Yayo Aguila comments on complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler

"Ayokong sabihing I feel vindicated para sa anak ko, pero yun na yun, e. Ano pa ba ang kailangan kong sabihin? Ano pa ba ang kailangang i-prove ng anak ko?" says Yayo Aguila (in photo) about the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler (inset).


Last week ay naghain ng reklamong acts of lasciviousness and unjust vexation ang young actress na si Yasmien Kurdi laban sa co-star niya sa SRO Cinemaserye Presents Suspetsa na si Baron Geisler. Inireklamo ni Yasmien si Baron dahil binastos daw siya ng aktor sa taping nila.

Sariwa pa sa isip ng publiko ang sexual harassment case na isinampa naman ng anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patricia laban kay Baron noong nakaraang taon. Ongoing pa rin ito at hinihintay ng magkabilang-panig ang magiging desisyon ng husgado.

Sa nakaraang launching ng NIDO Fortified Science Discovery Center ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yayo. Agad namin siyang tinanong kung sa pakiramdam ba nila ay vindicated sila na hindi pa man natatapos ang kasong isinampa nila kay Baron, heto't may bago na namang nagrereklamo sa aktor ng kapareho ring kaso.

"When we first heard about the issue, I said, 'Oh my God!' Kasi bago pa siya lumabas sa TV, may nagbigay na sa akin ng tabloid, so nabasa ko na siya. Ayokong sabihing I feel vindicated para sa anak ko, pero yun na yun, e. Ano pa ba ang kailangan kong sabihin? Ano pa ba ang kailangang i-prove ng anak ko?

"Alam mo sa totoo lang, ang reaction ng anak ko, ganito na lang siya, 'Okay.' Kasi pagod na nga siya sa kasasagot sa mga tanong, sa kare-react, at gusto lang niya na matapos na ito. Alam ko may mga pagkakataon na kahit may mga naniniwala, marami pa rin ang nag-iisip na, 'Di totoo 'yan, kunya-kunyarian lang 'yan,' na siyempre masakit sa part namin," saad ni Yayo.

RESPECT FOR YASMIEN. Ipinahayag din ni Yayo ang respeto at paghanga niya sa ipinakitang tapang ni Yasmien, na naging malapit din sa kanya nang makapagtrabaho sila sa ilang shows sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hinahanap ko 'yang batang 'yan," sabi ni Yayo. "Gusto ko siyang makausap kasi close sa akin 'yang batang 'yan. Pero kung hindi ko siya makita sa GMA compound, I want her to know that I'm really proud of her because she stood up for herself; the same way na proud din ako sa anak ko dahil she also stood up for herself. Kung ano ang dapat ninyong gawin, gawin ninyo. You have to fight for your right.

"Si Yasmien, she's a smart girl. Palaban talaga 'yan, she fights for her right. That's why natutuwa nga ako at ginawa niya 'yan. Ang tapang niya, hindi lahat ng babae gagawin 'yan. At least, natutuwa ako na someone stepped out again, come out in the open. Kasi this is signal or a wake-up call for Baron to change. Bakit kailangang magkaroon na naman ng ganito? Sana hindi na lang.

"Sa totoo lang," patuloy niya, "as much as I wanted to say a lot of things, I really can't because may kaso pa kami. Kami, nagpapasalamat pa rin kami na kahit nahihirapan kaming lahat, ongoing pa rin yung case. Sana tuluy-tuloy na, let justice prevail and let the system do necessary things."

THE ENCOUNTER. Nilinaw rin ni Yayo ang report na nagkaayos na raw sila ni Baron nang magkita sila sa nakaraang birthday party ng ABS-CBN executive na si Ms. Cory Vidanes, kung saan nakita raw ng maraming tao na nagyakapan at nag-usap na sila ng aktor kasama si Yayo ay ang asawa nitong si William Martinez. (Click here to read related story.)

"Hindi ko siya niyakap, siya ang yumakap sa akin," diin ni Yayo. "Niyakap niya ako, niyakap niya si William. You know naman how civil we are, di ba? 'Saka birthday ni Tita Cory yun, bakit ka gagawa ng eksena?

"'Saka si William, mabait na tao 'yan, ayaw niya ng ganung mga eksena. Pero party yun, ang liit lang ng mundo natin. Kahit saan, magkikita at makikita mo pa rin siya sa liit ng venue. May mga sinabi siyang mga bagay-bagay kay William. Pero si William, nakangiti lang, nakikinig lang," kuwento ni Yayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN