PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili tested negative for drugs

"Ang resulta nga ay negative si Katrina for the use of any drugs. The paper was presented to the officer, pinirmahan and given to us, yung mismong official result ng drug test ni Katrina from PDEA na negative nga. Hindi lamang sa Ecstasy kundi maging sa ibang uri ng drugs," says Atty. Raymund Palad, legal counsel of actress Katrina Halili (in photo).


Muling nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ang legal counsel ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad ngayong gabi, June 2. Napag-alaman namin sa kanya na nagtungo na si Katrina sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kanyang drug testing kaninang bandang 3:30 ng hapon. Ang PDEA ang pangunahing ahensiya ng gobyerno laban sa droga.

Kung matatandaan, sa panayam kamakailan ng ina ni Hayden Kho, Mrs. Irene Kho, isiniwalat niyang si Katrina diumano ang nagbigay ng drugs sa kanyang anak. Sinabi rin nito na ang handler ng young actress na si Omar Sortijas ay nagtutulak daw ng droga.

Nagkaroon na rin agad ng iba't ibang haka-haka ang ilan dahil sa diumano'y hindi pagpunta agad ni Katrina sa PDEA para magpa-drug test. Nandiyang umiiwas daw ang aktres, at delaying tactic lamang ang ginagawa ng kanilang kampo dahil baka malamang totoo ang paratang ng ina ni Hayden na gumagamit ng droga si Katrina.

Pero kanina ngang hapon ay nagpunta sa tanggapan ng PDEA si Katrina at ang kanyang legal counsel. Ayon kay Atty. Palad, talaga raw naka-schedule sila ngayong araw na ito para isagawa ang drug test. Pero nauna raw dumating sa PDEA si Hayden, na sa pagkakaalam ng abogado ni Katrina ay hindi talaga naka-schedule, pero nag-decide na rin daw na magpa-drug test.

Ayon kay Atty. Raymund, nagdesisyon silang ilihim sa media ang pagpunta ni Katrina sa PDEA. Nagkataon lang daw na nauna na ngang dumating si Hayden at marami nang media ang nag-aabang kanina.

Hinintay na lang daw nilang matapos si Hayden bago sila tumuloy sa PDEA. Mag-a-alas kuwatro raw nang magbigay ng sample ng kanyang urine si Katrina. Ang mga taga-PDEA na ang nagsabing hintayin na lang nila ang resulta na lumabas din bandang alas-singko ng hapon.

"The PDEA people wanted us to wait. At ang resulta nga ay negative si Katrina for the use of any drugs. The paper was presented to the officer, pinirmahan and given to us, yung mismong official result ng drug test ni Katrina from PDEA na negative nga. Hindi lamang sa Ecstasy kundi maging sa ibang uri ng drugs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ng legal counsel ni Katrina na walang katotohanan ang paratang ng ilan na natatakot silang magpa-drug test pagkatapos ng mga pahayag ng ina ni Hayden.

Iginiit ni Atty. Palad na talagang kanina ang schedule nila sa PDEA dahil nitong mga nakaraang araw raw ay may mga previous appointments sila na dapat gawin at puntahan, na ang karamihan nga ay naging bukas naman sa publiko.

Nagpadala naman ng text message si Atty. Palad sa PEP tungkol sa tila pagda-divert ng totoong isyu ng sex videos ni Hayden at ang pagkaka-upload nito sa Internet at ang biglang pagpasok ng nanay ni Hayden ng isyu ng droga.

Aniya, "The public should not forget the main case which is the violation of Katrina's right by Hayden. Maraming tao ang nasira ang buhay dahil sa doctor na 'yan. Hindi na maibabalik ang normal na buhay ng mga taong nabiktima ni Hayden.

"His crime is so shocking to morals that it puts the Philippines on headline again. Drugs is not a defense. Hayden should answer the charges on a proper forum and stop resorting to character attack of Katrina."

Napag-alaman din ng PEP na kung si Katrina ay nakuha na ang resulta ng kanyang drug test sa PDEA, si Hayden ay umalis agad pagkatapos ng kanyang drug test kung kaya't hindi pa nito nalalaman ang resulta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN