NBI starts probe on proliferation of Hayden Kho's sex videos

According to a news report, a housemaid filed a rape case against her employers who allegedly forced her to have sex with them after watching the sex video of Katrina Halili and Dr. Hayden Kho (in photos).


Sa pamamagitan ng mga sulat na kanilang ipinadala, pormal na hiniling ng National Bureu of Investigation (NBI) sa mga executive producer ng mga news program at showbiz-oriented talk shows na bigyan sila ng mga kopya ng mga report at interviews tungkol kay Dr. Hayden Kho Jr. mula noong December 2008 hanggang ngayon.

Inumpisahan na ng NBI ang imbestigasyon sa pagkalat ng mga sex videos ni Hayden sa cyberspace. Bilang simula, pag-aaralan nila ang mga news report at interviews tungkol sa suicide attempt ni Hayden noong December 2008 dahil nadiskubre ni Dra. Vicki Belo ang mga sex video sa kanyang laptop computer. Ang mga sex video ang itinuturong ugat ng pakikipaghiwalay ni Dra. Belo kay Hayden at sa suicide attempt nitong huli.

Umaasa ang NBI na matutukoy nila ang tunay na utak ng pagkalat ng sex video, base sa mga ebidensya na hinihiling nila mula sa mga executive producers ng iba't ibang mga TV programs.

RAPE CASE. Samantala, ipinalabas kaning umaga, June 9, sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN ang report tungkol sa kasambahay na nag-akusa ng rape o pang-aabuso laban sa mag-asawa na kanyang pinaglilingkuran.

Sa sinumpaang salaysay ng 18-year old na kasambahay, ikinuwento nito na pinilit siya ng kanyang mag-asawang amo na makipagtalik.

Hindi binanggit sa Umagang Kay Ganda ang pangalan ng complainant, pero mariing itinanggi ng babaeng amo ang akusasyon sa kanya.

Itinanggi ng babaeng amo na lulong sila sa droga ng kanyang mister. Kusang-loob umano ang pakikipagtalik sa kanila ng kasambahay, pagkatapos nilang mapanood ang sex video nina Hayden at Katrina Halila.

"Oo" raw ang sagot ng kasambahay nang itanong ng babaeng amo kung trip niya na "mag-threesome" sila. Muntik na naming ikahulog sa silya ang sinabi ng babaeng amo sa interbyu sa kanya ng UKG reporter. Nang matapos raw ang kanilang pagtatalik, hinalikan pa siya sa labi ng kasambahay, sabay-sabi ng "I love you, Ate!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang reklamo na pang-aabuso sa kasambahay ng kanyang mga amo ang unang insidente na resulta diumano ng pagkalat at panonood sa sex video nina Katrina at Hayden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN