Katrina Halili and Hayden Kho face each other at the Senate hearing

Ex-lovers Hayden Kho and Katrina Halili saw each other for the first at the Senate earlier today, May 28, after their sex video came out in the public.


Sinimulan na kaninang hapon, May 28, ang Senate inquiry kaugnay ng sex videos ng cosmetic surgeon turned actor na si Hayden Kho kasama ang iba't ibang babae, kabilang ang aktres na si Katrina Halili.

Kasama ni Hayden na nagtungo sa Senado kanina ang kanyang ina na si Mrs. Irene Kho at ang legal counsel niyang si Atty. Lorna Kapunan. Dumating naman si Katrina kasama ang mga abogado niyang sina Atty. Raymund Palad at Atty. Marlito Tan at ang ina niyang si Mrs. Malou Halili.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaharap sina Hayden at Katrina pagkatapos pumutok ng kinasasangkutan nilang sex-video scandal.

Bagamat inimbitahan din sa hearing, hindi nakarating ang ex-girlfriend ni Hayden na si Dra. Vicki Belo (na ni-represent ng kanyang abogado na si Adel Tamano); ang talent manager na si Lolit Solis (na ni-represent ni Atty. Noel Malaya); ang itinuturong nagpakalat ng sex videos na si Erik Johnston Chua; at ang commercial model na si Maricar Reyes, na sinasabing isa rin sa mga babaeng na-videotape ni Hayden.

PUBLIC SESSION OR EXECUTIVE SESSION? Ang hearing ay isinagawa ngSenate Committees on Youth, Women, and Family Relations and on Public Information and Mass Media, sa pangunguna ni Senator Jamby Madrigal.

Bago pa man magsimula ang pagdinig ay hiniling na ng kampo ni Hayden na gawing executive session ang pagdinig, imbes na public session. Paliwanag ni Atty. Kapunan, nag-aalala siya na baka ma-distort ng media ang facts kung gagawin ang hearing sa open session. Sasagutin naman daw ng kanyang kliyente ang lahat ng mga katanungan sa isang executive session.

Hindi naman pabor dito ang kampo ni Katrina. Sinabi ni Atty. Palad na dumalo sila sa hearing upang tulungan ang Senado sa hakbang nito na i-address ang isyu ng pornography sa Pilipinas. Gusto ni Atty. Palad na buksan sa publiko ang inquiry dahil "it has no risk to national security."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinulong din ni Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang pagbubukas sa publiko ng testimonya ni Hayden. Sinegundahan naman ito ni Senator Bong Revilla, na unang nagsapubliko tungkol sa sex videos ni Hayden sa kanyang privilege speech sa Senado noong May 19.

Sinang-ayunan ni Sen. Madrigal ang posisyon ni Atty. Palad dahil mas mabuti raw kung maibibigay ni Hayden ang kanyang panig. Pero sinabi rin ng senadora na reresputuhin pa rin niya ang right to privacy ni Hayden kung hindi ito papayag na sabihin ang kanyang testimonya sa publiko. "If they walk out, they are free to do so," pahayag ni Sen. Madrigal.

Nauna rito, sinabihan ni Atty. Kapunan si Sen. Madrigal na magwu-walkout sila kung pipilitin na mag-testify sa publiko ang kanyang kliyente.

Idiniin ng abogado ni Hayden na wala naman daw point upang saksihan ng media ang mga pahayag ng doktor dahil isasagawa ang Senate inquiry upang makatulong para sa pagsasagawa ng batas, at hindi upang pagpiyestahan ang dalawang personalidad.

Pero inakusahan ni Sen. Estrada si Atty. Kapunan ng pananakot sa Senado kapag hindi pinagbigyan ang kanilang kahilingan.

"I think they're threatening us with a walkout if we insist on a public hearing, " sabi ni Sen. Estrada.

Nanindigan naman si Atty. Kapunan na magpa-participate lamang sila sa isang closed-door hearing para maiwasan ang "circus." Sinabi ng abogado ni Hayden na si Sen. Estrada ang nananakot sa Senado at hindi sila.

"To say, Mr. Senator, that we are threatening this senate is manifest of [your] desire to exploit the Senate hearing to what we don't know," saad ni Atty. Kapunan.

Binuweltahan naman ng galit nang si Sen. Estrada ang lady lawyer. Aniya, "Did I threaten you personally? I don't even know you. You have no right to lecture on us. I demand the presence of Kho."

Pumalakpak naman ng mga nasa loob ng Senado nang igiit ni Sen. Estrada ang presence ni Hayden sa public hearing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang nagawa ang mga abogado ni Hayden kundi papasukin sa kuwarto ang doktor, na nasa isang holding room noong una.

DOUSING WITH WATER. Pagkatapos nito ay pinapasok na sa Senate room si Hayden at sumunod naman sa kanya si Katrina.

Pero ilang sandali lang pagkatapos makapasok ni Katrina sa Senate room ay sinabuyan ng tubig ng isang lalake si Hayden mula sa kanyang likuran. Kinilala ang nasabing lalake na si Abner Afuang, dating mayor ng Pagsanjan, Laguna, at dating police officer sa Manila.

Pagkatapos ng insidenteng yun, agad-agad na ni-request ni Atty. Kapunan na i-reconsider ang pagkakaroon ng closed-door meeting.

Halatang nagulat si Hayden sa insidente, pero nanatili siyang kalmado. Nilapitan siya ng kanyang ina at pinunasan siya nito.

Pagkatapos buhusan ng mineral water si Hayden ay inutos agad ni Sen. Madrigal na ipahuli sa Afuang. Sa panayam ng GMA News kay Afuang, sinabi nitong "nabababuyan" siya sa ginawa ni Hayden kaya niya ito sinabuyan ng tubig.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng eksena sa Senate hearing si Afuang, na may suot-suot na media badge. Gumawa rin siya noon ng eksensa sa hearing ng tinaguriang Alabang boys. Maaaring kasuhan ng contempt of court si Afuang, ngunit hindi natitinag ang dating pulis.

Minsan nang isinapelikula ang buhay ni Afuang, kung saan ginampanan ni Phillip Salvador ang dating pulis. Incidentally, dumalo rin sa pagdinig kanina sa Senado si Phillip.

BELO'S AFFIDAVIT. Hindi man nakarating sa hearing si Dra. Belo, na kasalukuyang nasa Paris, France, ay isinumite naman niya ang kanyang sworn affidavit sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Adel Tamano.

Sa kanyang affidavit, pinabulaanan ni Dra. Belo na siya ang dahilan kung bakit kumalat ang videos ng kanyang dating kasintahan, kung saan nakikipagtalik ito sa iba't ibang babae, kabilang na nga si Katrina.

Nakalahad din sa affidavit ng cosmetic surgeon na sinabi niya sa mga kaibigan ni Hayden—Erik Johnston Chua at Mark Herbert "Bistek" Chua—na sirain ang sex video nila ni Hayden. Nauna rito ay inamin niya, sa pamamagitan ni Atty. Tamano, na meron din silang sex video ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Belo na binigyan niya sina Chua at Rosario ng susi ng apartment kung saan tumutuloy si Hayden, upang burahin ang videos nila ni Hayden sa hard disk ng computer na inisyu ng Belo Medical Group sa dating kasintahan.

Ang alam lang daw ni Dra. Belo ay yung sex video nila ni Hayden ang laman ng hard disk. Pero noon daw gabi ng December 18, 2008, ay binigyan siya ni Erik ng isang DVD at sinabing, "Eto, regalo ko sa 'yo."

Nagalit daw si Dra. Belo nang makita niya ang DVD dahil ang instruction niya raw kina Chua at Rosario ay burahin ang video at huwag gumawa ng kopya. Pagkatapos nito ay pinanood daw ni Dra. Belo ang DVD at nagulat siya nang madiskubre niya na ang laman nito ay ang video ni Hayden, kung saan nakikipagtalik siya sa iba't ibang babae, kabilang si Katrina.

"AKO ANG BIKTIMA." Tumanggi si Hayden na magbigay ng kanyang opening statement. Sasagutin na lamang daw niya lahat ng tanong na ibabato sa kanya ng komite.

Naging madamdamin naman ang opening statement ni Katrina, na walang tigil ang pagtulo ng luha habang binabasa ang kanyang pahayag.

Sinabi ni Katrina na siya ang totoong "biktima" sa sex-video scandal na kagagawan diumano ng kanyang dating lover na si Hayden. Nagkaroon ng relasyon sina Katrina at Hayden noong 2007 pagkatapos i-liposuction ni Dr. Kho si Katrina. Girlfriend pa noon ni Hayden si Dra. Belo.

“Minahal ko si Hayden," sabi ni Katrina. "Bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isiping ako lang ang nagmamay-ari ng ng puso niya. Pero gaya ng lahat ng relasyon nagsimula sa kasinungalingan, wala itong pinatunguhan."

Sinabi rin ni Katrina na wala siyang alam na ang doktor na minahal niya ay isa rin palang "direktor" ng pornography na nakolekta ni Hayden mula sa iba't ibang babae na nakasiping nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong ibinigay ‘yong puso at kaluluwa ko sa sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya.

“Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako, madali niya akong napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.

“Patay na ako, pero may video pa rin at Internet. Dalawa lang ang kasong isinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin, sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatang maging doktor. Gusto ko siyang makulong at pagdusahan ang ginawa niya sa akin," pahayag ng aktres.

Hindi rin napigilan ni Katrina ang kanyang emosyon nang sabihin niyang hindi siya makapaniwala na magagawa sa kanya ito ni Hayden. Sa isang punto, kung saan tumingin sa kanya si Hayden, sinabihan niya ito: "Ang kapal ng mukha mo! Nakakatingin ka pa sa akin nang ganyan!"

Pero madalas ay nakatungo at nakapikit lamang si Hayden habang nagsasalita si Katrina.

THE SEX VIDEO. Inamin naman ni Hayden na apat ang videos nila ni Katrina. Dalawa raw rito ay may permiso ng aktres. Nauna nang kumalat ang pagsasayaw nila sa mga awiting "Careless Whisper" at "Beautiful Girls."

Itinanggi ni Katrina na alam niya na nire-record ni Hayden ang kanilang pagtatalik sa ika-apat na video .


"Madilim po doon. Tapos sabi ko po, patayin n'ya ang ilaw, pero ayaw po niyang patayin," sabi ni Katrina.

Pero inamin niya na alam niya na kumukuha ng video si Katrina nang nagsasayaw sila. "Siya po 'yong gustong kumuha sa akin," aniya.

Sinang-ayunan naman ito ni Hayden at sinabing hindi alam ni Katrina na kinukunan niya ang kanilang pagtatalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero iginiit ni Hayden na walang kinalaman ang drugs sa sex videos niya kasama ang iba't ibang babae. "I am not attributing my behavior to drugs," sabi niya.

Sinabi rin ni Hayden na sinubukan niyang magpakamatay pagkatapos niyang malaman na may kumuha ng sex videos niya sa kanyang laptop.

THE DRUG ISSUE. Pagkatapos ng statement ni Katrina ay tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Hayden kung "high" siya sa sex video nila ni Katrina.

Umamin si Hayden at nang tanungin siya kung sino ang nagbigay sa kanya ng droga, sinabi niya ang pangalan ni Katrina.

Kuwento ni Hayden, sinabi raw sa kanya ni Katrina na gumamit siya ng drugs (Ecstasy) bago sila magtalik sa Holiday Inn noong 2007. Isa lang daw sana ang iinumin niya, pero sinabi raw sa kanya ni Katrina na uminom ng dalawa dahil wala raw itong masyadong magiging epekto kapag isa lang.

Dagdag pa ni Hayden, "Everytime we see each other, there was no conversation. It was all drugs and sex."

Mariin naman itong itinanggi ni Katrina at iginiit na hindi siya gumagamit ng illegal drugs.


"Hindi po totoo... Binola po niya ako. Matagal na daw po niya akong crush," sabi ni Katrina.

Sa pagtanggi ni Katrina na gumagamit siya ng drugs, hinamon siya ni Hayden na magbigay ng kanyang hair samples imbes na dugo sa drug test.

"I challenge Ms. Halili to take the drug test using her hair," sabi ni Hayden.

Sinabi ni Hayden sa mga senador na ang mga droga ay hindi mate-trace sa bloodstream ng isang tao walong araw pagkatapos niyang gumamit nito. Pero mate-trace pa rin daw ito sa mga susunod na taon sa pamamagitan ng buhok ng tao.

Pero sinabi rin ni Hayden na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang ahensiya ng gobyerno na nagsasagawa ng drug tests, ay walang kagamitan para mag-analisa ng hair samples para sa drug tests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma naman ng isang representative ng PDEA ang naging pahayag ni Hayden.

Tumanggi naman si Hayden na sabihin kung sino ang nagsu-supply ng droga sa kanya dahil may banta raw sa buhay ng kanyang pamilya.

With reports from GMANews.tv


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN