Patrick Garcia will see his son only when Jennylyn Mercado gives her wholehearted approval

"I'm afraid to fall in love! Hopefully, kung ma-in love ako ulit, with the right girl. I don't look for love, let love find me," Patrick Garcia answered when asked if he's courting anyone these days.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Patrick Garcia sa press conference ng bagong Sine Novela ng GMA-7, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, sa executive lounge ng GMA Network kagabi, June 17. This time, mas bukas nang sumagot si Patrick sa mga personal questions na hindi naman puwedeng hindi itanong sa kanya.

Sa bago niyang TV project, first time niyang makakasama si Maxene Magalona at muli naman silang magtatambal ng nali-link sa kanyang si Glaiza de Castro, pagkatapos ng una nilang pagtatambal sa "Igorota" episode ng Dear Friend a month ago. Si JC Tiuseco naman ang isa pang leading man.

"I'm happy na nagtitiwala pa rin sa akin ang GMA-7," bungad ni Patrick. "I'm happy na may bago akong project. Na-miss ko rin ang acting, siguro dahil ang showbiz, once na pumasok ka na rito, hindi mo na puwedeng iwanan totally.

"I guess I'm more mature now sa trabaho ko. Binabasa ko na talaga ang script ko, hindi tulad noong bata-bata pa ako. I'm happy rin na I'm working again with Direk Topel Lee, ang napaka-cool na direktor na una kong nakatrabaho sa 'Igorota.'"

READY TO FACE THE INTRIGUES AGAIN. Bakit nga ba pagkatapos ng sunud-sunod na projects niya noon sa GMA-7 ay bigla siyang nag-quit sa pag-arte?

"Hindi naman ako nag-quit," paglilinaw ng dating child actor. "Nag-stop lang muna ako dahil nga sa mga intriga. Nagbakasyon muna ako, nag-aral ng film directing sa New York and now I'm back."

Ready na ba siya ulit sa intriga, lalo pa't muli silang magtatambal ni Glaiza na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang issue sa kanila?

"Wala naman talaga kami ni Glaiza," giit ni Patrick. "Yes, I admitted naman na nanligaw ako sa kanya noon. Pero hanggang doon na lang 'yon, friends lang kami talaga ngayon, and we are enjoying our friendship and our work ngayon, lalo pa't gaganap kaming mag-asawa rito sa Sine Novela namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ba siyang nililigawang iba ngayon?

"I'm afraid to fall in love!" natatawang wika ni Patrick. "Hopefully, kung ma-in love ako ulit, with the right girl. I don't look for love, let love find me."

JENNYLYN MERCADO. Para sa kanya, pinaka-worst na ba ang nangyari sa kanila ng dati niyang girlfriend Jennylyn Mercado?

"I guess so, kaya nga nag-stop na akong magsalita noon. Kapag nagsalita ako, it would go on and on. I could handle it well sana noon, but the next thing I knew, she's already on TV at break na pala kami," saad niya.

Hindi kaya nakasama ng loob ni Jennylyn noon ang pagsasalita ng mommy niya na si Mrs. Bing Garcia on TV?

"My responsibility is my responsibility," sabi ni Patrick. "Kung nagsalita noon ang mommy ko, gusto lang niyang i-defend ako, pero the responsibility is mine. Sana lang, kung anuman ang galit niya [Jennylyn] sa akin noon, sa akin niya sinabi 'yon personally."

Dagdag niya, "But past na 'yon, ayaw ko na ring balikan. Kung mangyari ulit sa akin 'yon, I think I can handle it truthfully."

Papayag ba siyang magtambal sila ni Jennylyn sa isang project?

"I'm willing to work with her, pero siguro hindi muna ngayon. Gusto ko yung okey na kami. I want to work in a harmonious atmosphere," sagot niya.

Hindi pa rin daw nakikita ni Patrick ang anak nilang si Alex Jazz o AJ. Pero mukhang nagbago na rin ng desisyon si Jennylyn at puwede nang makita ng aktor ang anak. May move na ba siya na kausapin si Jennylyn?

Aniya, "Gagawa pa lang ako ng move na makausap si Jen dahil ngayon ko pa lang naririnig na okey na siya na makita ko si AJ. Gusto ko, yung may blessing niya, yung bukal na talaga sa loob niya."

Ano ang lesson na natutunan niya sa nangyari sa kanila ni Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, I will be more careful next time," maiki niyang tugon.

Nagkatawanan nang biruin si Patrick na kung muli siyang magkaanak sa ibang girl, alam na niya kung paano ito i-handle.

"Para namang ang dami ko nang naging anak!" natatawang sabi ni Patrick. "Siguro, I can handle it better. Hindi naman ako naiba sa mga kapwa ko aktor na may anak na rin, like si Piolo [Pascual], Diether [Ocampo], Jericho [Rosales]... "

Ano ang masasabi niya ngayon kay Jennylyn?

"I wish her well, personally and her career. If ever na nagkausap na kami, sana maging magkaibigan muli kami," asam ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN