Iwa Moto sympathizes with fellow StarStruck graduates involved in sex scandals

"Mahirap yung basta ka na lang nagtitiwala. Magtira ka sa sarili mo. Kailangang may doubt ka pa rin para napuproteksyunan mo ang sarili mo. Hindi mo masasabi. Kahit BF mo 'yan, iba na rin yung nakakatiyak ka," says Iwa Moto.


Naniniwala si Iwa Moto na habang may itinatago pa siya, mas naaaliw sa kanya ang publiko. Wala sa plano ni Iwa ang mag-todo bold. Kaya maingat din siya na makita ang lahat-lahat sa kanya. Aniya, "Ano pa ba ang hahabulin sa akin kung nakita na ang lahat, di ba?"

Masaya si Iwa sa buhay niya at career dahil hindi naman siya nawawalan ng trabaho. 'Ayan nga't kasama siya sa all-star cast ng Adik sa 'Yo ng GMA-7, pinangungunahan nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia, at Dennis Trillo.

"Honestly, mula nang mag-StarStruck ako, never pa akong nawala nang matagal. Sunud-sunod na 'yan. Naging very visible ako at inalagaan talaga ako ng GMA-7. Love nila talaga ako, at maski rin naman yung ibang talents nila, hindi nila nakakalimutan," sabi ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

STARSTRUCK ON THE NEWS. Pero nakakabahala ang pagkakasangkot ng StarStruck discoveries sa kung anu-anong sex scandals. Nariyan ang sex video ni Hayden Kho involving Katrina Halili (Batch 1), pinakamalaking isyu sa ngayon na umabot pa sa Senado. Sumunod yung kay Yasmien Kurdi (Batch 1) na nagdemanda ng kasong acts of lasciviousness laban kay Baron Geisler. Si Aljur Abrenica (Batch 4), nang magbaksyon sa Puerto Galera noong Holy Week, nasangkot daw sa isang pangyayari involving a teen-age girl na nag-file ng kaso laban sa young actor.

"Ano raw ang nangyari kay Aljur?" takang-taka si Iwa. "Acts of lasciviousness? Naku, huh! Kaya nga hindi ako masyadong lumalabas ngayon. Oo nga, ano, lahat, StarStruck? Coincidence lang siguro 'yan. Ngayon ko lang nalaman yung kay Aljur. But, oh, my gosh! I know Aljur. Hindi siya bastos na tao.

"Noon nga, inaasar ko 'yan. During Zaido days, yung suot nila, medyo fitting na ganyan. Binibiro ko 'yan. Sinasabi ko, 'Uy, Aljur, malamig ba?' Nahihiya yun. Tumatakbo pa. Ayaw niya ng ganoong biruan. Mahiyain siya at tahimik lang. Baka yung girl na nag-file daw ng charges, e, gusto lang sumikat. Nag-react daw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, kung puro mga taga-StarStruck ang napupuruhan ng mga kontrobersiya ngayon, baka nagkakataon lang," palagay ng young actress.

Nag-iingat din daw talaga si Iwa, lalo na yung nangyari kay Katrina.

"Nakiki-sympathize talaga ako sa kanya," aniya. "Sa totoo lang, galit ako, e. Masama ang loob ko sa kung sinumang may kagagawan niyan. Gusto kong may gawin para makatulong kay Katrina, pero wala naman akong magawa.

"Naku, tinitiyak ko na lang na well inspected ang apat na sulok ng kuwarto para sa kung anumang hidden camera!" at idinaan na lang ni Iwa sa tawa ang lahat.

May boyfriend si Iwa at alam ito ng marami. Gayunpaman, hindi basta-basta ang pagtitiwala niya.

"Mahirap yung basta ka na lang nagtitiwala. Magtira ka sa sarili mo. Kailangang may doubt ka pa rin para napuproteksyunan mo ang sarili mo. Hindi mo masasabi. Kahit BF mo 'yan, iba na rin yung nakakatiyak ka," pagtatapos ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN