Vandolph Quizon is a euphoric first-time dad

When Baby Vito Vann came into this world at 6:22 PM on June 10, his proud father, Vandolph Quizon (right, with wife Jenny) couldn't help but shed tears of joy. The attending obstetrician took one look at him and said, "Mister Quizon, Mister Quizon, are you okay?"


Last June 10, sa ganap na ika-6:22 ng gabi ay isinilang na ni Jenny Quizon ang anak nila ng asawang si Vandolph Quizon sa St. Luke's Medical Hospital. The baby weighs 7.1 lbs at pinangalanan nilang Vito Vann.

"Vito" ang napili ni Vandolph at "Vann" naman mula kay Dolphy.

Ayon kay Jenny, kapag nakadilat ang baby nila ay kamukha ni Vandolph. Sabi naman ni Vandolph, singkit din daw kasi at maputi naman katulad ni Jenny.

"Noong narinig kong umiiyak siya, tiningnan ko agad si Honey, nakita ko, lumuluha na rin ang daddy," natatawang kuwento ni Jenny about Vandolph's reaction.

"Natutuwa lang ako, pumapatak yung luha ko. Sabi ng duktora niya, Mister Quizon, Mister Quizon, are you okay?"

Kuwento pa ni Jenny, "At saka, yung ilang buwan mo siyang dinala, tapos, sa wakas, narinig mo siya, lumabas na siya, parang ang sarap ng pakiramdam."

Dugtong naman ni Vandolph, "At saka, awa ng Diyos, yung baby, napaka-healthy. Zero out of ten, nasa 9.9 ang reading sa kanya. Wala siyang problema. Good boy raw, walang problema.

"Mana kay daddy," biro ni Vandolph.

EXCITED GRANDPARENTS. Isa raw sa mga unang bisita ng mag-asawa ay ang daddy ni Vandolph na si Dolphy. Excited daw ito sa apo.

"Hindi pa nga ako nanganganak, excited na, e. Tinatawagan na kami," nakangiting kuwento ni Jenny.

Ayon naman kay Vandolph, "The night before, around 10 o'clock, tumawag, 'Ano, nanganak na'? Sabi ko, 'Hindi pa, Pa, relax lang'. Tapos, the next day, nang manganak na siya, pagkagaling niya ng hospital, dumiretso rito. Sabi ni Erpat, pogi raw. Tisoy. Quizon na Quizon daw ang hitsura."

Dugtong pa ni Vandolph na sinabi ni Dolphy, "O, hayan, ha, may anak ka na. Habang bata pa yan, masarap. Kapag malaki na, gusto mo nang sakalin," natatawang kuwento nito.

Ang mommy naman daw ni Vandolph na si Alma Moreno ay hindi pa nakakadalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang lola, panay ang tawag sa akin, mukhang busy ang lola at hindi pa nakakapunta rito," nakangiting sabi ni Vandolph.

"Sabi niya, 'Ha, nanganak na ba? Normal ba? Matangos ba ang ilong? Kamukha ko yan, kamukha ko yan'! Sabi ko, 'Ma, bata pa, relax lang.'"

ONLY THE BEST. Sa buwan pa raw ng November ang plano nilang pabinyagan ang bata. Karamihan daw ng mga kukuhanin nilang godparents ay ang mga taong nasubaybayan ang kanilang kuwento ng pag-iibigan.

Sa ngayon, dahil ganap nang isang ama si Vandolph, dala-dala raw niya ang paraan ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang.

"Noong lumalaki ako, katabi ko ang Papa ko. So, nawi-witness ko yung, kumbaga, hindi na niya kailangang i-explain sa akin. Nawi-witness ko na, nakikita ko na. So, ngayon, most of the scenario na nangyari, nakita ko na, napagdaanan ko na. Siyempre, iba yung ikaw talaga ang tatay. Iba yung feelings, e.

"Basta, I'll give the best in the world. Hangga't kaya ko, I'll give him everything. Silang dalawa ng Mama niya. Silang dalawa ang anghel sa buhay ko ngayon, kaya salamat nang marami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN