Marian Rivera and Carla Abellana cross paths at GMA-7 anniversary

Carla Abellana (left) and Marian Rivera (right) have both played Thalia's role in the Pinoy adaptation of the Mexican actress-singer's popular drama series.


Sa unang pagkakataon ay nagkasama sa isang malaking event ang dalawang GMA-7 stars na naging Pinay Thalia—sina Marian Rivera at Carla Abellana.

Si Marian ang kauna-unahang Pinay Thalia nang i-launch siya bilang "next big star" ng GMA-7 sa phenomenal hit series na Marimar. Ngayon ay si Carla naman ang nabigyan ng pagkakataon ng Kapuso network na maging Thalia sa bagong local TV adaptation ng hit Mexicanovela na Rosalinda.

Nagkasama sina Marian at Carla sa 59th anniversary special ng GMA-7 sa Araneta Coliseum na One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 kagabi, June 19, kung saan nakasama rin nila ang halos lahat ng stars ng GMA-7.

Sa backstage ng The Big Dome ay sabay na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Marian at Carla na kagabi lang nagkasama. Pinagtabi namin ang dalawang Pinay Thalia at masaya sila na nagkasama sa malaking event na iyon ng GMA-7.

Nanggaling kay Marian na nagkakilala silang una ni Carla nang may mag-introduce sa kanilang dalawa sa isang event din ng GMA-7.

Tinanong ng PEP si Marian kung ano ang puwede niyang masabi kay Carla dahil ito na ang bagong Pinay Thalia ngayon.

"Siyempre, natutuwa naman ako dahil nadagdagan na naman ang mga stars ng Kapuso network, at welcome na welcome si Carla sa ating lahat. Na-meet ko na si Carla before pa at okey naman siya. At good luck sa project niya na Rosalinda, kasi alam ko na maganda ang kalalabasan no'n tulad ng nangyari sa Marimar," pahayag ni Marian.

Sa parte naman ni Carla, tila na-starstruck siya nang una niyang makilala si Marian. Ngayon ay nagkakasama pa sila sa malalaking event at shows ng GMA-7.

"It's really an honor to meet Marian in person and hopefully to work with her soon," nakangiting sabi ni Carla. "Siya pa rin naman ang kinikilalang original Pinay Thalia and I am happy to follow in her footsteps. Mabait siya at napakaganda niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOOK-ALIKES. Marami ang nagsasabi na magkahawig silang dalawa. Agree ba sina Marian at Carla sa obserbasyon na ito?

"Oo naman!" sabay tawa ni Marian. "Kita n'yo naman, para lang kaming nananalamin sa isa't isa! 'Tsaka kanya-kanya namang opinyon yan, e. If they think na magkahawig kami, okey lang. It means na pareho kaming maganda, di ba?"

Sumang-ayon naman si Carla at sinabing, "Marami nga ang nagsasabi, and I feel flattered kasi nga Marian Rivera na yan. Masabi lang na may hawig kami, malaking bagay na for someone like me na nagsisimula pa lang sa showbiz. Masaya kong tatanggapin 'yong mga sinasabi nila."

May advice bang maibibigay si Marian kay Carla tungkol sa pagganap bilang Pinay Thalia since marami na siyang experience pagdating sa acting?

"Siguro pinaka-advice ko lang ay mag-enjoy si Carla sa ginagawa niya. At the same time, yung pagiging serious din niya sa pinasok niyang trabaho ay nandoon. Ako kasi noong ibinigay sa akin ang Marimar, pinanood at pinag-aralan ko talaga ang istorya, pati na ang mga kilos ni Thalia. Tapos, nagbigay ako ng sarili kong interpretation. From there, magkakaroon ka na ng sarili mong character na hindi nalalayo sa original. At isa pa, mahalin niya ang trabaho niya para mahalin ka rin nito pabalik," saad ni Marian.

Natuwa naman si Carla sa magandang advice na ibinigay ni Marian sa kanya at nangako ito na susundin ang mga sinabi nito.

"Galing na ang mga 'yan kay Marian and dahil sa baguhan ako, kailangan kong makinig sa mga mas nakakaalam sa akin. Nagpapasalamat ako sa mga nasabi niya at tatandaan ko lahat ng mga in-advise sa akin ni Marian," ani Carla.

May nabanggit din si Marian na baka may gawin silang pelikula ni Carla, pero matagal pa naman daw yon. Abangan na lang daw ito ng kanilang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN