Snooky Serna shares her spiritual beliefs in surviving life and showbiz

"Now, I'm filled with humility, thankfulness, gratitude. No arrogance, I hope. Eerything is meant to positively realize na ang buhay, paikut-ikot lang talaga. Kung hahawak ka lang talaga sa Panginoon, hindi ka Niya pababayaan. The Lord will win your battles for you," says actress Snooky Serna.


Talagang nagbagong-buhay na si Snooky Serna. Malayo sa batid ng publiko sa kanya noong nakaraan, na sunud-sunod ang mga pagsubok na dinanas niya at nalagpasan ang mga 'yon.

Pinakamahalaga ang buhay-ispiritwal ni Snooky at ang pagkakaroon niya ng mabubuting kaibigan to guide her through. This includes her current relationship with a Filipino-Chinese businessman, whose identity she'd rather keep private.

Isang taon pa lamang ang kanilang relasyon. Tinatawag lang niya ito as "my hubby" o "husband" at ipinakikilala sa ilang malalapit na kaibigan.

Aktibo ang guy, a few years older than Snooky, sa Rotary Club (chapter remains undisclosed) at may maganda itong impluwensiya sa aktres, para sa mga gawaing socio-civic oriented, dahilan upang gawaran din ng parangal si Snooky Serna bilang Most Outstanding Member para sa taong 2009.

Kasabay nito ang award na napanalunan din ni Snooky bilang Movie Supporting Actress of the Year 2008 sa 25th Star Awards for Movies ng PMPC para sa digital-indie na Paupahan, written by Dennis Evangelista and directed by Joven Tan.

Maligaya ang aktres dahil mayroon siyang fulfilled lovelife at the moment at magandang takbo ng showbiz career. On top of that, Snooky is into several businesses—may perfume business (sole proprietorship) na aniya'y very lucrative at mayroon ding mataas na posisyon sa isang bangko at lending institution na nakabase sa Maynila at karatig-lalawigan.

Inuulan si Snooky ng mga congratulations these days. At ganun na lang ang pasasalamat niya. Ayaw niyang muling biguin, lalo ang masugid pa ring mga tagahanga mula sa loob at labas ng local showbiz industry.

SNOOKY'S FAITH. Recently ay na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Snooky at inilahad niya ng kanyang positibong pananaw tungkol sa kasalukuyan niyang pamumuhay at pananampalataya.

"Thank God!" simula niya. "I don't want to sound preachy or fanatic, but... 'Eto na naman ako, as always, I thank God for all the blessings; all glory to God. Everything is by God's grace talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who would know, I mean, ako, I never thought that I would be given the chance to make a comeback and be on the right path again," makahulugang sambit ng aktres.

Patuloy niya, "I don't want to sound negative or what, pero sa totoo lang, napunta ako sa path na ganoon. For a while, para bang I felt a little bit... My faith was intact, pero nagkaroon ako ng konting self-pity. In a way, may konting desperation na, 'Naku, baka hanggang dito na lang ako.' Parang gano'n. Pero at the same time, yung faith ko talaga... Hindi naman sa ako'y nagpapa-mabait, talagang sabi ko nga, tama talaga, the Lord is really true! Talagang may Diyos na buhay and God is really true in His promises."

Mapapa-"Amen!" ang makakarinig ng ganito kay Snooky.

"Di ba, sabi Niya, it is our faith that will save us?" wika ng aktres. "Gano'n, sa pagkakaalam ko. I hope I don't misconstrue the Bible."

Matinding pagkamulat ang naranasan niya mula sa iba't ibang kabiguan—personal at propesyunal—na naipabatid sa publiko sa pamamagitan ng media.

"Now, I'm filled with humility, thankfulness, gratitude," sabi ng award-winning actress. "No arrogance, I hope. Eerything is meant to positively realize na ang buhay, paikut-ikot lang talaga. Kung hahawak ka lang talaga sa Panginoon, hindi ka Niya pababayaan. The Lord will win your battles for you.

Dagdag niya, "Kung sa tingin mo, bagsak ka na, down ka na, wala nang hope para sa 'yo, you shouldn't give up talaga, e. Kasi you don't know what would happen next.

SNOOKY, THE ACTRESS. Last year, muling nabigyan ng chance ang pagiging artista sa pelikula ni Snooky sa pamamagitan ng indie movies, tulad ng Iskandalo (also by Direk Joven Tan) at Paupahan. Matapos manalo ng acting award para sa Paupahan, she's set to do Sagrada Familia (launching starrer ni Lovi Poe) at tinatapos ang mga eksena sa Dukot, na parehong si Joel Lamangan ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Of Sagrada Familia, Snooky says, "It's a drama. Si Lovi Poe ang bida rito, and I'm playing the role of her mother na battered wife."

Magtatagisan ang mother-daughter character sa kuwento, na posibleng lilitaw ring bida ang role ni Snooky.

"Thankfully, kasi very meaty yung role niya as equally important," sabi ni Snooky, na excited nang magsimula ang shooting later this month.

"Tinatapos pa lang namin yung Dukot, yung tungkol sa mga nawawala" o kaso ng disappearances na ugnay sa mga problemang pulitikal.

Natutuwa si Snooky sa mga serious movie projects na ginagawa at gagawin. Sa telebisyon, marami ring offers na dumarating at pinag-iisipan niyang mabuti ang pagtanggap, lalo't abala siya sa iba't ibang negosyo.

HER MOTHER'S HEALTH. Kung meron mang ikinalulungkot si Snooky these days, 'yon ay ang kalagayang pangkalusugan ng kanyang ina na si Mila Ocampo, na aniya'y labas-masok sa ospital mula nang magkaroon ng mild heart attack ilang taon na ang nakalilipas.

May binanggit si Snooky na karamdaman ng mommy niya, ugnay sa naunang sakit sa puso at aniya'y lumalala ito.

Of course, one wishes na sana'y gumaling din ang sakit ni Mila para mas kumpleto ang kasiyahan ngayon ng kanyang anak.

Ang dating kasakasama ni Snooky na kanyang Tita Eden (in her early 70s), ayon pa sa aktres, ay katuwang niya sa pagtingin sa kalagayan ng ina.

Kasalukuyang naka-confine sa Makati Medical Center ang beteranang aktres at ina ni Snooky; at "Mamita" nina Samantha, 16, at Sacchi, 13, mga anak nina Snooky at Ricardo Cepeda, now estranged at annulled na ang marriage.

"Lately, ayaw niya akong padalawin," banggit ni Snooky, although sa panahon ng interview ay nakatakda rin siyang dumalaw sa ina, kasama ng current partner niya.

"Nandun pa rin yung pagka-mommy niya. Kasi sabi niya, usung-uso yung H1N1," lahad ni Snooky. Ang sabi raw ng mommy niya, "Tuwing nandito ka, nagwu-worry ka. Nakikita ko, kahit hindi ka nagsasalita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa ina, mas nalulungkot ito na nakikitang nalulungkot ang anak niya, pero sino ba'ng anak ang makakatiis, lalo't isa siyang tulad ni Snooky na mula pa noon ay kinaaliwan na ng publiko bilang isang "cry-baby"?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN