for me. There's so many things that I have to do. There's so many things that I want to achieve. Same with him. He wants to do things, he wants to achieve.

"We're happy naman as is, so why force the marriage? Baka mas lalo lang mabulilyaso because sinasabi ng tao na matanda na ako. Hello, 26 pa lang ako! At saka iba na rin naman ang panahon ngayon. Puwede akong magpakasal ng 30 at manganak nang walang problema," pahayag niya.

Paano nila napapanatiling exciting pa rin ang relationship nila after six years?

"I don't know, I don't really know," sagot niya. "Masaya pa rin. Masayang-masaya pa rin. Kapag nagkikita kami, may panahon na siyempre nag-aaway, may panahon na okay naman. Siguro ano lang, yung punto na hinahayaan niya ako na gawin ang gusto ko, at siya rin. He has his own life. I have my own life. So, when we see each other, ang dami naming napag-uusapan.

"And things weren't easy for us, especially at the beginning. So, siguro, isang factor din yun kung bakit kami nagtatagal. Kasi, meron kaming ipinaglalaban. Meron kaming gustong ituloy, which is our relationship. At ginagawa namin lahat ng makakaya namin para ma-please namin ang parents namin and ourselves."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN