Mark Reyes says Zorro taping affected by Richard Gutierrez's accident

Even Mark Reyes doesn't know who the killer is in SRO Cinemaserye Presents Suspetsa... and he's directing it! "Sinabi ko kasi na huwag sabihin sa akin kung sino ang killer para hindi ko siya tutukan. Sabihin na lang sa akin kapag nasa seventh week na kami!"


Bakas ang wala pang tulog at pag-alala sa mukha ni direktor Mark Reyes nang dumating siya sa launch cum presscon ng bago niyang dinidirek na drama, ang eight-Thursdays series ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, na ginanap sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network nitong Biyernes.

Nag-start na pala siyang mag-taping ng said drama series at 7 a.m. na sila nag-pack up. So, nasa taping siya nang matanggap niya ang balita tungkol kay Richard Gutierrez?

"Yes, lahat kami nagulat sa taping nang mag-text ang isang staff ng Zorro, siguro around 2 a.m. yun, at sinabing naaksidente si Richard," seryosong sagot ni Direk Mark.

"Wala pa siyang detalye kung ano talaga ang nangyari, at nag-alaala kami kung gaano ba kagrabe ang nangyari. Basta ang sabi lamang, total wreck ang sports car ni Richard na nahulog sa malalim na lugar.

"Mabuti na raw lamang at convoy sila from Tagaytay, kasunod ng kotse ni Richard na siya ang nagmamaneho, ang sasakyan ng GMA-7 with our Executive Producer ng Zorro, si Angie Castrence. Siya ang nag-asikaso ng pagdadala sa hospital kay Richard.

"Nakahinga kami nang maluwag nang mag-text sila na okey na si Richard, may sugat daw sa noo, pero conscious at ililipat na sa Asian Hospital.

"Si Angie, hindi ko na nakausap, tumaas daw ang blood pressure. Kapag nakita mo kasi ang nangyari sa kotse ni Richard, miracle talaga na nabuhay sila ng bodyguard niya, na-save sila ng airbags at seat belts ng kotse. Yung assistant niya, hindi siguro naka-seat belt kaya tumilapon sa impact.

"Tumawag din sa akin si Dingdong [Dantes] kanginang umaga at shocked daw siya nang may mag-text sa kanya na naaksidente si Richard at tinanong niya kung ano talaga ang nangyari. Sinabihan ko siya na mag-ingat din siya sa kanyang pagmamaneho.

"Ngayong magkausap tayo, naroon na sa hospital sina Bubbles [Paraiso] at Bianca [King] at sabi nila, okey na si Richard, nagkaroon daw ng ten stitches yung sugat niya sa noo, nag-CT scan na rin siya at wala raw namang nakita sa tests. Pupunta ako roon pagkatapos ng presscon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating naman si Redgie Acuña-Magno, Senior Program Manager ng Zorro, at natanong din namin kung ano ang ginawa niya nang makarating sa kanya ang balita.

"Ninerbyos talaga ako nang malaman ko, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Tita Annabelle, pero dapat kong ipaalam agad sa kanya," sagot ni Ms. Magno.

"Tinawagan ko siya at sinabi ko na naaksidente si Richard pero sinabi ko agad na okey na siya at naroon sina Angie na nag-asikaso sa kanya para di siya gaanong mag-alaala."

EFFECT ON ZORRO. Inamin ni Direk Mark na makakaapekto sa pagti-taping nila ng Zorro ang nangyari kay Richard.

"Wala kaming nakabangkong episode," patuloy ni Direk Mark. "Nahihirapan kasi kaming mag-taping dahil laging umuulan at naapektuhan din kami sa pagdaan ng bagyo noon sa Bataan. Wala namang nasirang set, pero hindi talaga kami nakapag-taping ng ilang araw. But what's important now, ang gumaling agad si Richard. Magagawan naman ng paraan na wala muna si Richard sa eksena at alam kong maiintindihan yun ng mga tagasubaybay ng Zorro."

SUSPENSE-THRILLER. Back to SRO Cineserye, ano naging reaksyun niya nang i-offer sa kanya ang project?

"Nagulat ako sa cast at sa story, pero maganda talaga. Hindi ko alam na first time lamang palang magkakasama-sama sa isang project ang mga StarStruck na sina Jennylyn [Mercado], Yasmien [Kurdi] at Nadine [Samonte].

"Wala silang ginawa kundi magkuwentuhan at magtawanan sa set. Since suspense-thriller ito, may isang eksena na may rain effect, pero instead na maging nakakatakot ang eksena, nagtampisaw pa sila sa ulan, parang mga bata. Pero nang sabihin kong seryoso na, hindi ko na sila kailangang pagsabihan ng gagawin, alam na nila kung paano."

Sa mga lalaki, nasa cast sina Paolo Contis, Baron Geisler, Victor Aliwalas at Ryan Eigenmann. Hindi ba siya nahirapan kay Baron na laging sinasabing may "attitude"?

"Wala naman akong problema. Si Paolo, mahusay naman iyan kahit anong ibigay mong role. Nakapag-taping pa lamang sina Baron, Ryan and the three girls. Si Baron, napakahusay niya, malandi, malaro sa set, pero nakikinig siya sa mga sinasabi ko sa kanya. Si Nadine, medyo praning-praning ang role niya but she delivered."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Mark, masarap hingan ng off-the-record na kuwento, pero this time, hindi niya masabi kung sino ba ang killer, kung sino ang biktima.

"Sinabi ko kasi sa kanila na huwag sabihin sa akin kung sino ang killer para hindi ko siya tutukan. Sabihin na lang sa akin kapag nasa seventh week na kami, at saka para hindi ko maikuwento," at napahalakhak si Direk Mark.

NEXT PROJECTS. Ano ang susunod niyang project sa GMA-7 after Zorro? Dapat ay sa kanya ibigay ang pagdidirek ng Pinoy adaptation ng Full House na isang Koreanovela romantic comedy.

"Wala pa silang sinasabi sa akin kung ano ang susunod kong project. Pero may gagawin akong movie na baka simulan ko by September, and hopefully, pumayag ang GMA Films na makipag-co-produce sa Unitel Pictures.

"Isa itong graphic comics novel, action-drama-special effects, ang Andong Agimat na si Dingdong Dantes ang bida. Alam ko, busy ang GMA Films sa Ang Panday, pero nang i-present ko sa kanila ang project, nagustuhan nila. Pero uunahan ko na kayo, in development pa ang movie, it might not push through, pero sana ay pumayag ang GMA Films para matuloy ito."

RICHARD UPDATE. Sa ngayon, maayos na ang lagay ni Richard Gutierrez. Ayon sa text message ng kapatid niyang si Ruffa:

"Doc said what saved Chard was the air bag. Chard's two-hour operation is over and he's sleeping now. Maraming tinanggal na bubog sa face nya. He has a long deep cut on his eye/eyebrow with more than 10 stitches. The little cuts were also stitched up. Let's pray he doesn't need to get cornea operation cuz of glass that went [into] his eye. He's out of danger but still traumatized. "

At noong sinabi kay Richard na nasawi sa aksidente si Nomar Prado, ang kanyang assistant, ang kuwento ni Ruffa sa text: "Iyak siya nang iyak. Let's pray that he heals quickly. We need your prayers, pls pls!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN