Mrs. Irene Kho admits Hayden has brought shame to their family

"Ang alam ko noon pa is a certain Erik Chua. Yun, Erik Chua, yun na 'yon. Kasi siya ang kumuha... Hindi ko masasabing nakaw. Hindi ko alam yung word na 'yon. Basta siya ang kumuha ang laptop [ni Hayden] na hindi alam nung aking anak," says Mrs. Irene Kho when asked who was the source of the sex videos of her son Hayden.


Sa ikalawang pagkakataon ay nagpaunlak ng exclusive interview ang ina ni Hayden Kho na si Mrs. Irene Kho sa TV Patrol World kagabi, May 26.

Kumpara sa unang interview—na naganap noong Lunes, May 25—kung saan nagpupuyos sa galit si Mrs. Kho, ngayon ay mas malumanay na ang pagpapahayag niya ng kanyang saloobin tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ng anak. At kung noong una ay live siyang in-interview ni Karen Davila, dito sa ikalawang interview niya ay pinuntahan siya mismo ni Karen sa kanilang tahanan para sa isang taped interview.

Aminado ang ina ni Hayden na kahihiyan ang dinala nito sa kanilang pamilya dahil sa pagkalat ng sex videos nila ni Katrina Halili at iba pang mga babae. Ang ama kasi ni Hayden ay isa ring doktor gaya niya.

"Kahihiyan, nasaktan kami. Para kaming tinorture. Hindi na kami makalabas ng bahay. Parang wala na kaming kaibigan. Parang ang baho-baho na namin na... Gano'n, parang wala kaming kuwentang tao," malungkot na saad ni Mrs. Kho.

Labis daw na naapektuhan ang kanilang pamilya dahil sa pangyayari, kung saan naging laman ng TV at pahayagan ang tungkol sa sex videos ni Hayden. Sa katunayan, isinugod daw sa hospital ang ama ni Hayden na si Dr. Hayden Kho Sr. noong Lunes, samantalang ang yaya naman ng cosmetic surgeon ay namatay dahil sa "dismaya at eskandalo" na kinasasangkutan ng alaga.

Ani Mrs. Kho. "Siyempre, nagalit ako kasi hindi naman ganun ang turo ko [kay Hayden]. Na-shock ako kung bakit ibang-iba na siya ngayon."

THE SEX VIDEOS. December 2008 daw nang aminin ni Hayden sa kanyang ina ang pagkalat ng sex videos niya. Aminado si Mrs. Kho na maging siya ay hindi maintindihan kung bakit kailangan pang i-videotape ng anak ang kanyang pakikipagtalik sa iba't ibang babae.

"Noong huli na, tinanong ko kung bakit niya nagawa 'yon," sabi ng ina ni Hayden. "Ang sabi niya, 'Mommy, yung nangyari kay Katrina Halili, two years ago na 'yon. Hindi ko naman ginawa 'yon nang sabay-sabay. Oo, Mommy, kasalanan ko yun. Pero private ko 'yon. Para bang, Mommy, dumumi ako, tinapon ng iba, kasalanan ko ba 'yon?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi pa napapanood ni Mrs. Kho ang sex videos ng anak, inamin daw sa kanya ng anak na high siya sa droga sa video nila ni Katrina.

"Sabi niya, high siya kasi binigyan siya, pinilit siya ni Katrina na bigyan ng gamot... Naniniwala ako kasi hindi ganyan si Jun-jun [palayaw ni Hayden]. Actually, sinabi niya sa akin, pagkatapos niyang i-lipo si Katrina, tinawagan siya ni Katrina. Pagpunta niya doon [sa condo ni Katrina], nakita niya, may apat na nagda-drugs. So, umalis siya.

"Pagkatapos, text nang text sa kanya [si Katrina]. Wala raw tigil sa kate-text. So, pumunta siya ro'n... Pagpasok niya ro'n, nakatuwalya si Katrina, tipong parang nakaka-seduce. Parang gano'n. Tapos, pinilit siyang bigyan ng gamot," lahad ni Mrs. Kho.

SUICIDAL TENDENCY. Pinakamasakit daw para kay Mrs. Kho nang sabihan ni Senator Bong Revilla si Hayden na isang "baboy" at "manyak" sa national television. Si Sen. Revilla ang unang nagsapubliko ng kontrobersiya tungkol sa sex videos ni Hayden.

Tinanong din ni Karen Davila si Mrs. Kho kung ano naman ang galit niya sa talent manager na si Lolit Solis, na sa unang panayam niya sa TV Patrol World ay sinabi niyang siya ang "nag-orchestrate" sa "acting" ni Katrina sa kanyang public appearances. (Click here to read related story.)

"Ang galit ko kay Lolit Solis, yung sasabihan ang anak ko sa TV, porke hawak niya ang TV, 'Tawagin na lang natin siyang Doctor Manyak.' Bakit ia-accuse niya ang anak ko na 'manyak'?" sabi ni Mrs. Kho.

Sinabi ni Karen kay Mrs. Kho na ganun kasi ang pananaw ng mga tao kay Hayden.

Pero paliwang ni Mrs. Kho, "But you do not use that word, kasi hindi pa naman nagsisimula, e. Hindi ba, matagal na, hindi nagsasalita yung anak ko? Bakit sila maghuhusga, hindi naman nila alam ang puno't dulo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa eskandalo at kahihiyan, handa raw isauli ni Hayden ang lisensiya niya sa pagka-doktor. Pero ang mas ikinababahala raw ng ina ay ang ipinapakitang suicidal tendencies ng anak, na ipinapahiwatig nito sa mga text messages niya, gaya nito:

"To my family: I am sorry for all the problems I'm causing you now, especially for the embarrassment that I'm bringing to the family because of my past indiscretions. I want to make things right and save the family this humiliation but I don't know what to do... my enemies are relentless, heartless, and unforgiving... I am defeated. I am sorry."

Ayon kay Mrs. Kho, hindi pa raw masyadong healed ang "depression stage" ng anak.

Suicidal ba si Hayden? tanong ni Karen.

"Yeah," sagot ni Mrs. Kho. "Ang sabi ko lang, 'Bakit ka gumanun?'

"'Hindi ko, Mommy, makayanan ang utak ko. Kung bakit ginawa sa akin 'yon ng best friend ko. Bakit nila ako trinaydor?'" sagot daw sa kanya ng anak.

THE CULPRIT. Sinabi ni Mrs. Kho na kung may dapat mang parusahan sa kontrobersiyang ito, na naging national issue nga, ay walang iba kundi ang taong nagkalat ng sex videos ni Hayden.

Sino ang suspetsa nilang nagkalat ng sex videos?

"Ang alam ko noon pa is a certain Erik Chua. Yun, Erik Chua, yun na 'yon. Kasi siya ang kumuha... Hindi ko masasabing nakaw. Hindi ko alam yung word na 'yon. Basta siya ang kumuha ang laptop [ni Hayden] na hindi alam nung aking anak," saad ni Mrs. Kho.

Naniniwala raw si Mrs. Kho na si Erik ang nagkalat ng sex videos ni Hayden, pero hindi raw nito alam kung ano ang motibo ni Erik upang gawin ito.

Pero pinabulaanan naman ni Erik Johnston Chua na siya ang nagkalat ng sex videos ni Hayden sa official statement na ibinigay niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa interview niya noong Lunes sa TV Patrol World. (Click here to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pinagdadaanan ni Hayden, mananatiling nakasuporta si Mrs. Kho sa anak. Aniya, "Of course, nanay ako. Kung siya ay anak na walanghiya, papabayaan ko siya. Hindi siya walanghiya...

"Hindi siya walanghiya kasi hindi siya 'yon. Wala siya sa tamang... I mean, siguro gawa nga ng droga, di ba? Alam naman ninyo, ang daming nababalitaan diyan, pag naka-droga ka, hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo."

Tinanong ni Karen si Mrs. Kho kung paano naman ang ibang mga babae na kasama ni Hayden sa sex videos. Lumalabas daw kasi na ginagawa raw talaga ni Hayden ito, kahit hindi si Katrina ang kasama niya.

Sagot ni Mrs. Kho: "Actually, hindi ko na tinatanong 'yon, yung ibang ginagawa niyang gano'n. Kasi ang sabi nga niya, hindi naman niya sunud-sunod..."

Bukas, May 28, ay nakatakdang humarap sa Senado sina Hayden, Katrina, at iba pa para sa imbestigasyon kaugnay ng sex-video scandal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN