Chynna Ortaleza gets a taste of director Joel Lamangan's "notoriety"

"Bumaba si direk Joel ng OB van, sabi niya sa akin, 'Ano ba ang problema? I need to feel it, I don't feel anything!' sabi niya. Natakot ako! Sabi ko sa sarili ko, 'eto na talaga, sisigaw na siya, eto na yung worst nightmare ko," narrates Chynna Ortaleza about her experience with director Joel Lamangan.


Ayon kay Chynna Ortaleza, hindi siya nasigawan ni direk Joel Lamangan sa taping ng kinabibilangan niyang afternoon soap na Paano Ba ang Mangarap?. Pero sa isang episode daw ng Obra, kung saan guest si Chynna ng bidang si Sunshine Dizon, doon daw siya "nakatikim" kay direk Joel, na kilala bilang istriktong disciplinarian sa set.

Kuwento ni Chynna sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Alam mo, lagi akong kinakabahan kapag may taping kami ng Paano Ba. Kasi yung first time ko siyang makatrabaho sa Obra, hindi ako nakatulog, natatakot ako. Dumating ako sa set, five [o'clock]; ang call time, 6:30!

"Worst na pang-ookray na nasabi niya sa akin sa set pa rin ng Obra, yung one time na napagalitan niya ako. Kasi sa Obra, dun sa eksena na first meeting namin ni Shine, yung galing ako ng Amerika, tapos si Shine itinatago yung anak ko. Bumaba si direk Joel ng OB van, sabi niya sa akin, 'Ano ba ang problema? I need to feel it, I don't feel anything!' sabi niya. Natakot ako! Sabi ko sa sarili ko, 'eto na talaga, sisigaw na siya, eto na yung worst nightmare ko."

Sa pangalawang pagkakataon daw na hinarap siya ni direk Joel on that same taping day, aniya, "Nakita ko si direk Joel parating na. Pangalawang beses niya kaming pinababa, hinatak niya ako. Sabi niya, 'What's your problem? Can't act?' Mababa lang naman ang boses niya, hindi naman yung as in pasigaw. Sabi pa niya, 'I've seen you and you can act naman. Today, you can't act with me?' Na-tense ako, sobra! Tameme lang ako! Puro 'Yes, direk' lang ang nasabi ko sa kanya.

"Heto na, nung nag-take, hindi na siya bumaba ng OB van. Kunwari lalabas na yung kotse ko, nandun ako sa kotse ko, umiiyak ako, ang tagal! Stress!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Chynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman daw pinaghandaan niya ang bawat taping day niya sa magtatapos nang Paano Ba Ang Mangarap?, kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Rainier Castillo.

"Dito, prepared talaga ako dito," sabi ni Chynna. "Puwera lang nung isang eksena na buntis ako, tapos kami nila Mark, bina-block niya. Nakalagay kasi sa script, lalapitan ni Maya [Chynna's character] si Eric [Mark's character]. Tumayo ako galing sa kama. Nilapitan niya [direk Joel] ako. Sabi niya, 'Did I tell you to stand up and go to Eric? Did I tell you?' Sabi ko, 'No.'

"Ganun lang naman mga okray niya sa akin. Na-understand naman niya kapag minsan nag-buckle kami, hindi naman siya yung naninigaw nang todo. Basta huwag lang repeatedly yung ginagawa yung pagkakamali mo."

Ayon kay Chynna, naging teacher din niya si direk Joel sa isang acting workshop.

"Yung experience na yun, ang dami kong natutunan. With direk Joel, talagang piniga ko yung sarili ko hanggang sa mailabas ko kung ano man yung puwede kong mailabas."

BALIW SA PAG-IBIG. Bilang si Maya, baliw sa pag-ibig si Chynna sa Paano Ba ang Mangarap?. Sa tunay na buhay ba, ganun din siya kabaliw ma-in love?

"Hindi naman ako aabot sa point ni Maya, na ipinagpipilitan niya kahit ayaw na sa kanya, na humihindi na si Eric... Desperada siya, e," sabi ni Chynna tungkol sa kanyang character.

Hypothetical question: Kakayanin kaya ni Chynna kung aksidenteng makabuntis ng ibang babae ang boyfriend niyang si Railey Valeroso?

"Hindi!" tili niya. "Magagalit ako. Mahal mo nga ako, e, bakit ka nakabuntis? Diyan ka na lang!"

Kung nalasing lang ito at nakalimot?

"Depende sa sitwasyon, sasabihin ko sa kanya, 'Excuse me, six years na tayo. Alam ko ang ginagawa mo kapag nalalasing ka. Kaya huwag mo irason sa akin na lasing ka kaya ka nakabuntis or whatever!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "It really depends. I can't say when I'm not in that situation, and, of course, I love him very much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN