Highlights and sidelights of 25th Star Awards for Movies

(Top photo) Maricel Soriano, Cesar Montano, and Ai-Ai delas Alas hosted the 25th Star Awards for Movies. (Below) German Moreno, Best Supporting Actor; Snooky Serna, Best Supporting Actress; Vilma Santos, Ulirang Artista awardee; and Jericho Rosales, Best Actor.


Naging matagumpay ang silver anniversary ng PMPC Star Awards for Movies sa pamunuan ng writer na ito. Ginanap ang awards night kagabi, May 28, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

NORA VS. VILMA. Buhay na buhay ang Vilmanians at Noranians, na nag-aaway, nagpaparinigan, nagpaparunggitan, nagsasagutan, at nagpipintasan pa rin tungkol sa kanilang mga idolo kaya maingay sa audience.

Parehong recipients ng special awards sina Vilma Santos at Nora Aunor kagabi. Si Ate Vi ay ginawaran ng Ulirang Artista Award; at si Ate Guy naman bilang bahagi ng cast ng 1982 film na Himala, na kinilala dahil sa pagwawagi nito bilang Best Asian Film sa online poll ng cable news channel CNN.

Personal na tinanggap ng Star for All Seasons at Batangas governor ang kanyang tropeyo, pero dahil nasa U.S. pa rin hanggang ngayon ang Superstar kaya hindi nito natanggap ang pagkilala para sa kanyang pelikula.

"Napagsama n'yo ulit ang mga Noranians at Vilmanians," sabi ng scriptwriter ng Himala na si Ricky Lee tungkol sa pagsasama ng Vilmanians at Noranians.

Humihingi naman kami ng paumanhin kay Ricky, kasama ang Noranians, sa hindi pagkakalagay ng artikulo tungkol sa special recognition ng Himala sa souvenir program.

SHARON, MARICEL, SNOOKY. Kung may Vilma at Nora, meron ding Maricel Soriano, Snooky Serna, at Sharon Cuneta. Si Maricel ay isa sa mga host noong gabing 'yon; samantalang pareho namang nanalo sina Snooky at Sharon ng acting trophies.

Si Sharon ay nanalong Best Actress para sa Caregiver at si Snooky ay itinanghal na Best Supporting Actress para sa Paupahan. Kaso nga lang, hindi nakadalo si Sharon sa awards night dahil nasa U.S. siya ngayon para sa kanyang concert tour. Ang tiyahin niya na si Ms. Helen Gamboa ang tumanggap ng award para sa Megastar.

Sa acceptance speech ni Snooky ay pinatungkulan niya ang isa sa mga host na si Ai-Ai delas Alas. "Ai-Ai, bati na tayo," sambit ng dating child actress. Humingi rin siya ng tawad sa Comedy Concert Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkagalit ang dalawa nang sabihan noon ni Snooky si Ai-Ai na "plastic" dahil inisnab daw siya ng comedienne sa premiere night ng pelikula nitong Volta noong 2004.

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER. Gabi ng mag-ina ang Star Awards for Movies kagabi dahil hindi lang si Sharon ang nanalo kundi pati na ang panganay niyang anak na si KC Concepcion. Nanalo si KC bilang Movie Actress of the Year para sa una nitong pelikula na For The First Time.

Sayang nga lang kasama ni Sharon si KC sa U.S. kaya hindi rin niya personal na natanggap ang kanyang tropeyo. Pero nagtatanong ang ilan kung bakit hindi tinanggap ni Helen Gamboa ang trophy ni KC, samantalang siya ang tumanggap ng award ni Sharon.

AI-AI DELAS ALAS. Kung host ang Comedy Box-Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Awards na si Ai-Ai delas Alas, na nag-proclaim na "forever Vilmanian" siya nung gabing yun; nag-perform naman sa finale ang Box-Office Queen na si Sarah Geronimo at nanalong Female Star of the Night.

Naloka ang audience kay Ai-Ai dahil "Inay" ang tawag niya kay Maricel, although ito talaga ang tawag ng mga malalapit sa Diamond Star.

Tawanan din ang mga tao sa opening number ni Ai-Ai, lalo na sa spiels niya na sa panahong ito, hindi na kailangang gumastos ng malaki. Blockbuster daw ang "video scandal" ngayon sa murang halaga. Kuwarto lang daw ang katapat at dalawang tao lang, puwede na. Tipid pa raw sa damit dahil hindi na kailangan ng costume. Ang kailangan lang daw ay music sabay sayaw ng "Careless Whisper."

Pagkatapos nito ay may isang lalaki na lumabas na naka-boxer shorts lang at may panyo sa ulo. Pagkatapos ay may lumabas ding lalaki na may dalang laptop.

THE MEN. Hindi naman pahuhuli si Cesar Montano, na isa rin sa mga host. Nagustuhan niya ang ginawang damit para sa kanya ni Paul Cabral, courtesy ng production. Gusto niyang magpagawa pa ng suit sa naturang designer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandoon din si Christopher de Leon, na kumanta sa tribute kay Ate Vi. Presenter naman ng Best Actress award si Richard Gomez, na kung hindi nahuli ng dating ay puwedeng maging Male Star of the Night.

Pangalawang taon na ngayon ni John Lloyd Cruz na Male Star of the Night ng Star Awards. Nagpasalamat siya sa magulang niya na binigyan siya ng ganung mukha. Hindi naman daw siya guwapo, kundi cute lang kaya naghiyawan ang mga tao.

NIGHT OF BALER. Gabi rin ito ng pelikulang Baler dahil humakot ito ng siyam na tropeyo.

Touching ang speech ni Jericho Rosales at napaiyak siya sa sobrang saya sa pagkapanalo niya ng Best Actor.

"Solo mo 'yan at wala kang kahati," bati namin sa kanya dahil nang huli siyang manalong Best Actor noong 2006 para sa Pacquiao: The Movie ay ka-tie niya si Piolo Pascual.

Buong ningning din niyang inamin na umiyak siya sa 2008 Metro Manila Film Festival Awards Night dahil nanalo ng 10 awards ang Baler, maliban sa kanya.

FIRST-TIME WINNERS. Emotional naman ang talumpati ni German "Kuya Germs" Moreno nang manalo siyang Best Supporting Actor, ka-tie si Emilio Garcia. Akala niya ay hindi na siya makakatanggap ng acting trophy dahil Sampaguita days pa noong huli siyang ma-nominate.

Twenty-five years na raw siya sa showbiz, ngayon lang siya nanalo. Kung hindi pa raw nauso ang indie films, hindi pa siya mananalo ng award. Sa sobrang kaligayahan, naging "kilometric" ang speech ng Master Showman.

Bagamat 10 years na sa showbiz si Sherwin Ordoñez at naging leading man na sa teleserye ng GMA-7 na Ikaw Lang ang Mamahalin, ang Kurap ang una niyang pelikula. Dahil sa pagganap niya rito ay nanalo siya bilang New Male Actor.

Naging comedy naman ang awards night ng Star Awards dahil nagtatakbo ang Vice Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista nang tawagin ang pangalan niya bilang Darling of the Press. Nag-CR kasi si Bistek kaya ang akala ng presenter na si Niña Jose ay wala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang TV airing ng 25th Star Awards for Movies ay mapapanood sa Sunday's Best ng ABS-CBN sa June 21. Mula sa direksiyon ni GB Sampedro, ito ay produced by FLT Films International, Inc. nina Ms. Rose Flaminiano at Ms. Christina Kitts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN