Manny Pacquiao homeward bound despite DOH request to postpone trip

"Ika-quarantine lang naman kapag nakitaan na may sinisipon or lagnat o kung anuman... Pag may sipon ka, mainit ang katawan mo or may sinat ka o may lagnat ka, saka ka lang ika-quarantine. Pero kapag wala naman, malakas ka, bakit kailangan kang i-quarantine?" says Manny Pacquiao in an interview with Arnold Clavio a few hours before leaving Los Angeles.


Wala nang makapipigil pa sa pagbabalik ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Pilipinas.

Ilang oras bago siya sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas, nakapanayam pa si Manny sa Unang Hirit through phone patch ni Arnold Clavio kaninang umaga, bandang 8:30.

"Tuloy kami ngayon...paalis na kami ngayon," tugon ni Manny sa pangungumusta ni Arnold.

Nauna nang pinakiusapan ng Department of Health (DOH) si Manny at ang kanyang mga kasama na kung maaari sana ay ipagpaliban muna ang pagbabalik nila ng Pilipinas at mag-"self-quarantine" dahil sa pangambang magdadala sila ng kinatatakutan ngayong Influenza A(H1N1) virus o mas kilala bilang swine flu.

Nirekomenda kasi ng World Health Organization (WHO) sa DOH secretary na si Francisco Duque III na kausapin sina Pacquiao at mga kasama, matapos na madiskubreng nakarating na sa Los Angeles ang kinatatakutang virus. Ayon sa WHO, naging "third generation human-to-human transmission" na ang virus, matapos na maipasa ng isang Mexicano ang sakit sa isa pang tao sa L.A. Sa Mexico sinasabing nagsimula ang swine flu na nagpapakita lamang ng mga normal na sintomas ng trangkaso, ngunit ang kaibahan lang nito'y namamatay kalaunan ang taong tinatamaan ng virus na ito.

Tinanong ni Arnold si Manny kung magpapa-quarantine ba sila paglapag nila sa Pilipinas.

"Ika-quarantine lang naman kapag nakitaan na may sinisipon or lagnat o kung anuman... Pag may sipon ka, mainit ang katawan mo or may sinat ka o may lagnat ka, saka ka lang ika-quarantine. Pero kapag wala naman, malakas ka, bakit kailangan kang i-quarantine?" sagot ni Manny.

Hindi pa naman daw sila nagkakausap ni DOH secretary Frank Duque III.

Sa report naman ng GMANews.TV, nabigo ang DOH secretary sa pagkumbinsi kay Manny magpa-self quarantine, kaya pauwi na ngayon ang bagong koronang IBO at Ring Magazine Light Welterweight Champion.

Si Executive Secretary Eduardo Ermita ang kumausap noon kay Manny tungkol sa pakiusap ni Duque, ngunit posisyon ng MalacaƱang, irerespeto raw nila kung ano ang desisyon ni Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, postponed ang National Day of Celebration para kay Manny bukas (May 8). Sa halip, sa Lunes (May 11) na lang daw ito gaganapin, ayon kay Ermita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN