Father's Day Forum: Stars share how they honor their loving dads

Stars (from left clockwise) Daiana Menezes, Epy Quizon, Dingdong Dantes, Ogie Diaz and Uma Khouny share their Father's Day celebration plans.


Ngayong Father's Day, maging ang mga celebrities natin ay may kanya-kanyang plano kung paano nila ise-celebrate ang araw na ito ng pagbibigay-tribute sa kanilang mga ama.

DINGDONG DANTES. Unang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Stairway To Heaven leading man na si Dingdong Dantes. Tinanong namin siya kung ano ang balak niya para sa kanyang ama ngayong Father's Day.

"Siguro... kasi matagal na niya akong gustong mag-golf, e," simula ni Dingdong. "So siguro magpapaturo na talaga ako sa kanya officially kung paano mag-golf. Para pagkawala akong ginagawa at nagkatugma yung oras namin, puwede na kaming maglaro."

DAIANA MENEZES. Ang Brazilian model namang si Daiana Menezes ay maglo-long distance pa sa kanyang ama para batiin ito.

"Well, I'm far from my country, that's where my family is, including my father, so... I might call him and greet him."

Sobrang bait daw kasi ng ama niya na laging sumusuporta sa kanya kahit na laban sa loob nito ang pag-alis niya sa Brazil.

"When I left Brazil and he was able to support me kahit ayaw niya ako umalis. Like, even sakitin siya, at the end of all, he was still there for me. I wish him good health, to keep up his hard work and kindness kasi he is a great father and friend. He takes care of almost all his family."

EPY QUIZON. Dinner naman ang balak ni Epy Quizon para i-celebrate ang Father's Day, kasama ang kanyang amang King of Comedy na si Dolphy at ang iba pa niyang mga kapatid at mga mahal sa buhay. Nag-share pa ng unforgettable experience si Epy tungkol sa kanyang ama.

"Every Father's Day, we usually enjoy a good dinner together with the whole family. And I can't forget when we did the Dolphy@80 world tour. The whole family bonded for two months with dad on the road.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wish my dad many more healthy years ahead and abundance in all areas of his life."

UMA KHOUNY. Si Uma Khouny naman, kahit na medyo hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang ama na nasa Israel, walang dudang mahal na mahal niya ito.

"We don't celebrate Father's Day in Israel. Father's Day could be everyday if you love your dad. There's always a reason to celebrate.

"My most memorable moment with my dad isn't that sweet. Before moving here to the Philippines, I used to work in his office. I love talking in the phone and surfing the net. One day we had a busy, busy day and I didn't do any paper work. He arrived at the office and saw me bumming around. He got mad at me and we had an argument. Cellphones went airborne! I stormed out of the office and booked the first flight to the Philippines.

"But no matter what happened, I still love my dad. I hope he stays healthy forever. I really love my dad," sabi ni Uma.

OGIE DIAZ. Isang celebrity naman na ini-enjoy talaga ang pagiging ama ay ang showbiz columnist-TV and radio host and comedian na si Ogie Diaz. Nagbigay ng plano niya for this Father's Day si Ogie at nag-share pa ng magandang balita tungkol sa kanyang pagiging ama.

"'Pag Father's Day, sama-sama kaming nagla-lunch ng mag-iina ko, e. 'Tapos, baka mag-Tagaytay kami nang bonggang-bongga para lang mangabayo ang mga bagets at mag-overlooking eklabu.

"Masarap maging tatay, lalo na't nakikita mo yung mga supling mo na malulusog at mabubuting bata at sabik sa pag-aaral. Mag-aapat na sila. Kasi, four months na on the way si Esmi, p're," biro ni Ogie.

"Panganay si Erin, 7, si Godhie, 5 at si Georgina, 1. Hopefully, boy na ang pang-apat para kumpleto na ang pagiging barako ko, ha-ha-ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam naman sa showbiz ang pagiging "alanganin" ni Ogie noon, pero tila nabubura na ito ng pagiging sobrang responsable at mapagmahal na asawa't ama niya sa kanyang mga anak. Naikuwento pa nga niya noon kung paanong nag-e-enjoy siyang maghatid-sundo ng kanyang mga anak sa kanilang eskuwelahan.

Biro namin, hindi ba niya na-wish noon na naging ina na lang siya kaysa ama?

"Masarap maging tatay, mas mahirap maging ina, kaya keri na yung father na lang ako. Ang importante naman doon, nagkakasundo kayo at alam n'yo ang role ng bawat isa sa bahay," maayos at mahusay na sagot naman ni Ogie sa birong tanong namin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN