Lovi Poe works smoothly with Rosanna Roces in Lipgloss

"Nagkakasundo kami sa set. Hindi naman namin pinag-uusapan sina Grace at Jolo. Wala lang. Sa totoo lang, masaya ako na katrabaho ko siya," says Lovi Poe about co-star Rosanna Roces.


Maganda ang takbo ng lahat sa career ni Lovi Poe kahit wala pa muna siyang project sa GMA-7. Guestings lang ang inaatupag niya at tinanggap niya ang youth-oriented show sa TV5, ang Lipgloss, kung saan mukhang siya ang magiging flag-bearer of the season, kasama ang iba pang mga baguhan doon.

"Nagpaalam naman ako nang maayos sa GMA bosses," pauna ni Lovi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Okey lang sa kanila dahil one season lang naman ako sa Lipgloss. Hindi ko rin alam kung mae-extend ako. Pero walang intriga sa pagtanggap ko sa show.

"Huwag na lang sanang gawan ng issue, kasi hanggang ngayon naman, naniniwala akong sinusuportahan ako ng GMA-7. Hindi ko lang natanggihan ang offer ng TV5 dahil youth-oriented show yun na bagay rin naman sa akin."

Gumaganap si Lovi bilang si Princess Ava sa nabanggit na youth-oriented series at enjoy naman siya kahit nanibago siya noong una.

"Yung iba kasi sa mga nadatnan ko doon, may bonding na sila," sabi niya. "Ako naman, parang baguhan ako kung ikukumpara sa kanila. Pero first taping day ko lang yun.

"Sa umpisa pa lang, they let me feel na welcome ako sa show. Masaya ako, pati sa exposure ko. Wala akong mairereklamo. I have been taping smoothly, at saka walang masyadong pressure. Lahat okey lang, hindi nagmamadali, which I like also."

OSANG AS LOVI'S MOTHER. Ang gumaganap na ina niya sa series na ito ng TV5 ay si Rosanna Roces. Nagulat nga si Lovi nang malaman niya na si Osang ang gaganap niyang ina.

"Noong una, natakot ako kasi baka intrigahin," sabi ni Lovi. "Mabait sa akin si Ms. Osang. Lagi siyang nakangiti sa set, very pleasant. Kaya sana huwag na lang lagyan ng negative angle dahil maganda ang pagtatrabaho naming dalawa."

Ang tinutukoy na anggulo ay ang pagkakasangkot ng anak ni Osang na si Grace Adriano kay Jolo Revilla. Si Jolo ang ama ng unang anak ni Grace, at si Lovi naman ang girlfriend ngayon ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero mas importante sa amin ni Ms. Osang yung trabaho," sabi ni Lovi. "Nagkakasundo kami sa set. Hindi naman namin pinag-uusapan sina Grace at Jolo. Wala lang. Sa totoo lang, masaya ako na katrabaho ko siya," pahayag ni Lovi.

CONTROVERSIAL MOVIE. Ipalalabas na rin daw ang matagal nang nabalam na Walang Hanggang Paalam bilang bahagi ng isang gaganaping film festival sa UP Diliman na isinasaayos ng grupo ni Noel Ferrer.

"Finally, proud naman ako sa movie na 'yan kahit controversial ang ibang angles dahil na-X nga ng MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board] noon. At least, mapapanood na ngayon.

"Masaya ako dahil quality movie ang lalabasan ko. After na maidirek ako ni Paolo Villaluna, I will work naman with Direk Joel Lamangan in Familia Sagrado. Excited ako dahil maganda ang theme ng project, about kids having OFW [Overseas Filipino Workers] parents, at kung paano sila nag-a-adjust sa sitwasyon being left without much parental support.

"Snooky Serna is going to play the role of my mom in the film. It's going to be an acting vehicle. Medyo mature na rin nga ang role ko riyan, at okey lang sa akin. Those roles naman, I think, will bring out the best in me," pagwawakas ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN