Jennylyn Mercado shows up at taping of her soap after mysterious disappearance

Two days after her mysterious disappearance, Jennylyn Mercado showed up at the taping of Paano Ba ang Mangarap? yesterday, May 11.


Tinupad ni Jennylyn Mercado ang pangako niya sa executive producer ng Paano Ba ang Mangarap? na sisipot siya sa taping nila kahapon, May 11. Ayon sa report na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "on time" na dumating si Jennylyn sa taping ng afternoon soap nila ni Mark Herras sa Sucat, ParaƱaque kahapon. Ito ay pagkatapos ng "pagkawala" niya ng dalawang araw.

Sa naunang report ng PEP, walang ibinigay na rason ang actress-singer sa ipinadala niyang text message EP ng Paano Ba ang Mangarap? pagkatapos niyang hindi siputin ang showbiz commitments niya noong weekend. Naging malaking palaisipan para sa mga tagahanga ni Jennylyn, pati na sa manager niyang si Becky Aguila, ang hindi nito pagsipot sa scheduled appearances niya; lalo pa't malapit na ang concert niyang I Am Woman sa Music Museum sa May 14.

Last Saturday, May 9, hindi sinipot ni Jennylyn ang live guesting niya sa Startalk at mini-presscon para sa birthday concert niya kinagabihan; pati na ang live guesting din niya sa SOP noong Linggo, May 10, kung saan bibigyan sana siya ng birthday presentation.

Noong Sabado pa ng hapon, nag-aalala na raw ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila matapos nitong hindi siputin ang magkakasunod na commitments niya. (Click here to read related story.)

Mag-isa raw umalis si Jennylyn ng kanyang bahay sa Quezon City noong Sabado at nag-drive itong mag-isa. Nagpasabi pa nga raw siya na pagkatapos niyang ipaayos ang kanyang kamera ay didiretso na siya sa parlor para magpaayos ng kanyang buhok at saka siya pupunta sa Startalk para sa kanyang guesting.

Nagulat ang kanyang manager nang malamang hindi nakarating sa show ang kanyang alaga. Sinubukan daw tawagan ni Becky si Jennylyn, pero hindi nito sinasagot ang kanyang telepono.

Walang nagawa ang manager ni Jen kundi ang harapin mismo ang press sa presscon na ipinatawag nito kinagabihan para sa promo ng birthday concert ng alaga niya. May hint na raw si Becky that time na hindi darating si Jen kaya siya na ang humarap sa press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung anu-ano na raw ang naiisip na rason ni Becky sa pagkawala ni Jennylyn. That time, katatapos pa lang umulan nang malakas at buhol-buhol ang trapik kaya naman isa ito sa naisip na rason ng manager sa hindi pagdating ng alaga niya sa dalawang commitments nito. Pero malaking palaisipan daw sa kanya kung bakit hindi sinasagot ni Jennylyn ang kanyang cell phone at hindi ito nagre-reply sa kanyang mga text messages.

Maraming naiisip si Becky nang mga sandaling iyon. Unang-una na raw ay ang seguridad ni Jen kung saan man ito naroon. Pangalawa, ang aberyang idinulot ng kanyang alaga sa hindi nito pagsipot sa Startalk, na naghanda ng isang segment para sa kanyang birthday celebration. Ang ikatlo ay ang pag-aalala kung matutuloy ba ang concert nito o hindi? O kung sisipot ba ito sa kanyang show?

Malaki ang investment ni Becky sa show bilang co-producer. Siya rin ang mapapahiya sa sponsors na nagmagandang-loob na tumulong para sa promotion ng concert.

Bago pa nawala si Jennylyn, nakitaan pa nila ito ng sipag sa pagri-rehearse ng kanyang mga kanta na aawitin niya sa sariling concert. Wala nga raw naririnig na reklamo sa aktres sa ginagawa niyang pagte-taping ng kanyang serye at rehearsal para sa kanyang show.

Natutuwa pa nga raw si Becky sa kasipagan ng kanyang alaga at ang pagiging cooperative nito sa promo ng birthday show niya.

"There must be something, there must be a reason kung bakit biglang nawala si Jennylyn. Ayaw ko namang isiping nadisgrasya siya o or kung anuman, dahil mababalitaan natin agad ito," sabi ni Becky.

At press time, hindi pa rin raw nakikipag-usap si Jennylyn sa kanyang manager.

Samantala, may nakarating namang impormasyon ang PEP na namataan diumano si Jennylyn na nagsimba sa isang simbahan sa Quezon City noong Linggo, May 10, bandang alas-sais hanggang alas-siete ng gabi. Ayon sa aming source, kasama ni Jennylyn na nagsimba ang nali-link sa kanya na si Andrei Felix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN