Jaycee Parker says getting surgically enhanced is just part of a sexy star's job

Jaycee Parker says her daring scenes with Jordan Herrera in Big Night are okay with her live-in partner Danilo Barrios, although he hasn't seen the movie yet. "Kailangang ako muna ang makapanood sa pelikula... maipaliwanag ko agad kay Danilo na ganoon ang mapapanood niya. Although, sinabi ko naman sa kanya ang lahat ng detalye nang gawin namin ang mga eksenang yun."


Limang taon na palang nagli-live in sina Danilo Barrios at Jaycee Parker. Pero, wala pang balak ang dalawa na magpakasal. Ayon kay Jaycee, katulad ng ibang babae, nangangarap din siya ng kasal. Pero, mas praktikal sa situwasyon nila na huwag na muna.

"Wala pang gaanong ipon," pagtatapat ni Jaycee. "May naipon na rin naman kami, pinaghahandaan din namin, pero hindi pa sapat. Basta, magtatrabaho lang kami ni Danilo para sa sarili naming intensyon, kasama na roon ang para sa mga plano namin.

"At saka pareho kasi kaming may mga pinag-aaral na mga kapatid. Pasasaan ba't makakaraos din 'yan, at doon din kami mapupunta. Pero, sa ngayon, okey na sa amin ang ganitong setup. Wala namang problema," sabi niya.

Kaya nga kahit pagpapa-sexy ay sinasakyan na naman daw uli ni Jaycee. Pagkatapos ng Ilusyon noon, ngayon lang uli umingay ang pangalan ni Jaycee dahil sa bagong indie film na Big Night ng Leo Films.

NO PROBLEM WITH DANILO. "Hindi naman totoong pinipigilan ako ni Danilo tungkol sa ganyang bagay," sabi niya. "Artista rin siya kaya naiintindihan niya yan. Ako lang ang protective talaga sa feelings niya. Binabalanse ko muna ang mga bagay-bagay bago tumanggap ng mga alok.

"Hindi naman sa nagpaalam pa ako kay Danilo, pero ipinaalam ko sa kanya na mayroon akong ganitong klaseng pelikula, at ito ang mga hinihingi sa akin. Okey lang sa kanya. Hindi kami nagkaproblema roon."

Pero sa press preview ng pelikula sa Music Match sa Tomas Morato, inamin ni Jaycee na hindi na niya pinapunta muna si Danilo.

"Kailangang ako muna ang makapanood sa pelikula," sabi pa ni Jaycee. "Pero, maipaliwanag ko agad kay Danilo na ganoon ang mapapanood niya. Although, sinabi ko naman sa kanya ang lahat ng detalye nang gawin namin ang mga eksenang yun.

"Ang sa akin lang, gusto ko pa ring malaman niya agad [bago] niya mapanood ang pelikula, yung base sa napanood kong finished product."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ordinaryong lalaki lang si Danilo, hindi niya basta magugustuhan ang pinaggagawa ni Jaycee sa mga eksena nila roon ni Jordan Herrera.

"Kaso, alam niyang pelikula lang yun," sabi pa niya. "Hindi mahirap ipaliwanag yun dahil artista rin siya. Ang sa akin, gusto ko lang makampante na hindi magiging mabigat ang feeling niya kapag napanood niya yun. I still want to consider that."

VERY DARING. At wala rin siyang pangingimi sa mga eksena with Jordan na very daring talaga.

"Kasi, kumportable naman kami ni Jordan na gawin yun. Matagal ko na siyang kaibigan, at walang personalan doon. Trabaho lang talaga. Naging ex-dyowa pa siya ng best friend kong hindi taga-showbiz, kaya magkakilala talaga kami," aniya pa.

Jaycee hopes na magtuloy-tuloy ang career niya. Lalo na ngayong nag-decide na siyang magpa-augment ng boobs.

"Matagal bago ako nag-decide," sabi niya. "Kasi, noon sa Ilusyon, maliit pa ang boobs ko. Dito sa Big Night, big na rin talaga. At saka pinag-ipunan ko rin, and it took me some time bago makumbinsi si Danilo na gawin ko yun.

"Praktikal lang kasi ako. Nagpapa-sexy pa rin ako, kaya dapat na may improvement na makita sa akin physically, kahit na ang importante talaga diyan ay ang acting pa rin. Kailan lang din kasi pumayag si Danilo, kaya okey na rin sa akin."

Dahil dito, gusto ng Viva na gawan uli siya ng isang bonggang sexy film. Hanggang ngayon pala'y nakakontrata pa rin siya sa Viva. Ito bale ang nagma-manage sa kanya, hanggang 2010. Nasa plano na ito.

"Ang medyo problema ko lang, tumaba kasi ako. Pero, okey pa rin naman. But, I was advised by a lot of people na magpapayat pa nang husto, na pinagsisikapan ko namang gawin," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN