Keempee de Leon chooses showbiz over politics... for now

Keempee de Leon wants to serve the people, but knows he has to be prepared financially, mentally and physically, for the grueling world of politics. "Baka bumigay ang buong katawan at pag-iisip ko," said the future candidate.


Kinalimutan na muna ni Keempee de Leon ang pagtakbo bilang konsehal sa 2010. Inamin nga ni Keempee na marami ang nag-imbita sa kanya na tumakbo as councilor sa partido nila.

Sabi ni Keempee sa last shooting day ng All About Eve last Friday sa Ospital ng Makati, pinag-isipan daw niya ang pumasok ng politics. Matagal na raw niyang gustong tumulong sa maraming kabataan. Pero pinigilan niya ang sarili dahil naisip niyang marami pa siyang preparasyon na kailangang gawin. Hilaw pa siya kung tutuusin, aniya.

"Hindi pa ako prepared financially, mentally and physically. Malaking gastos ang pagpasok sa politics at baka bumigay ang buong katawan at pag-iisip ko. Paano ako makaka-function as a public servant kung hindi ako handa, di ba?

"So, after consulting maraming tao, including my dad (Joey de Leon), nag-decide ako na hindi muna ako papasok sa politics. Mahirap nang magsisi sa bandang huli, di ba?"

SHOWBIZ FOR NOW. "Tsaka mas gusto kong tumutok sa trabaho ko. Malaki na ang daughter kong si Sam. She's already 12 years old. I want to take care of all her needs. Ayokong maging pabayang ama. Kaya wala munang politics. Showbiz na lang muna tayo," ngiti ni Keempee.

Tutulong na lang daw si Keempee sa kampanya ng kanyang mga kaibigan sa showbiz na sigurado ang pagtakbo in 2010, tulad ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista who will run for mayor, at Alfred Vargas na tatakbo for 2nd district councilor in Quezon City.

"Susuportahan ko na lang sila in the best way I can. Kung kailangan nila akong mag-host or mag-perform sa mga miting de avance nila, isang tawag lang ako at makakaasa sila sa suporta ko," paniguro ni Keempee.

Malapit na ngang matapos ang All About Eve at hindi pa alam ni Keempee kung ano ang next regular series niya. For the meantime ay magko-concentrate muna siya sa show nila ni Regine Velasquez na Are You The Next Big Star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN