Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.


Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

"Sabi ko nga kay Vicki, 'I will love you forever, pero ito ang talagang di ko magagawa.' Alam ko nagtatampo si Vicki. Di ba, may deklarasyon na ako na ayokong makulong si Hayden, baka mamaya sa pagmamahal sa kanya ni Vicki, baka pati si Vicki magpakulong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay din ng kanyang panig si Lolit tungkol sa kumakalat na audio na diumano'y ang sinasabing "script" niya na nabanggit ni Mrs. Irene Kho sa TV Patrol World noong May 25.

Kuwento niya, "Ganito 'yan, nung May 20, nag-dinner kami ni Vicki tapos makipag-meet daw ako kay Hayden. May 21, nag-meet kami sa bahay ng nanay ni Vicki do'n sa Dasma. In fairness sa kanila, nakita ko 'yon. May nilabas na tape yung dalawang assistant na abogado ni Lorna Kapunan [legal counsel of Hayden]. Sabi ko pa, 'Ay, ang ganda!' Balak ko pa nga harbatin, e. Kasi mukhang iPod, maliit na tape, itinapat kay Hayden, e. Dapat iinterbyuhin nila si Hayden. Tapos, ngayon ako, siguro dahil sa lakas ng boses ko, 'saka kung anu-ano pinagsasabi ko. Siguro 'yon ang nakuha ng tape.

"Ang ibig kong sabihin, hinahamon ko sila, ilabas nila yung buong tape para malaman kung ano talaga ang usapan, bakit ganoon ang mga dialogue ko. Ako, inaamin ko, nung nagpunta ako do'n, tinuruan ko pa ang nanay ni Hayden. 'Alam n'yo, mag-sorry lang kayo para sa inyong anak, baka patawarin kayo ng tao.' 'Hayden, ganito ang sabihin mo, I'm sorry ganito ang kasalanan ko, ina-admit ko ang kasalanan ko...'

"Talagang binibigyan ko sila ng advice, kasi nga akala ko, kakampi na 'ko kay Hayden. Kaya lang nung na-realize ko, ay, hindi dapat kampihan ang taong 'to! Kasi mas grabe pa ang gagawin nito 'pag later on, di ba?

"Kung sino man ang maglalabas nun na akala makakatulong sa kanila ang tape na 'yon, go!" hamon pang muli ni Lolit.

Patuloy niya, "Inaamin kong lahat nang sinabi ko do'n totoo. Dahil 'yon naman talaga ang sinabi ko. Naka-splice [yung tape]. Ang maririnig mo lang ako na tinuturuan ko si Mrs. Kho na ganito gawin. Tinuturuan ko si Hayden. Tapos sinasabi ko sa kanila, bukas pupunta si Katrina sa NBI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iniba na nila ang isyu ngayon. Hindi na lang ako, pati si Bong [Revilla], di ba, sinisira nila si Bong tapos sinisira nila ako? Dina-divert na nila ang isyu. Ang isyu, 'wag nating kalimutan, yung pagbi-video ni Hayden sa mga babae. Kahit na anong gawin ko, kahit na may kagagahang sinabi ako, patawarin n'yo ako. Pero 'wag po nating ibahin ang isyu. Basta ang isyu ngayon dito ay yung pagkuha ni Hayden ng video na ngayon ay kumakalat."

Ano ang masasabi niya sa nagpapakalat ng naturang audio?

"Kung makakatulong ako sa pagtatanggol nila kay Hayden, di okay. 'Yan naman ang trabaho ng PR. Lahat gagawin nila para sa kanilang kliyente. Kung makakatulong ako, okey lang," sagot niya.

Sa huli, ito ang naging pahayag ni Ms. Solis: "Kung magalit si Vicki sa pagtatanggol ko kay Katrina ngayon, sa pagtatanggol ko sa mga babae, wala akong magagawa. Pero ang sa akin, 'pag nakalagpas 'to, 'pag na-divert ang isyu tungkol dito, ano na lang sa susunod ang gagawin ng mga lalakeng pinapatulan ng mga babae yung mga nagiging ano nila? Lahat ng 'yon, akala tama ang ginawa nila.

"At isa pa, kung siguro si Hayden, walang pinag-aralan, hindi doktor, okey lang, e. Kaso doktor siya. Imadyinin mo isang doktor gano'n ang gagawin?"

(Abangan dito sa PEP ang kumpletong report tungkol sa audio recording ng meeting na binanggit ni Lolit sa artikulong ito.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN