Sam Concepcion is proud of Charice's international success

Sam Concepcion says he isn't fazed that he seems to be coming off second best to Charice these days, even though he was first in the contest where they competed, Little Big Star. "Sino ba ang hindi magiging proud kay Charice? She has achieved more than any local artists have achieved before."


Nagkaroon ng grand finals ang isinagawang hip hop dance competition nationwide ng Dunkin' Donuts Icy Cooler. Si Sam Concepcion ang nag-e-endorse ng naturang products and event kaya hindi nakapagtatakang sa buong duration ng dance competition sa Mall of Asia last Thursday, May 28, ay nandoon si Sam at nanood talaga. Nagpakitang-gilas din ito sa pagsasayaw.

Pero the night before, May 27, nanalo at nakatanggap si Sam Concepcion ng award sa pa-contest ng Pure 'N Fresh Top Teens Awards na ginanap sa A.Venue Hall sa Makati.

Si Sam ang nanalong Top Teen Male Entertainer over Billy Crawford, Christian Bautista, and Rico Blanco.

"I'm super, super honored and thankful for the award talaga. I have so many people to thank, especially the people behind me always. It's a great feeling na ma-recognize rin."

Aminado si Sam na isa raw sa mga iniidolo niyang talaga ay si Billy, kaya hindi siya makapaniwala na siya ang nanalo sa kategoryang pareho silang nominado. "Ako kasi, I can't believe it myself, parang... mga idol ko pa, like Billy Crawford,"

Sa ngayon, ang Gigger Boys sa ASAP ang pinagkakaabalahan pa rin niya, pero naghahanda na raw sila para sa U.S. tour naman ng Star Magic at ang pag-release ng kanyang second album. Tuluy-tuloy pa rin daw siya sa kanyang international home study and he's already in grade 10.

Diretsahan naming tinanong si Sam kung hindi ba siya nakakaramdam ng pagkainis or pagkapagod na rin dahil tila kapag may nakakakita sa kanyang press, ang kadalasang itinatanong sa kanya ay ang nakasabayan niya at naging kalaban noon sa Little Big Star na si Charice.

Hindi nga kasi maiwasang maikumpara sila palagi, with him as the Grand Winner of the said contest at si Charice naman ay runner-up niya lamang.

Ayon kay Sam, "Okey lang naman, sino ba ang hindi magiging proud kay Charice? It doesn't affect naman me. I'm proud of what she has achieved. And like I always say, she has achieved more than any local artists have achieved before."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun nga lang daw, matagal na silang hindi nagkikita ni Charice. Kahit sa ASAP, since nag-Gigger Boys raw siya ay hindi pa sila nagpangabot doon ni Charice. Pero naniniwala si Sam na katulad pa rin ng dati si Charice kahit kilala na siya internationally.

"Nagkita po kami, I think, noong Ruffa and Ai and, siyempre po, nandoon pa rin naman po yung pareho kaming pinagmulan. Yung paglaki ng ulo, hindi naman po... let's not think of her that way," nakangiting pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN