Insiders say AJ Perez has what it takes to be a leading man

AJ Perez thanks supporters who say he has what's needed to shine in showbiz, "Salamat naman kung 'yan ang inaakala ninyo." But he adds, "Marami pa talagang kailangang ayusin. Pagdating sa drama, para akong nakukulangan pa."


Sa tipo ni AJ Perez, ang feeling namin ay ito pa ang nililigawan ng mga babae. Medyo nadyahe pa siya nang sabihin namin yun. Pero nakatutok daw talaga siya sa career niya.

"Pero hindi ko naman sinasabing wala na akong panahon sa girls," sabi ng leading-man material. "Puwede ko namang mapagsabay 'yan. Hindi ko naman sinasabing hindi, e. Pero, when I was 13 or 14, I have been seeing girls na rin. Hindi sa showbiz. Puro non-showbiz, mga kaibigan ko from other schools. Nagkataon nga lang na ngayon, I don't have any serious relationship.

Dugtong nito na may halong ngiti, "Let's see in the future."

HONOR STUDENT. Incoming third year high school student na si AJ sa La Salle Greenhills.

"Minsan, I must admit, nahihirapan na ako sa schedule ko," sabi ng binata. "Pero, hindi naman bumaba ang grades ko. Noong third trimester namin sa school, isinasabay ko pa yung Underage. Nagpa-pack up kami, madalas, six a.m. na. Dumideretso na ako ng school, mga seven a.m. Inaantok pa ako, but I have to really push myself para makapag-aral. After third trimester, okey naman. Third honorable mention ako. Masaya ako.

"Pagdating naman sa teleserye, minsan kasi, may offers na sinasabi agad na kailangang mag-every day ako ng taping. Sinasabi naman ng handler ko, siguro, kailangang tanggihan na lang. Conflict na, at marami pa namang darating. Sa ngayon, huwag na muna. Hindi naman talaga ganoon ka-hectic."

Kasama si AJ sa cast ng Your Song Presents: Boystown, after A.S.A.P. Nasa A.S.A.P. din ang Gigger Boys kung saan kasama siya.

Sa pelikula, palabas na ang BFF (Best Friends Forever) nina Sharon Cuneta and Ai Ai delas Alas, kung saan kasama sina AJ at Enchong Dee.

LEADING MAN. AJ has the looks and the height kung ikukumpara sa ibang kasama niya sa Gigger Boys. Kumbaga, malakas ang dating ng isang ito, at malamang na mabilis makikilala as a leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat naman kung 'yan ang inaakala ninyo," sabi ng binata. "Pero, sa Gigger Boys, pare-pareho lang ang atensiyon na naibibigay sa amin. Pana-panahon din, siyempre, hindi natin alam kung sino nga ang unang sisikat. Pero ang mahalaga, nariyan na kami. Kung 'yan ang ini-expect ng mga tao sa akin, na ako ang mauuna, pressure talaga sa akin. Ibig lang sabihin, kailangan lagi akong nag-i-improve sa ginagawa ko.

"Kung sinasabi nilang okey na rin ako, nakikita ko naman, kahit paano, may improvement. Pero, marami pa talagang kailangang ayusin. Pagdating sa drama, para akong nakukulangan pa.

"Mayroon pang kung anong kailangang hugutin sa sarili ko para mas maging maganda. Hindi ko talaga iniisip sa sarili ko na magaling na ako. I don't have to stop there. Kailangang maiangat ko ang level."

CRUSH. Sino ba talaga ang crush o type niya?

"Si Anne Curtis!" mabilis niyang nasabi. "Pero, baka hindi naman ako papansinin niyon, e. Naroon na siya. Ako, e, bata pa lang. Sa young stars, sa tingin ko, si Lauren Young. Hanggang ngayon naman, magka-love team kami.

"Noon talaga, gusto ko na siyang ligawan, pero sa katagalan, naging friends lang kami. Siguro, yung development namin, as good friends lang talaga. Hindi intimate. Pero masaya naman kami sa ganyan.

"With Anne Curtis, puro 'hi' lang. Alam kong mabait si Anne, pero wala pa doon sa point na... Puro 'hi' lang talaga," sabi ng binata, na parang lalong nadyahe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN