Is Geoff Eigenmann really Carla Abellana's leading man in Rosalinda?

According to reports, Geoff Eigenmann (left) will be the leading man of newcomer Carla Abellana (right) in the Pinoy version of the phenomenal Mexicanovela Rosalinda.


Pinagkakaabalahan ngayon ng ilang stars na may bagong shows sa Kapuso Network ang shooting ng cinema plug ng upcoming shows ng GMA-7. Kahapon, May 28, may nakapagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na natuloy na rin daw ang cinema-plug shoot ng Rosalinda—ang Pinoy remake ng phenomenal Mexicanovela na pinagbidahan nina Thalia at Fernando Carrillo—noong Miyerkules, May 27.

Ayon sa aming source, sa historic Intramuros, Manila ginawa ang cinema plug ng Rosalinda dahil hango nga ito sa isang Mexican telenovela.

Ang baguhang si Carla Abellana ang siyang gaganap bilang si Rosalinda. Samantalang matagal naman nang pahulaan kung sino ang napili ng GMA-7 para gumanap sa role ni Fernando Jose.

Bagamat wala pa rin kumpirmasyon na ang balik-Kapuso na si Geoff Eigenmann ang siyang napili para maging leading man ni Carla, dalawa na ang nagpapatunay sa PEP na si Geoff na nga ang gaganap bilang Pinoy na Fernando Jose.

Ang isa sa kanila ay nasa shoot ng cinema plug. Ayon sa kanya, mali raw ang iniisip ng iba na baka mas matangkad pa si Carla kay Geoff dahil hindi hamak na mas matangkad pa rin ang young actor sa newcomer na anak ng dating aktor na si Rey "PJ" Abellana.

First time daw na magkita ng dalawa at magkakilala. At dahil likas na tahimik si Geoff, hindi na raw sila nagtaka kung wala pang masyadong conversation na namagitan sa mga ito at tila nagkakaroon pa ng ilangan.

Kung walang magiging aberya, balita rin sa amin na baka by June 8 na ang simula ng taping for Rosalinda at sa July naman ang airing nito. Mauuna raw ito sa Darna ni Marian Rivera, na kung hindi end of July ay August naman daw naka-schedule for airing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN