Robi Domingo maximizes his talents to see where he really fits

"Lahat naman, gustong maging versatile. Ganoon ang gusto kong mangyari. Yung maipakita kong marami akong pupuwedeng gawin. Right now, nakakasayaw na ako, into hosting, modeling, acting... Kung puwede nga lang kumanta, baka ginawa ko na. Malay mo?" says Robi Domingo.


Hindi akalain ni Robi Domingo na mapapasabak siya sa hatawan nang sumali siya sa grupong Gigger Boys, na itinatampok sa Your Song Presents Boystown. Mula nang ipakilala si Robi sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2, hindi na mapigilan ang pagsikat niya at naging VJ (video jock) pa siya ng MYX, na lalong nagbigay sa kanya ng matinding exposure.

"I have two left feet," sabi ni Robi nang makasalubong namin siya sa hallway ng ABS-CBN compound para sa exclusive interview na ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, "Kaya, at first, I was astonished. I underwent lots of workshops just to be able to dance. Okey naman sa ngayon. Medyo nakakasabay na raw ako. Looking back to the whole experience, wow, mukhang nag-i-improve talaga ako!"

Sa unang phase ng career ni Robi, parang mapapako na lang siya sa pagiging VJ.

"Lahat naman, gustong maging versatile," aniya. "Ganoon ang gusto kong mangyari. Yung maipakita kong marami akong pupuwedeng gawin. Right now, nakakasayaw na ako, into hosting, modeling, acting... Kung puwede nga lang kumanta, baka ginawa ko na. Malay mo?

"Maximize na what you have and what you can do. Maski ako, hindi ko pa alam ang potentials ko. Pinapasukan ko ang lahat ng puwede kong pasukan. Alam ko rin kung saan ang path ko."

Atenista si Robi, taking up B.S. Health Sciences. Matindi agad ang impresyong na-create niya.

"Hindi naman," sabi niya. "I thank the Ateneo community for that, for being proud of me. Being one of Ateneo's pride, grabe ang dating sa akin, kaya dapat na maging more responsible ako sa actions ko. Hawak ko ang pangalan ng school, gusto ko ring ma-prove that Ateneans are not just for books, for everything as well."

WHAT ABOUT EJAY? Pero parang mas bongga ang nangyayari sa career ni Robi kesa sa grand winner ng PBB Teens na si Ejay Falcon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Abangan n'yo na lang si Ejay. May gagawin siyang mas bongga pa kesa sa akin. Medyo nabibigyan lang din ako ng breaks, pero hintayin na lang nila ang pupuwede pang gawin ni Ejay. Mayroon siyang ginagawa ngayon. After Boystown sa Your Song, ang alam ko, lalabas ang kanyang teenserye.

"We have our own ways para mapansin sa race. Hindi maiiwasan ang comparison. Nauna lang ako. Bukas, who knows? Si Ejay ang gagawa ng waves. Just you wait and see," nangingiting sabi na lang ni Robi.

BREAKING THE BARRIER. Significant ang Boystown para kay Robi. Sa pamamagitan ng bagong teleserye ng Dos, kahit paano ay may nasirang barrier.

"Negative kasi ang dating," sabi ni Robi. "Ako mismo, kapag naririnig ko ang Boystown, alam kong ang mga nandoon, bad boys talaga, salbahe. Delinquents na gusto lang manggulo sa buhay. Mga patapon. Pero, hindi pala. Hindi sila iba sa mga karaniwang gaya natin. May mga kaya silang nagagawa natin, o baka puwedeng higitan pa nila."

Ang unang medyo malaki-laking exposure ni Robi ay sa My Girl noon nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa isang subplot doon.

"As Vincent doon, pasulpot-sulpot lang ako. Halos hindi na ako nakita doon. Pero dito sa Boystown, I play the role of Arkin. Medyo heavy na ito. Ipinapakita sa character ko kung paano yung pagbibinata. Complicated pero dynamic ang character ko sa bagong series," sabi ni Robi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN