Carlos Morales denies romance with WARRIORS producer

The WARRIORS' wounded are going to be taken care of by Dr. Manny Calayan's Surgicenter, a rival of Dr. Vicki Belo's cosmetology empire. Carlos Morales was once linked to Vicki, a rumor that he denies.


Naungkat ulit ang pagkaka-link ng dating hunk at sexy actor na si Carlos Morales sa sikat na cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo dahil sa pagiging host niya ng celebrity boxing show sa CS9, WARRIORS.

Nabanggit sa presscon ng WARRIORS, na magsisimulang mapanood sa CS9 on Saturday, June 13, na sagot ng Calayan Surgicenter ni Dr. Manny Calayan ang mga masusugatang mukha ng mga male celebrities na kasali. Dito nadawit ang pangalan ni Dra. Belo na naugnay noon kay Carlos.

"Dati kasi kay Dondon [Monteverde] ako. Tapos siya [Belo] ang official ano namin, nag-alaaga sa facial, pagpapaganda, ganun. Lagi ako doon kasi before may problem ako about my Dad. Hinahanap ko siya [Dad], siya [Belo] yung tumulong sa akin. So, grateful naman na natulungan ako ni Dra. Belo," paglalahad ni Carlos.

Wala silang relasyon noon ni Dra. Belo? "Ay, hindi, Parang close lang."

Hindi siya nauna kay Hayden Kho na naging boyfriend ni Dra. Belo? "Ay, hindi. Hindi naman. Si Sir Joey (Santos ) pa that time."

Pero natsitsismis na sila noon ni Dra. Belo? "Hindi, kasi nagpupunta ako sa house niya kapag may mga occasions. Nagpupunta ako noon sa bahay niya sa Dasma. Pero nandun naman si Sir Joey naman. Alam ni Sir Joey lahat."

Noon din naman natsismis na nagpupunta sa condo ni Hayden si Katrina Halili. Ngayong sumabog ang isyu tungkol sa kanilang sex video, may sex video rin ba siya?

"Ay, wala. Wala namang nabuong sex video sa amin. Sana may lumabas na sana."

Ano naman ang reaction niya sa controversial sex videos ng boyfriend ni Dra. Belo na si Hayden?

"Actually, hindi ko talaga...hindi ko napanood. Hindi ko binibigyan ng ganung atensyon ang mga ganung bagay. Parang kasi for me ano, e, parang kawawa ang babae in the end. Kaya ayoko nang masyadong i-elaborate ang mga ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May napanood na ba siya sa mga lumabas na sex video ni Hayden? "Wala, kahit isa at ayokong panoorin."

LINKED TO PRODUCER. Natsitsismis naman ngayon si Carlos sa isa sa mga producers ng WARRIORS na si Maricar Santos, na siya ring producer ng indie film na Pasang Krus.

"Nali-link sa akin? Hindi ba dati kay Joross [Gamboa] naman?" Isa si Joross sa mga artista ng Pasang Krus.

"Hindi, yung sa akin matagal na kaming magkaibigan niyan. Ah, seven o eight years na magkaibigan na. Nagkakilala kami sa isang kaibigan namin sa Greenhills. Doon ako nakatira before. Tapos, kapag nagpupunta ako ng Japan nagkikita kami doon.


"Ah, oo, naging close naman kami niyan. Tapos kapag uuwi siya, that was last year, nagkikita kami ulit. Tapos tinanong niya ako about kung ano ang magandang negosyo. Sabi ko, eto meron akong isang, actually may kausap na kami ni Direk Richard (Arellano) noon na isang producer. Talagang dito sa boxing, sa WARRIORS. Eventually, sa kanya [Maricar] nag-materialize. Sabi ko kung okey sa 'yo mag-usap kayo. Pinag-meet ko sila and from there doon na nagtuluy-tuloy ang pagpro-produce niya ng WARRIORS. Kaya isa siya sa mga producers nito," pahayag ni Carlos.

May nagtataka naman kung bakit hindi lumitaw si Maricar sa presscon ng WARRIORS.


"Oo, pero nandito naman yung pinsan niya. Nung minsan, nung pilot, nanood naman siya. Siyempre bilang producer dapat aware ka sa mga nangyayari. Tapos sa ini-invest mong pera kung papaano."

Hindi raw kaya umiiwas lang si Maricar na makitang magkasama sila?

"Hindi pa kami nag-uusap. Baka bumalik ulit siya sa Japan. Tapos ako naman kababalik ko lang galing Dubai. Hindi nga ako nakapag-taping nung laban nina Joem [Bascon] dahil may show kami na ginawa sa Dubai. Hindi ako nakahabol nung fight nina Joem ."

May asawa na ba siya?

"Ako po ay single pa rin. Wala akong asawa at wala pa akong anak. Wala pa akong makita, e. Gusto ko kapag nand'yan na, yun na. Ayokong makipag-lokohan, e. Kasi 30 na rin ako, e. Right age para mag-seryoso," tapos ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN