Marjorie Barretto denies pregnancy rumor

"Kasi kung seseryosohin ko 'yan, dapat tatlong beses na akong nanganak for the year. Hindi ako nabuntis. I'll tell you, it's something you cannot hide. Kung ako mabuntis, I won't hide," says Marjorie Barretto.


Matagal na rin ang lumipas mula nang kumpirmahin nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ang kanilang separation. Pagkatapos nito ay na-link ang actress turned politician sa Mayor ng Caloocan na si Recom Echiverri; at may isyu pang nanganak daw siya recently.

Sa panayam ng Showbiz Central kay Marjorie, sinabi nito na "very professional" sila ni Mayor Echiverri.

"Hindi na namin pinapansin yung mga ganyang bagay," nakangiti niyang pahayag.

What about the pregnancy issue?

"No! I'm not pregnant!" natatawa pa rin niyang sabi. "Actually, there's nothing to clarify. Ni ayokong patulan 'yang mga tsismis na 'yan. Super gawa-gawa. That's really gawa-gawa talaga."

Naiinis ba siya sa mga isyung yun?

"Noong una, naiinis ako," pag-amin ni Marjorie. "After a while, hindi ko na lang pinapansin. Kasi kung seseryosohin ko 'yan, dapat tatlong beses na akong nanganak for the year. Hindi ako nabuntis. I'll tell you, it's something you cannot hide. Kung ako mabuntis, I won't hide."

Kahit hiwalay na sila ni Dennis, masaya raw siya as a single mom at masaya na rin siya about her ex-husband kahit wala na silang communication.

"Kami ni Dennis, we have nothing to discuss. Kasi ako na naman ang nagpapalaki sa mga anak ko. So, there's really no reason to communicate with him. I haven't seen Dennis for almost a year na rin siguro. At hindi naman namin kailangang mag-usap. Kasi ako na rin ang nagdedesiyon para sa mga anak ko."

When it comes to their children, nakikita naman daw ng mga ito ang ama nila.

"Nakikita nila si Dennis once in a while. Nasa Australia kasi si Dennis with his girlfriend. So, when he's here in town, siguro once a week, hihiramin niya ng dalawang oras, tatlong oras...ganoon lang," kuwento ni Marjorie.

Kahit legally ay malaya na siyang magpakasal, mas iniintindi pa rin daw ng konsehala ng Caloocan ang kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not ready to fall in love again. Happy pa ako. Happy pa ako sa buhay ko," saad niya.

Kahit wala na raw bisa ang kasal nila ni Dennis due to legal matters, hindi pa rin masasabing malaya na si Dennis sa kanyang previous marriage.

"Mine, annulled na... I don't know with him. Kasi, hindi na naman ako nangangamusta sa kanya. Basta magpakabait na siya. I hope he'll be free to marry her [Dennis's current girlfriend]. Sana nga...gusto kong manahamik na rin," pagtatapos ni Marjorie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN