Alfred Vargas thrilled by homecoming of non-showbiz girlfriend soon

"Pagdating niya [Yasmine] rito, hindi muna ako tatanggap ng work. I'll spend time with her and her family. 'Saka siyempre, iki-clear muna siya sa Influenza A(H1N1) pagdating niya rito. Siguro, pupunta muna kami sa Boracay kapag okay na siya," says Alfred Vargas about girlfriend Yasmine Espiritu's anticipated arrival.


Halata ang excitement ni Alfred Vargas sa nalalapit na pag-uwi, for good, sa Pilipinas ng girlfriend niyang si Yasmine Espiritu. Sa June 14 na ang dating ni Yasmine pagkatapos niyang mag-graduate ng Fine Arts sa Trento, Milan, in Italy.

"Halos hilahin ko na nga ang araw," biro ni Alfred nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day ng All About Eve sa Ospital ng Makati. "Tamang-tama naman na patapos na nga itong soap namin. Although sinabi ni 'Nay Lolit [Solis, his manager] na may susunod na raw akong project.

"Pagdating niya [Yasmine] rito, hindi muna ako tatanggap ng work. I'll spend time with her and her family. Saka siyempre, iki-clear muna siya sa Influenza A(H1N1) pagdating niya rito. Siguro, pupunta muna kami sa Boracay kapag okay na siya."

Officially, six months na ang relasyon nina Alfred at Yasmine. Sinagot ng dalaga ang aktor noong December 20, 2008. Taga-Lumban, Laguna sina Yasmine at bata pa ang dalaga nang mamatay ang ama niya.

Ano na ang naibigay na nilang mga regalo sa isa't isa since matagal silang hindi nagkikita?

"A diamond-gold necklace," sagot ni Alfred. "Siya naman, consistent nagbibigay ng gift sa akin. Isa rito yung ini-sketch niya kaming dalawa na kamukhang-kamukha namin talaga."

Tamang-tama naman ang pag-uwi ni Yasmine sa Pilipinas dahil makatutulong siya sa pangagampanya ni Alfred, na tatakbong councilor sa Second District ng Quezon City next year.

"Ayaw ko siyang paarawan, ang kinis-kinis kasi ng skin niya!" natatawang wika ni Alfred. "But I'm sure, tutulungan niya akong mangampanya. Happy nga ako na, as of now, marami nang gustong sumuporta sa akin at very positive ang surveys nila sa akin. Kahit ang GMA at si 'Nay Lolit, supportive sila sa akin. Kahit ang mga former classmates ko sa Ateneo, nag-pledge sila ng support sa akin.

"Siguro, puwede pa akong gumawa ng hanggang dalawang drama series kasi sa February 2010, 45 days before election, magsisimula ang ban sa mga politicians na hindi na sila puwedeng mapanood sa mga shows; unless show ito na may kinalaman sa politics."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON KATRINA HALILI. Dalawang beses nang nakatambal ni Alfred si Katrona Halili—sa pelikulang Gigil at sa "Karibal" episode ng Dear Friend. Hiningan namin ng reaksiyon si Alfred sa pagkakasangkot ni Katrina sa Hayden Kho video controversy.

"Katrina is a good friend," sabi niya. "She's a respectable lady, kaya bilang respeto ko sa kanya, ayaw kong panoorin yung mga sex video daw niya. Para kasi sa akin, ang babae ay iginagalang, minamahal, inaalagaan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nangyari ito sa kapatid ko.

"But I'm sure, hindi siya pababayaan ng GMA Network sa laban niyang ito. Tutulong akong ipagdasal siya na malampasan niya lahat ng mga pinagdadaanan niya ngayon at narito lang ako para suportahan siya."

Sa ngayon, natapos na ni Alfred ang first indie film niya, Kolorum, na tinapos niya ang shooting while traveling sa iba't ibang bayan sa Bicol noong Holy Week vacation niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN