Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Isko Moreno reveals back-up plan in case his senatorial bid fails

May 3, 2016
<p>Isko Moreno on his senatorial bid: "Kapag hindi ako pinalad, siguro sa ngayon pa lamang, ako ay nagpapasalamat na sa mga taga-lungsod ng Maynila sa pagkakataon na ibinigay nila sa akin sa loob ng 18 taon. Who would imagine, ang isang basurero, na ang i

Kung anuman ang maging resulta ng kanyang senatorial bid sa May 9, may mga plano na si Manila City Vice Mayor Isko Moreno para sa sarili niya.

Pahayag ng actor-turned-politician sa entertainment press, “Ano ang gagawin ko kapag nanalo ako, ano ang gagawin ko kapag natalo ako, because nobody can say what will happen on Monday.

“Kapag pinalad ako, as I promised to people, sabi ko, laway ko lang ang puhunan ko at ang laway ko nasasangla.

“So, yung mga bagay na sinabi ko, something to do with education, health care, housing, irrigation.

“Those four basic needs of our people and our farmers, food security to 100 million Filipinos, first day pa lang, yun ang isusulong ko.

“Hindi ko na siya pag-aaralan, isusulong ko na siya dahil, before ako sumali, yun na talaga ang gusto ko na gawin.

“At yun din naman ang ginagawa ko sa lokal na pamahalaan, except for magsasaka or farming.”

Continue reading below ↓

Patuloy ni Isko, “Kapag hindi ako pinalad, siguro sa ngayon pa lamang, ako ay nagpapasalamat na sa mga taga-lungsod ng Maynila sa pagkakataon na ibinigay nila sa akin sa loob ng 18 taon.

“Who would imagine, ang isang basurero, na ang isang sidecar boy will be a vice mayor of the city of Manila, capital of the country, which, you know, hinahawakan ng malalaking pamilya ng mga pulitiko sa Maynila?

“That I would be grateful all my life, sa buong buhay ko sa mga taga-lungsod ng Maynila.

“At yun ay lagi kong ipapaalaala sa aking limang anak na lagi silang lilingon sa mga tao na pinagkakautangan ng loob.

“At yung mga tao na yun ay mga taga-lungsod ng Maynila na nagbigay sa akin ng pagkakataon.

“At sa ating mga kababayan sa buong bansa, yung mga bumoto sa akin, maraming salamat.

“Yung hindi naman ay salamat din po dahil tayo naman po ay iginagalang natin ang prinsipyo ng demokrasya.”

Continue reading below ↓

Kung sakaling hindi man daw siya palarain, ang pagkakaroon ng talk show, pagpo-produce ng independent movies, at pagtuturo sa mga estudyante ang mga nais gawin ni Isko.

Saad niya, “Pagkatapos niyan, May 9, tapos na ang eleksyon.

“Balik-buhay na tayo, reality check na po tayo.

“Meron akong iniisip, I have to be honest…

“Anyway, salita ko naman ‘yan, palagi niyo akong mababalikan.

“Baka I will host, that's one.

“Two, I will do movies, independently.

“Talk shows, base sa karanasan ko sa pamahalaan, base sa nalaman kong tunay na sitwasyon sa loob ng pamahalaan.

“Iba kasi yung nabasa mo na lang, iba yung nakita mo sa screen.

“Para may maibahagi pa ako sa ating mga kababayan and still do public service through this type of medium, na tungkol pa rin sa mga naging karanasan ko sa public service.

“I might teach also, teaching is my retirement plan.

“I really wanted to teach our students.

Continue reading below ↓

“I mean, regularly, in an academic environment because, you know, I wanted to teach what's written on the book. 

“At the same time, what's happening in real world, may practical application.

“Sa tingin ko, one of my best teachers is my experience.

“Kaya kung may natutunan ako sa buhay sa pamamahala sa pamahalaan, baka naman puwede kong maisalin sa mga bata ngayon that will be future leaders of our country.”

Read Next
Read More Stories About
Isko Moreno
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Isko Moreno on his senatorial bid: "Kapag hindi ako pinalad, siguro sa ngayon pa lamang, ako ay nagpapasalamat na sa mga taga-lungsod ng Maynila sa pagkakataon na ibinigay nila sa akin sa loob ng 18 taon. Who would imagine, ang isang basurero, na ang i
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results