Jean Garcia will not stop daughter Jennica from falling in love again

"Napipigilan ba ang puso? Ako, hindi ko napigilan kaya nga may Jennica ako, e! At maganda, di ba?"reasons Jean Garcia.


Sa pagtatapos ng All About Eve ngayong Biyernes, June 5, may pagkakataon na ang aktres na si Jean Garcia na magpahinga at asikasuhin ang kanyang personal na buhay habang wala pa siyang panibagong show sa GMA-7. Per project kasi ang kontrata ni Jean sa Kapuso network, at hindi pa niya alam kung ano ang susunod niyang show pagkatapos ng All About Eve.

In fact, nito ngang bago magpasukan, si Jean mismo ang nag-asikaso ng mga kagamitan sa school ng kanyang anak na si Kotaro Shimizu, 7 years old.

"Ako ang nagbabalot-balot ng mga libro niya. Grade 1 na siya sa Xavier School," banggit ni Jean sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sino naman ang mami-miss niya sa All About Eve?

"Si Papa Goma [Richard Gomez], kasi palagi ko siyang kaeksena; 'tsaka si Kaizz [Eriz Quizon]. Yung mga palagi kong kaeksena, yun ang mami-miss ko... Actually, lahat, e, tsumitsika sa set. Ang mga kakulitan namin, sobra!"

POLO RAVALES. Tinanong namin si Jean kung nagkausap na ba sila ng dating nakarelasyon niya na si Polo Ravales pagkatapos nilang maghiwalay ng landas.

"No, hindi pa kami nagkita after yung Gagambino," maikling sagot ni Jean.

So, hindi sila friends?

"Hindi ko alam, e. Hindi ako interesado," iwas niya.

Ayaw na niyang makita si Polo?

"Hindi naman sa ganun. Siguro hindi lang nabibigyan ng pagkakataon na magkita kami."

Paano kapag nagkita sila. Magbebeso ba sila?

"Hindi na, eeeww!" tawa niya. "Hintayin natin kung ano ang mangyayari."

JENNICA GARCIA. Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo, ang kapareha ng anak ni Jean na si Jennica Garcia ay si Dennis Trillo. What if ligawan ni Dennis si Jennica, na break na sa dating boyfriend nito na si Mart Escudero?

"Let's cross the bridge when we get there, ha? Tanungin ninyo sa akin kung sakaling mangyayari 'yan. Pero sa ngayon, hindi naman siguro...hindi ko alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if ma-in love si Jennica kay Dennis?

"If ever mangyari yun, hindi naman napipigilan yun, e. Napipigilan ba ang puso? Ako, hindi ko napigilan kaya nga may Jennica ako, e! At maganda, di ba?" tawa niya.

JIGO GARCIA. May balitang tatakbo ang dating boyfriend ni Jean at ama ni Jennica na si Jigo Garcia bilang konsehal sa Quezon City. Susuporta ba si Jean?

"Oo, bakit naman hindi? Sana magbayad siya, 'no?" natatawang biro niya.

"Depende kung busy ako. Mahirap magsalita nang tapos. Baka tawagan niya ako bukas, sabihin, 'O, susuporta ka, ha?'" natatawa pa ring sabi ni Jean.

May mga naging pagkukulang ba si Jigo sa kanya at kay Jennica? Kung meron, sa tingin ba niya ay nakabayad na ba si Jigo sa mga pagkukulang niya?

"Hindi mo naman masasabing pagkukulang," sabi ni Jean. "Ako naman, hindi ko naman kinukuwestiyon palagi yun. Hindi ko kailangang kuwestyunin yun. Dala naman lahat ni Jigo 'yan, e. Lahat ng feeling niya na pagkukulang niya kay Jennica, siya lahat ang magdadala nun.

"Ako, wala akong karapatang sabihing may pagkukulang siya. Sabihin mong oras 'tsaka guidance at pagmamahal kay Jennica, nandiyan siya kay Jennica all these years. So, kung may pagkukulang man siya, siya lang ang nakakaalam. And, palagay ko, siya ang dapat bumawi nun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN