Cristine Reyes says she left her heart in GMA-7

"Basta wala po kaming problema kay Cristine. Masaya kami na nagtatrabaho... And it's her decision na umalis, so let's all respect her na lang," says RR Enriquez (right) about former Banana Split co-star Cristine Reyes.


Very vocal si Cristine Reyes na gusto na niyang bumalik sa GMA-7. Aminado siya na nasa Kapuso network pa rin ang puso niya kahit sa ABS-CBN siya naging bida at mas nakilala via Eva Fonda.

Ayon sa StarStruck alumna, sa Kapuso network siya nagsimula at nandoon ang mga kaibigan niya sa loob ng limang taon na inilagi niya roon. Kahit gumanap siyang kontrabida ni Carla Abellana sa Rosalinda ay okay lang daw sa kanya, makabalik lang daw sa GMA-7.

"Sayang talaga, lalo na sa itinakbo ng career ko. Pero alam mo, hindi sa successful career o pera matatagpuan ang happiness in life. Akala ko kasi noon kapag sikat at madaming pera, masaya na ako. Pero hindi rin pala," text ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado naman si Cristine na konti lang ang kaibigan niya sa Kapamilya stars. Choosy din kasi siya sa kaibigan.

Ayon sa usap-usapan, ginagawan diumano ng intriga ni RR si Cristine kaya pinagkaisahan ng ibang cast ng Banana Split. Ito raw ang dahilan ng pag-alis ni Cristine sa gag show ng ABS-CBN. Pero itinanggi naman ito mismo ni Cristine.

Bagamat two weeks nang hindi sumisipot sa taping ng Banana Split si Cristine, hindi rin daw niya basta iniwan ang naturang gag show. Nagpaalam daw siya kay Direk Bobot Mortiz at dito raw niya sinabi na hindi na siya magte-taping. Tapos na kasi ang contract niya sa ABS-CBN noong May 31.

Pero may kumakalat ding balita na nilayasan daw ni Cristine si Direk Jerry Sineneng sa Precious Heart Romances Presents Bud Brothers. May eksena pa raw ito na iku-cure, pero umalis na raw si Cristine na walang paalam sa taping.

Tungkol naman sa balikan issue sa kanila ni Dennis Trillo na siyang dahilan diumano ng pagbabalik-Kapuso, ang sabi ng isang malapit sa sexy young actress, "Wala ngang nangyaring balikan kasi hindi naman sila naghiwalay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RR'S REACTION. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni RR Enriquez sa isyung siya ang sinisisi sa pag-alis ni Cristine sa Banana Split. Kung sino raw ang kinaiinisan ng isang young actress na umalis sa show ay yun din ang dahilan ng pag-alis ni Cristine.

Ani RR, "For now, I don't want to comment about it hangga't hindi ko mismo naririnig sa bibig ni Cristine na ako ang sinisisi niya. Ayaw kong magsalita. Basta ang alam ko, my conscience is clear.

"Isa lang ang masasabi ko dun sa nagsabi, na kung sino man siya na dikit kay Cristine, na magaling akong gumawa ng intriga. Feeling ko, kung sino man ang nagkakalat ng story na 'yan, siya ang magaling gumawa ng intriga. Wala siyang magawa.

"Basta wala po kaming problema kay Cristine. Masaya kami na nagtatrabaho... And it's her decision na umalis, so let's all respect her na lang," text ni RR sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN