Bea Alonzo vehemently denies video of any kind with Hayden Kho

"You know what, ang stand ko diyan, since babae ako, naaawa ako doon sa mga biktima, 'no. Pero as far as I'm concerned, hindi ako kasali sa mga 'yon. So, sana hindi na lang nila ako isali kasi hindi nila alam kung ano yung sinisira nila. And sana, ma-solve na ang issue na 'yan. I wish everyone well," says Bea Alonzo.


Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bea Alonzo noong Linggo, May 31, sa backstage ng SMX Convention Center, kung saan ginanap ang fashion show para sa ad campaign ng Bench, Human, at Kashieca na "Black to School."

Nagsalita na sa wakas ang aktres na si Bea tungkol sa pagdawit ng pangalan niya tungkol sa sex-video scandal ni Dr. Hayden Kho. Bukod daw kasi kay Katrina Halili at iba pang mga babae na nasa sex videos ni Hayden ay meron din daw kasama si Bea.

Naging magkaibigan o nagkalapit ba sila ni Hayden?

"Alam mo nakakatawa 'yan. Gusto kong sagutin 'yan. Please, ha! Hindi ko siya nakilala ever! Kahit sa Belo clinic, kahit sa Belo shoot, ever!" reaksiyon ni Bea.

Paano niya nalaman ang isyu na pati siya ay idinadawit na may sex video rin siya diumano with Hayden?

"May nagasabi sa akin, mga issues raw," sabi ni Bea. "May tumawag sa akin, 'Meron ka raw ano, sex video, ganyan.' Tapos sabi ko lang doon sa tumawag, 'Joke!' Hindi ko nga nakilala yun [Hayden]."

Dagdag niya, "Alam mo nung una, hindi ako nagwo-worry, as in tinatawanan ko lang siya. I'm starting to get bothered kasi habang pinag-uusapan siya ng mga tao, feeling nila totoo na. Kasi kapag nagpapasalin-salin sa dila ng ibang tao, nagiging totoo to them."

Hindi ba siya nagkaroon ng second thoughts na posibleng may lumabas na sex video sa kanila ni Hayden?

"Excuse me, ha!" bulalas niya. "Kahit patayin ko ang sarili ko ngayon, hindi talaga totoo! Wala talaga!"

What if may lumabas?

"May isyu na, pero I'm not worried kasi hindi naman totoo," sabi ni Bea. "Alam ko sa sarili ko na hindi totoo. But I heard meron din daw isyu na parang nagbibihis daw ako. With that, bothered ako. I hope, hindi [totoo]."

Ang bulung-bulungan sa showbiz na ibang version ay hindi naman daw sex video yun, kundi nakunan lang si Bea na nakahubad habang nagbibihis sa isang dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, sa dressing room nga raw," pagsang-ayon niya. "But I'm not sure. Pero in-assure naman kami ng Belo Medical Group, since clinic naman naman nila yun, na it's not true. Somehow I'm not bothered. Pero kapag lumalabas na ganyan, siyempre may endorsements ako, may image ako na pinangangalagaan, may movie ako. Sana tigilan na nila yun. Sana hindi nila ako isali kasi nananahimik ako."

Ano ang initial reaction niya nang marinig niya ang isyu?

"Natatawa ako nung una. As in dyinu-joke ko pa sila, 'Hoy, bumili na ba kayo sa Quiapo? Kasali ako!' Kasi nga, dyinu-joke nila ako. Nalaman ko kay Direk Lauren [Dyogi] sa shoot. Naririnig niya raw sa ABS-CBN, sa production," lahad ng young actress.

May mensahe ba siya na gustong iparating sa mga nagkakalat ng isyu?

"You know what, ang stand ko diyan, since babae ako, naaawa ako doon sa mga biktima, 'no. Pero as far as I'm concerned, hindi ako kasali sa mga 'yon. So, sana hindi na lang nila ako isali kasi hindi nila alam kung ano yung sinisira nila. And sana, ma-solve na ang issue na 'yan. I wish everyone well," pahayag ni Bea.

Bakit hindi siya agad nagsalita about the issue?

"Kasi kapag nagsalita ka, mukha kang guilty, di ba? Since it's starting to spread and to get big, I think it's about time," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN