Carmina Villarroel, Zoren Legaspi pray for peaceful, fair election

May 2, 2016
<p>Zoren Legaspi: "Meron tayong sari-sariling kandidato and meron tayong sari-sariling pananaw at hindi tayo mag-a-agree. Pero kung sino ang iboboto ng karamihan at yung mananalo, dapat tanggapin natin."</p>

Nanawagan ang mag-asawang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na magkaisa sa pagboto sa Lunes, May 9, para sa national elections, magkaiba-iba man ang mga napipisil na kandidato ng mga botante.

Nagkakaisa ang mag-asawa sa pagsasabing hindi man pare-pareho ang ibobotong kandidato ng mga tao, naghahangad ang nakararami para sa pagkakaroon ng mga lider na makatutulong sa bansa.

“Unang-una, magdasal po tayo. Totoo ‘yan, let’s pray for our country,” simula ni Carmina sa isang sit-down interview, kasama si Zoren at mga anak nilang sina Cassy at Mavy.

Na-interview ang pamilya Legaspi, na Jollibee endorsers, sa Romulo’s restaurant, nitong Lunes, May 2.

Pagpapatuloy ni Carmina, “Lahat tayo magkakaiba tayo ng gusto, ng choices.

“Pero at the end of the day, pagkatapos ng March 9, iisa lang ang ating bansa, so kailangan magkaisa tayo.

“Like I said, hindi man tayo nagkakaisa sa mga candidates natin, let’s just pray for a peaceful, fair election.

Continue reading below ↓

“Kahit magkakaisa tayo ng gusto, iisa lang naman ang hangarin natin: magandang bansa, magandang ekonomiya, maraming trabaho, magandang edukasyon, walang traffic, walang korapsyon, walang patayan, walang droga, walang krimen.

“Yun lang naman ang gusto natin, tayong lahat.

“Ipagdasal natin kung sino man ang nararapat para maging presidente ng Pilipinas, siya sana ang maluklok sa pagiging presidente.”

Sinang-ayunan naman ni Zoren ang pahayag ng kanyang misis.

Saad ng aktor, “Meron tayong sari-sariling kandidato and meron tayong sari-sariling pananaw at hindi tayo mag-a-agree.

“Pero kung sino ang iboboto ng karamihan at yung mananalo, dapat tanggapin natin.

“Sana nga lang walang dayaan na mangyari, dahil kung sino talaga ang manalo, yun ang demokrasya, e, yun ang pinili ng tao.

“Whether tama siya dun o hindi, yun ang pinili ng tao.

Dagdag pa ni Zoren, “Sana walang masasaktan during election, kasi ngayon nakakakaba, dahil hindi mo alam ang mangyayari.”  

Vocal naman sina Carmina at Zoren na ang susuportahan nilang presidente ay si Sen. Grace Poe ng Partidong Galing at Puso.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Zoren Legaspi: "Meron tayong sari-sariling kandidato and meron tayong sari-sariling pananaw at hindi tayo mag-a-agree. Pero kung sino ang iboboto ng karamihan at yung mananalo, dapat tanggapin natin."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results