Mikee Lee asserts own identity, denies rivalry with friend Robi Domingo

"Grade school pa lang, magkakilala na kami. Before PBB nga, nagkakausap na kami, e. I hope people will see na we're two different people. Kung makikilala n'yo kaming dalawa, sobrang magkaiba kami," says Mikee Lee about Robi Domingo.


Aware si Mikee Lee na pinagku-compare sila ni Robi Domingo. Bukod kasi sa pagkakahawig nila, pareho pa silang produkto ng Pinoy Big Brother Teen Edition; si Mikee sa Season 1 at si Robi sa Season 2. Idagdag pa na pareho rin silang nag-aaral sa Ateneo at naging Second Big Placer sa PBB.

Ano ang masasabi ni Mikee na sinasabing naungusan na raw siya ni Robi pagdating sa career?

"Ewan ko kung naungusan niya ako kasi pana-panahon lang 'yan e. Kalalabas lang niya sa PBB at wala namang competition between the two of us. It's so unfair for him to be compared with me. And it's unfair to me too, di ba?

"He knew naman na when he comes out, he should make his own identity. Ako naman, happy naman ako sa nagawa kong identity. Kuntento naman ako sa career ko," paglilinaw ni Mikee nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng special screening ng The Forgotten War. Kabilang siya sa cast along with Baron Geisler, Yul Servo, Lance Raymundo, Arnold Reyes, Mcoy Fundales, Blumarc Roces, Anton Bernardo, at marami pang iba. Ginanap ang special screening kagabi, June 9, sa Cultural Center of the Philippines.

Kung meron man competition sa pagitan nila ni Robi, "friendly at healthy competition" daw ito dahil magkaibigan naman sila sa totoong buhay.

"Yes, magkaibigan kami. Grade school pa lang, magkakilala na kami. Before PBB nga, nagkakausap na kami, e. I hope people will see na we're two different people. Kung makikilala n'yo kaming dalawa, sobrang magkaiba kami," sabi ni Mikee.

FIRST MOVIE. Sumunod na itinanong ng PEP kung ano ang feeling niya na nakasama siya sa pelikulang The Forgotten War.

"First of all, I'm really happy kasi first film ko ito, e. Iba yung pakiramdam na mapanood mo yung sarili mo sa big screen, and then medyo fulfilling din siya for me kasi yung subject ng movie, part siya ng history siyempre ng Philippines at ng Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sobrang saya ko nung malaman ko na magiging part ako nito. Kasi more than what's being said about you being an actor na, okay, ganun, maganda yung sinasabi nila sa iyo bilang Pilipino na naging part ka ng ganitong project."

Bagama't fictional character daw ang ginampanan niyang role as Private Icasiano, one way or another ay nagre-represent din ito ng iba pang sundalong Pilipino na nakipaglaban sa Korean war noon.

"Si Icasiano, he's kind of fictional kasi. They created him for artistic adjustments na lang sa story. Pero most characters dito ay true-to-life," paglilinaw ni Mikee.

Isa siya sa mga bayaning sundalo sa pelikula. Ano ang feeling?

"Masarap ang feeling na maging hero, kasi hindi ko naman alam kung mangyayari ito sa totoong buhay. Yun ang beauty of acting, e, you get to play different roles. Yung heroism sa panahon ngayon, hindi naman ganito na giyera, e. Pero ganun pala yung feeling na kinakabahan ka para sa sarili mong buhay, pero willing ka pa ring ibigay ang sarili mo para sa bayan at para sa mga Pilipino."

OTHER PROJECTS. Ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya sa showbiz?

"Sa ngayon ako yung nagho-host sa TV5 ng Take 5. Ako yung parang nag-i-intro ng lahat ng shows sa TV5. And then, pag may games na promo, ako yung bahala dun, taped as live siya.

"Sa Lipgloss naman, patay na yung character ko. Pero parang dalawa yung character ko doon, e. Kasi yung first role ko, si Maui, namatay; tapos binigyan din ako ng isang Ilocano role. Meron din akong Soul Mix sa TV5 tuwing umaga kung saan nagpapalabas kami ng music videos."

Hindi raw tumatanggap ng maraming load sa showbiz ngayon si Mikee dahil priority niya pa rin ang kanyang pag-aaral. Second year na siya sa Ateneo, taking up Management Engineering.

"Mahirap, e, ang daming schedule sa school. Kaya nga ako natanggal sa Lipgloss, kasi gusto nilang mag-tape sa weekdays, e, hindi naman ako puwede. Siyempre, priority ko pa rin ang studies ko," pagtatapos ni Mikee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN