Jennylyn Mercado plays national hero Gabriela Silang in indie film

StarStruck may venture on a new edition of the talent search and Jennylyn Mercado, herself a product of the show, has these advice for the eventual winners: "expect the unexpected" and "lagyan nila ng wall ang personal side and professional level. Kasi mahirap pagsabayin," lessons which she says she learned the hard way.


Busy si Jennylyn Mercado ngayon sa SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, kasama sina Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Baron Geisler, Ryan Eigenmann, Victor Aliwalas at Paolo Contis. Bukod dito, si Jennylyn rin ang bida sa indie film na Gabriela, na base sa buhay ng babaeng bayani na si Gabriela Silang.

Bilang Garbriela Silang, sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood si Jennylyn na mangangabayo.

"First time kong sasakay ng kabayo, kaya magho-horseback riding training ako. Bago yun, first time kong gagawin. Kasi epic movie yun, e," kuwento ni Jennylyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aniya pa, "Bale pangatlong indie film ko na ito. Una yung Nars, indie yun, si Carlo Maceda yung producer nun. Yung Half Blood Samurai, indie rin yun."

Since siya ang kauna-unahang female survivor ng StarStruck, hiningan namin ng opinyon si Jennylyn tungkol sa pagkakaroon muli ng artista search ng GMA-7, kung pabor siya na magkaroon muli ng StarStruck. "Oo naman," ang sagot niya.

At ang maipapayo niya sa mga sasali sa StarStruck?

"Kailangang ihanda nila ang sarili nila kasi yung mga na-experience nila no'ng hindi pa sila artista, mararanasan nila. Kumbaga expect the unexpected kasi katulad ko hindi ko naman in-expect itong ganitong buhay. 'Tsaka siguro tanggapin nila, maging grateful sila sa mga dumadating sa buhay nila, 'tsaka mahalin nila ang trabaho nila.

"At siguro maipapayo ko rin na sa ganyan, kailangan personal is personal, and then work is work kasi, lagyan nila ng wall ang personal side and professional level. Kasi mahirap pagsabayin."

TRAUMATIZED BY LOVE. Pati raw career at lovelife mahirap pagsabayin, kaya nananatiling loveless si Jennylyn ngayon. At kapag nain-love siya muli, may isang bagay na hindi na gagawin ni Jennylyn.

"Hindi ko na ibibigay ang lahat, magtitira ako para sa sarili ko!

"'Tsaka mag-iisip muna ako bago ako ma-in-love ulit, iisipin ko muna ng thousand times bago ako umibig ulit kasi parang na-trauma ako," natatawa pero seryosong pahayag ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa kasalukuyan, mina-manage ni Becky Aguila ang showbiz career ni Jennylyn. Kumusta naman ang sitwasyon sa pagitan nila?

"Okay naman, walang problema, two years ang contract ko, kaka-renew ko lang last year. Mabait siyang manager," nakangiting pagtatapos ni Jennylyn sa panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN