Talents of Douglas Quijano fondly remember their manager

"With Douglas, alam mong may kakampi ka, hindi ka puwedeng maapi. Nobody can take advantage of you, o yung iisahan ka, because they know that they have to deal with Douglas Quijano," says Lucy Torres-Gomez about her late manager.


Nabigla man ang buong local showbiz industry sa pagyao ng talent manager na si Douglas Quijano (July 24, 1944 - June 13, 2009), ito'y hindi dahil sa anumang nakaka-shock, ma-drama, o kontrobersiyal na pangyayaring pag-uusapan tungkol sa isang pumanaw. Heart attack ang sanhi ng pagpanaw ni Douglas, o ni Tito Dougs sa kanyang mga talent at iba pang nagmamahal na taga-showbiz.

He simply died and left showbiz.

"Hindi naman ma-drama 'yan, e," sabi nga ng isa sa mga alaga ni Douglas na si Gelli de Belen nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa unang araw ng burol ng yumaong talent manager.

Kasama ni Joey Marquez si Gelli na nakatoka sa pagbabantay sa labi ng yumao, na nakalagak sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City, nang umagang 'yon.

"Nakakabigla, hindi namin inaasahan... Kausap ko lang siya kagabi [June 12]," sabi ni Joey.

Ipinaalala raw sa kanya ni Tito Dougs ang formal wear na isusuot sa GMA-7 anniversary celebration ngayong Biyernes, June 19, sa Araneta Coliseum.

"Hindi ako makaka-attend, nagpaalam na ako [sa Channel 7 management]," sabi ni Gelli.

Walang anumang premonition na lilisan na sa mundo at iiwan na ni Douglas ang mga nagmamahal niyang talents. Pero para kay Gelli, hindi karaniwan ang mga "huling habilin" ng kanyang manager tungkol sa isusuot sa nasabing okasyon.

"Ipinaalala niya yung pag-attend namin sa GMA Anniversary. Magsuot daw kami ng itim," banggit ni Gelli, na ngayo'y naging palaisipan sa kanya kung ito nga ba'y pamamaraan din ng pamamaalam.

Gayunman, mahihirapang dumalo ang karamihan (o lahat) ng talents ni Douglas Quijano sa selebrasyon ng Kapuso Network, habang pinaglalamayan pa ang labi ng yumao, na iki-cremate sa Sabado, June 20.

SiS ON SNN. Kinagabihan, may coverage ang SNN (Showbiz News Ngayon) ng ABS-CBN, hosted by Kris Aquino and Boy Abunda, sa mga naging kaganapan sa Heritage Chapels; occupied sa wake ang Chapels 7, 8, and 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa studio si Kris samantalang si Boy ang kinukunan nang live as he interviewed celebrities at the wake. Kabilang sa mga nagbigay ng pananalita tungkol sa mahal nilang yumao sina Jomari Yllana at Janice de Belen (ng mga programang SiS on GMA-7 at Spoon on Net 25).

Sa pagkalkula ni Janice, 22 years niyang nakasama si Tito Dougs bilang kanyang official manager. Masaya ang pag-aalaala ng actress-TV host. Sa isipan niya, Douglas may be strict as a manager, "but he's someone I can talk straight, not wearing any makeup. Kasi ako, hindi talaga ako mahilig mag-makeup, and I can face the cameras without any makeup on."

At times na kailangan naman daw niyang mag-makeup, "Mag-makeup ka," sasabihin lang ni Douglas, at susunod din si Janice.

The actress also fondly remembers Tito Dougs during the times after shootings or any commitments outside, hindi raw muna sila uuwi. Mag-a-unwind muna raw sila in a bar, kasama ang mga kaibigang sina Racquel Villavicencio at Direk Jose Javier Reyes.

"Rhythm and blues days," recalls Janice. "Enjoy kaming makinig ng music noon, nagre-request kami ng music. Kuwentuhan...about life..."

Para kay Jomari Yllana, na close to two decades nang nakasama at naging kaibigan si Tito Dougs (since the early '90s), "He's a genius at simplifying things. Pag may problema, ayan, he gives you the bigger picture."

Hindi rin makakalimutan ni Jomari ang "words of wisdom" ni Douglas kapag may problema sa lovelife ang sinuman sa kanilang mga talents niya. "Kung kaya mo pa, ituloy mo. If not, huwag mo nang ituloy," sasabihin lang daw ni Tito Dougs.

"Hindi siya nakikialam," dagdag ni Jom. "Hahayaan niya lang kami kung saan o kanino kami maligaya, at kung sino ang nagmamahal sa amin."

Sa chapel ay prominenteng naka-display ang isang half-body shot ni Douglas Quijano, na wari'y imahe ng isang astral body na nasa mapayapang paghimlay habang nakangiti sa lahat ng bumibisita sa wake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gustung-gusto ni Boy ang naturang picture. Na-capture daw nito ang pagkatao ni Tito Dougs, na parang buhay na buhay pa rin nga.

"The epitome of Tito Dougs who loves life," matalinghagang pagsang-ayon din ni Janice. "Marami nga ang natatakot lumapit [sa coffin]. But this is the reality. This is for real."


JOEY MARQUEZ. Nang gabi ring 'yon, sa isang late-night TV news program, teary-eyed si Joey Marquez na nagsabing, "Madaya siya [Douglas], iniwan niya kami..."

Hindi negatibo ang pagbanggit na iyon ni Joey M., kundi karugtong pa rin ng kalungkutang nadarama sa hindi nila gustong pagyao ng minamahal na manager.

Sa sinabing 'yon ni Joey M. ay naalala namin ang sinabi noon ni Tito Dougs sa isang interview. Ayon sa kanya, bilang manager ay may kumpiyansa siya, not afraid that his talents would leave him.

"What I'm worried about," sabi ni Tito Dougs, "is that they're afraid I might leave them."

Ang "worry" o "fear," kasabay ng di pa maibsang kalungkutan, ay nadarama ngayon ng lahat ng mga iniwang alaga ni Tito Dougs.

Gayunman, positibo ang pananaw ni Joey M. sa pangyayari. Sabi niya, "We're happy na rin para sa kanya. Dahil ngayon, hindi na siya mahihirapan."

ANJO YLLANA & JEREMY MARQUEZ. Sa programang SiS kahapon, June 16, dalawa sa male talents ni Tito Dougs ang nagbigay ng mini-tribute, sina Anjo Yllana at Jeremy Marquez.

Mugto pa ang mga mata ni Anjo habang nakaharap sa kamera. "Thanks for everything, Tito Dougs," aniya. "Pasensiya na sa mga tensiyon na ibinigay namin sa 'yo."

Para kay Jeremy, ang mga tawag ni Tito Dougs, kapag nire-remind siya sa mga gagawin—sa tapings o anupaman bilang ngayo'y punong-barangay—ay totoong makaka-miss.

Sa pagyao ni Douglas Quijano, sabi rin ni Anjo, "We will lose a mother, a father, a friend, a grandmother, grandfather..." Sabay-nagpakuwela pa si Anjo, "Di ba, a man's best friend is his Dougs?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Pag may mali [kaming] ginawa, sasabihin niya sa 'yo straight. Nagna-nag si Dougs, nang tama, may punto... Mga salbahe kami, e!"

Douglas Q, indeed, left a void in the hearts of all his talents.

"Ngayong namatay siya, ang gusto kong tawagan, siya rin!" kuwelang sabi ni Anjo. "Dahil, gusto kong sabihin... na wala na akong manager..."

If given the chance na makausap nina Anjo at Jeremy right at this moment si Tito Dougs, ano ang sasabihin nila?

"Wala siguro. Baka yakapin ko na lang siya," sabi ni Anjo.

"Magpapasalamat ako, at yayakapin ko siya," sabi ni Jeremy.

JAY AQUITANIA & ANDREW SCHIMMER. Among Douglas Quijano's new male talents are Jay Aquitania and Andrew Schimmer. Kabilang sila sa nagbigay rin ng madamdaming pananalita sa nasabing episode ng SiS.

Si Jay, younger brother ni Antonio and also a talent of Tito Dougs, ay mabilis nang nakikilala. Nakapagbida na siya sa indie movies na Concerto at Padyak.

"Kayo po ang nagpabago ng buhay ko... Dahil sa inyo, mas nakilala ko ang sarili ko," sabi ni Jay.

Napag-alaman ding matagal nang hindi nagmi-meet in person si Douglas at ang bagets niyang alaga. Although, ayon kay Jay, may bagong project na nabanggit sa kanya si Tito Dougs tatlong linggo na ang nakakalipas.

"Very straight siyang kausap kapag may project na sasabihin," wika ni Jay. "Salamat po sa pagtulong nang walang kapalit. Thank you."

Samantala'y lipos ng dalamhati ang mestisuhing young actor na si Andrew (napanood last year sa Torotot ni Maryo J. de los Reyes) nang magsaad ng kanyang "huling sulat" para kay Douglas Quijano.

"Mahal na mahal ka namin. You'll always be in my heart forever," saad ni Andrew.

Pero karugtong niyon ay ang malungkot palang namagitan sa kanila ni Tito Dougs.

"Nag-away kami... Wala na raw akong ginawang tama," aniya. "Hindi ako nabigyan ng chance na ipaliwanag ang sarili ko, na kausapin siya..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi makakalimutan ni Andrew si Douglas Quijano dahil bilang una niyang talent manager, ito rin ang unang naging kasakasama sa mga pag-a-out-of-town.

"Dougs, pasensiya ka na. Alam kong disappointed ka sa akin. 'Pag bata [kasi] tayo, nasisilaw tayo sa maraming bagay. Sorry, Dougs," sambit niya.

RICHARD AND LUCY. Kahapon ng umaga, June 16, dumating mula U.S. ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, dalawa pa sa mga alaga ni Douglas. Agad silang tumuloy sa Heritage Chapels, kung saan kinukunan nang live ang SiS at nagpaunlak sa interview ni Janice de Belen.

Nagkakaisa ang marami sa showbiz sa mga katangian ni Douglas as a person na sa kanya'y "walang masamang tinapay" or that Tito Dougs has "no mean bone."

Aminado si Richard na madalas din siyang pagalitan ng kanyang manager-friend.

"Kayong mga lalake," sabi ni Janice. "Kaming mga babae, hindi masyado, mababait kasi kami..."

Lucy avers, "Pinagagalitan ka niya, and he'll tell you what you've done. But, kakampi ka niya."

"Bungangera si Dougs, e!" natatawang banggit ni Goma. Para rin daw itong inahing manok, na dala-dala o nililimliman sa pakpak ang mga alagang sisiw.

"With Douglas," sabi ni Lucy, "alam mong may kakampi ka, hindi ka puwedeng maapi. Nobody can take advantage of you, o yung iisahan ka, because they know that they have to deal with Douglas Quijano."

HULING SULAT PARA KAY TITO DOUGS. Bago natapos ang SiS episode, nagbasa rin ng kani-kanilang "huling sulat" para kay Tito Dougs ang mag-asawang talent ng yumao.

Lucy Torres-Gomez' letter reads:

Dear Tito Dougs,

"I've known you for eleven years but those were wonderful eleven years... with a happy face and a kind smile and a generous heart.

"People always ask me how I somehow manage and stay here in showbiz, 'cause they always say that it's really scary. But now I know why. It's all because of you. I was lucky you were my first real friend... I was lucky I had you to call for every little thing, happy or sad... I was lucky I had someone to lean on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you for your wisdom, you've always guided me well, and yours was always a reassuring presence in a world totally unknown to me.

"Thank you for your love. I don't think you can even begin to imagine how much you mean to all of us. I will never be able to repay you for all you've done for me.

"I love you, Tito Dougs, and there will not be a day that I will not miss you and our daily conversations.

"Sleep well, you now rest in God's perfect embrace. You are now in a truly happy face.

"I can't promise you yet that I will stop crying, but I will try. And when I'll miss you, I will just close my eyes, because then, I know, I will find you in my heart."

Richard Gomez' letter reads:

"Dougs, I'll never be able to express my gratitude to you, for taking care of my career, from the very first day up until your last breath. I am what I am, and I have what I have (now) because you were there to guide me and direct me in the right path... (and through you I've known) people, who are always happy to see you; people who always loved talking to you.

"You're always a welcome presence in any gathering. You've touched so many (lives), in so many different ways. Your greatest dream was making people happy. You left behind a legacy of kindness, and this we'll all cherish.

"You will always remain in our hearts, and you will be constantly thought of, with fondness and deep love..."

Sa sumunod na bahagi ng sulat ay hindi na napigilan ni Goma ang maiyak, dahil patungkol ito sa daughter nila ni Lucy na si Juliana, isa sa mga alagang "apo" ni Douglas. Apparently, Goma was saddened by the thought that...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"... you'll never get to see what will become of my daughter, Juliana... and the other kids of your loved ones—(the) kids of Joey, John, Anjo, Gelli, Janice de Belen, Wendell, Jomari, Antonio, Nadia, and many more.

"You'd no longer be around to celebrate with us our future victories, and we will not have your shoulder to cry on, when we meet obstacles along life's ways.

"I know that you don't want us to be sad. Ikaw na rin ang nagsabi na 'Pag may nawala o namatay tayong kaibigan o kamag-anak, ay sandali lang natin silang mami-miss.' Pero hindi ikaw, Dougs.

"You know, I'm not a very sentimental person. But I'm telling you, araw-araw kitang mami-miss.

"Mahal ka namin, at mahal ka ng maraming tao. A lot of people love you and a lot of them, you don't even know; (cause) you've touched so many people's lives and make them better persons in the process.

"I know that you're in heaven already. Please continue to look after us, from where you are.

"Thank you for your love... I love you, Dougs."

Bago tuluyang magpaalam, ipinaalala ni Richard sa mga pupunta sa Heritage (mga kamag-anak at malalapit sa puso ni Douglas) ang daily masses until Friday, June 19, at 7 pm. o bago ang cremation on Saturday morning, June 20, sa Heritage Crematorium.

"Kung gusto n'yo kaming damayan, nandito lang tayo," sabi ni Goma.

"Hindi naman gaanong kalungkot [ang atmosphere sa Heritage]," dagdag pa ng aktor, "dahil alam natin na si Douglas, gusto niya rin na masaya yung mga kaibigan niya, masaya yung mga bisita niya. Kaya maririnig nila yung mga tugtog sa iPod ni Dougs. Yung mga paborito niya, masaya."

At tulad ng mga awiting 'yon, mananatili ang mga alaala ni Tito Dougs sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN