Baron Geisler feels "lucky" to have Australian girlfriend

"I feel like the luckiest man alive. Kasi tingnan mo naman ang hitsura ko, hindi naman ako ganun kaguwapuhan. Tingnan mo naman siya. Para sa akin, siya yung pinakamagandang babae sa buong mundo. Mabait pa, so I'm lucky. I'm a lucky man," says Baron Geisler about girlfriend Rachel Stephenson.


Sinusulit at ini-enjoy na ni Baron Geisler ang huling apat na araw na kasama niya sa Pilipinas ang kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Rachel Stephenson. Nakatakda na kasing bumalik si Rachel sa Australia kung saan ito nakatira.

"Four days from now, uuwi na siya sa Australia. She just stayed for two weeks here. Doon naman ako sa Australia noong Holy Week. So, siguro alternate visits na lang ang gagawin ko siguro sa kanya," pahayag ni Baron nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ng The Forgotten War, kung saan isa siya sa mga bida na gumanap bilang isa mga sundalong Pilipino na ipinadala sa Korean war noong early 1950s.

Kasama ni Baron dito sina Yul Servo, Lance Raymundo, Arnold Reyes, Mikee Lee, Blumarc Roces, Anton Bernardo, at iba pa. Ginanap ang special screening kagabi, June 9, sa Cultural Center of the Philippines.

Kasama ni Baron sa special screening si Rachel. Ano ang feeling na very supportive si Rachel sa kanya?

"I feel like the luckiest man alive," sambit ni Baron. "Kasi tingnan mo naman ang hitsura ko, hindi naman ako ganun kaguwapuhan. Tingnan mo naman siya. Para sa akin, siya yung pinakamagandang babae sa buong mundo. Mabait pa, so I'm lucky. I'm a lucky man."

Ano ang nagustuhan niya kay Rachel?

"Para sa akin... Ewan ko, na-love at first sight ako, e. Perfect siya e. Like nung nagdi-dinner kami sa bahay, she's responsible. Siya yung tatayo para mag-serve. Tapos gusto niya siya pa yung maghuhugas ng pinggan. Sabi ko, huwag, pero matigas pa rin ang ulo niya. Pero ngayon lang ako nakakita ng babae na ganun na maganda, mabait. Para sa akin, perfect na, e. Tapos masipag pa and may mga pangarap."

Sinubukang hingan ng pahayag ng PEP si Rachel about Baron, pero tumanggi itong magpa-interview. Ngunit malugod naman siyang pumayag na magpakuha sila ng picture ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT AFFECTED BY NEGATIVE ISSUES. Ano naman ang feeling ni Baron na sa kabila ng issues at controversies na kinasasangkutan niya ay hindi pa rin siya nawawalan ng projects at tuluy-tuloy pa rin ang kanyang showbiz career?

"Tingin ko naman I'm doing something good, that's why I'm blessed," sabi niya. "Tingin ko, yung image ko lang, yung perception lang ng tao... Kumbaga, yung nakikita lang nila, yung nape-perceive nila, kung ano yung nakikita nila sa TV. Pero they don't know the real me.

"So, I believe I'm blessed because I know I'm a good person. I know nasa tamang direksiyon ako. And now I'm shooting two movies for Regal, one with Direk Maryo J. [de los Reyes, Baron's manager]. That's why I want to continue working. Itong mga [issues], hindi ko na lang iniisip yung mga negative. That's why I want to live positively na, e. Ayoko nang i-entertain yung mga kalokohang ganyan."

Sa ngayon daw ay tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Baron sa SRO Cinemaserye Presents Suspetsa ng GMA-7, kung saan kasama niya sa cast ang nagreklamo sa kanya ng "acts of lasciviousness and unjust vexation" na si Yasmien Kurdi.

"Hindi ko alam kung magkakaroon pa kami ni Yasmien ng eksena together. Basta right now, walang ganung sinasabi sa akin. I just want to work. Yun lang," sabi ni Baron.

Sa kabila nga ng mga negative issues sa award-winning actor, patuloy naman ang positive comments at papuri about his acting. Ano ang pakiramdam niya about this?

"Sa akin yung mga ganyan, mas natutuwa ako na binibigyan ako ng trabaho kaysa yung mga papuri, e. Pero I still thank yung mga taong who still believe in me. Thank you, at least open-minded sila at hindi sila nagpapadala sa mga sabi-sabi lang."


MEETING FVR. Masaya naman si Baron sa positive reaction ng mga nanood sa special screening ng pelikulang The Forgotten War. Na-excite din si Baron na ma-meet sa special screening ang ilang political leaders kasama na si dating pangulong Fidel V. Ramos, na guest of honor sa naturang event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang honored ako meeting ambassadors and ex-president natin. It's an honor kasi usually ang nakikilala lang natin yung mga direktor, ngayon parang kakaiba and it's a good chance for me. You know, I've been wanting to meet kahit isa man lang sa mga presidente ng Pilipinas, tapos dito pa nangyari. At ito pang movie na ito ang naging tulay para maka-meet ako ng ganitong klaseng kagalanggalang na mga tao."

Ano ang masasabi niya about Fidel V. Ramos?

"He was sweet," sambit ni Baron. "Nagpa-picture pa ako. Tapos sabi niya, ito yung sign natin, ginawa namin yung thumbs up. So, proud ako. Tapos I'm with my girlfriend din. Yung movie kasi ngayon ko lang napanood at nagulat ako dahil sa munting budget namin, you know, we pulled it off. Ang ganda ng kinalabasan, and I'm so happy."

Nakasama ba siya sa premiere ang The Forgotten War sa South Korea?

"Hindi ako nakapunta kasi pinuntahan ko yung girlfriend ko sa Australia. Naubos na yung pera ko, so hindi na rin ako nakapunta sa Korea !" natatawang sabi ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN