Victor Basa wants to make a feel-good love story

Victor Basa's character in May Bukas Pa was recently ordained a priest and the actor somehow feels he needs to live up to this role. "Medyo nagsi-sink in talaga. Hindi naman naging sobrang mabait, but nagpapakabait," the former MTV VJ laughed. "Of course, kailangan mo rin alagaan ang role. Hindi naman magandang makita ka na kapag nasa labas, you do the other way."


Thankful ang Star Magic artist at June birthday celebrant na si Victor Basa na nakasama siya sa isa sa mga top-rating series ng ABS-CBN, ang May Bukas Pa. Kailan nga lang daw ay na-ordain na siya bilang isang pari sa show. At hindi itinatanggi ni Victor na he has to live up to his character.

"Medyo nagsi-sink in talaga ang role. Actually, sa aming lahat. Ako, si Dominic Ochoa, hindi naman naging sobrang mabait, but nagpapakabait..." natatawa niyang sabi.

"Halos every other day, nasa loob kami ng church. Kumbaga, may cleansing. Of course, kailangan mo rin alagaan ang role. Hindi naman magandang makita ka na kapag nasa labas, you do the other way."

Ayon kay Victor, bukod sa hindi niya akalain na sobrang magugustuhan ng mga manonood ang May Bukas Pa, mas na-surprise siya na his role and the show would be so close to his heart.

"Siguro, if anything, mas kumbaga, kahit umabot kami ng magdamagan na taping, hindi mo nararamdaman yung pagod ka."

VARIED ROLES. Baguhan pa rin si Victor sa larangan ng pag-arte, pero masaya raw siya dahil nabibigyan siya ng iba't ibang opportunity sa iba-ibang mga roles. Like sa movies naman, he got the chance to play a gay role na kunsaan, nabigyan din siya ng pansin.

"Napaka-thankful ako sa opportunity na ibinibigay sa akin. Now, I'm doing another indie film, yung Marino and I play the role of a chef naman. I also have Shall We Dance in TV5 wherein I do hosting with Ms. Lucy Torres-Gomez.

"Actually, napapansin ko, nag-i-increase rin yung mga trabaho ko sa hosting. Okey naman, although I really want to act. It's something I want to do."

Dahil nga sa gusto niyang mas bigyan ng atensiyon ang kanyang pag-arte, wala na rin daw siya sa MTV.

"Two months na rin akong wala, it's my personal decision na rin. I've been with MTV for a year and a half. Nag-enjoy ako, siyempre, di ba, nag-e-MTV VJ ako, pero, I have to focus more in my acting kaya huwag na muna..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung si Victor raw ang tatanungin, type raw niyang makagawa ng mga feel-good love story kung mabibigyan din siya ng chance.

"Medyo nalinya kasi ako sa mga serious acting, pero, okey rin sana yung medyo refreshing. That's why I like my role in May Bukas Pa, kasi refreshing siya."

Last June 6 ang actual birthday ni Victor. Twenty-four years old na siya, pero nasa work daw siya noong araw na yun, kasama ang iba pang Star Magic talents for a show.

"After no'n, the next day, nag-lunch ako with good friends."

GOOD FRIENDS WITH SAAB. Nangiti si Victor when we repeated his words, "good friends" nang "good friends" na lang... was it Saab Magalona?

"We're good friends," natatawa niyang sabi. "Ano bang sasabihin ko? Well, we get to see each other every so often, but of course, may school din siya, Ateneo."

Friends lang ba sila, hindi ba siya nanliligaw or sila na? "Hindi po ako nanliligaw... well, hindi naman ako nagde-deny. Never naman akong nag-deny."

Dugtong na rin niya, "Kasi, siyempre, she just experienced hardship. So, I want to be there as her friend first. Yun naman ang importante, e. Hindi ko alam kung mag-blossom into..." nangingiti pa rin niyang sabi.

Hindi pa ba? "Hindi pa... well, hindi kasi namin iniisip na ganoon, e. Friends muna. It's more on, ine-enjoy muna namin yung company. In the meantime, we're enjoying ourselves, good friends at saka, wala muna yung pressure."

May mga naging negative publicity kay Saab about her attitude raw. Nagsimula ito sa naging feud niya with sister Maxene Magalona, nandiyan pa yung pagkakatanggal sa kanya sa Lipgloss.

WHAT'S SAAB LIKE? Sa lahat ng 'yon, anong pagkakakilala niya kay Saab?


"Well, there's always two side of the coins, di ba? You will see it one way, half-empty, half-way, pero, siguro, nasa perspective ng tao. Ano lang, ano kasi, sa buhay naman, hindi naman black and white lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga impression sa kanya, yun yung opinion nila. Siguro, I'll say na hindi ko pa siya kilala noon, so, lahat ng mga nangyari, if ever man, hindi ko nakita."

Anong nagugustuhan niya sa kapatid ni Maxene? "She's one of the sweetest person na nakilala ko. And even through everything, palagi siyang nakangiti. Hindi naman opposite ko, pero, she's something else."

Nakilala na rin daw niya ang mga kapatid at mommy ni Saab na si Pia Arroyo-Magalona. "Mabait siya, I already had dinner with them, a number of times. I've been to their house na rin sa Antipolo."

Malayo ang house nila? "Well, kapag gusto naman po, walang malayo," natatawa niyang sabi.

Victor's last relationship ended this February, pero short-lived lang daw ito with a non-showbiz girl. "Hindi rin kasi niya naiintindihan ang trabaho. Minsan akala niya, baka gumigimik lang kapag hanggang gabi."

So, he would say mas may advantage kapag showbiz girlfriend?

"Well, may advantage at saka disadvantage. Advantage kasi, naiintindihan ka. Nakikita mo palagi. Pero yung negative, yung biglang hindi matuloy, yung mga intriga. Actually, nasa inyo naman kung gusto n'yo. Depende rin kasi on how you deal with things."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN