Jackie Lou Blanco and Noni Buencamino play husband and wife in Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin

Jackie Lou Blanco (left) played the original Gladys in the 1987 movie Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, a role that Glaiza de Castro now assumes in the TV remake. Asked if she gave Glaiza tips on how to tackle the character, Jackie Lou said she didn't need to. "Iba na ang mga bagong artista natin ngayon. They can do very complex roles at a very young age. Kaya bilib kaming lahat sa kanila," said the veteran actress who plays opposite award-winning actor


Masayang-masaya ang veteran actors na sina Noni Buencamino at Jackie Lou Blanco dahil nabibigyan pa rin sila ng magagandang roles sa TV despite the fact na maraming mga baguhang artista ngayon.

Tulad nga sa bagong handog ng GMA Sinenovela na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, ginagamapanan nila ang roles na originally ay ginampanan nina Dante Rivero at Laurice Guillen sa orihinal na pelikula.

Ito nga ang ika-apat na pagkakataon na magtatrabaho ang award-winning actor na si Noni Buencamino sa Kapuso network. Nakalabas na siya before sa mga drama series na Joaquin Bordado, ESP at Etheria: Ang Ikalimang Kaharian ng Encantadia.

Mas marami nga raw siyang nagawang mga TV projects sa ABS-CBN, tulad ng Ligaw Na Bulaklak, Lastikman, Margarita, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Kaytagal Kang Hinintay at Saan Ka Man Naroroon.

Lately daw kasi ay wala siyang natatanggap na offer mula sa Dos kaya nagpapasalamat siya't may magandang offer sa kanya parati ang GMA-7.

"Tulad din tayo ng maraming working actors ngayon. Kung walang show, walang kikitain," biro ni Noni.

"Unlike before, kapag may pelikula, may kikitain ka. Kaso wala nang masyadong nagpo-produce ng malalaking movies. Tuwing Metro Manila Film Festival na lang, di ba? Puro mga indie films ang nagagawa ko ngayon. I've finished doing Ang Panggagahasa Kay Fe, Sabungero, Himpapawid, Boy and Hubad. Kami ng misis ko (Shamaine Centenera-Buencamino), hanapbuhay namin ang umarte sa TV, pelikula, at entablado.

"Si Shamaine, nagkaroon na siya ng shows dito rin sa GMA-7 and I am happy na nabibigyan na rin ako ng mga magagandang shows. It's a blessing and sino naman kami para tumanggi, di ba?"

TORN BETWEEN TWO DAUGHTERS. Sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Noni plays Gilbert, ang butihing asawa na ang tanging hiling ay ang magkaroon ng anak pero nakita niya iyon sa dalawang batang inampon niya na sila Maureen (Maxene Magalona) and Merceditas (Jackie Rice). Hindi niya alam na magiging simula iyon ng isang matinding problema sa kanyang binuong pamilya nang biglang mabuntis si Clara at ipanganak si Gladys (Glaiza de Castro).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In the original movie, si Maureen lang ang inampon ni Gilbert because my wife Clara has a heart problem kaya she cannot get pregnant. Dito ginawa na silang dalawa but the storyline is still the same. May dagdag lang sa mga characters.

"When I watched the movie, I can feel the pain that my character goes through. Sino nga naman ang kakampihan mo? Ang sarili mong dugo na gumagawa ng mga pagkakamali or ang batang inampon mo na puro kabaitan lang ang pinapadama? Sino ang mas matimbang? Yun ang conflict na pinalaki pa namin sa series," sabi ni Noni.

Suki naman si Jackie Lou Blanco ng mga drama series ng GMA-7. Huli ngang napanood si Jackie sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Before that ay kasama siya sa mga series na LaLola, Magdusa Ka, Sinasamba Kita, Captain Barbell at Ang Iibigin Ay Ikaw. Nakagawa rin ng ilang shows si Jackie sa bakuran ng ABS-CBN tulad ng Volta, Saan Ka Man Naroroon at Esperanza.

"Pareho naman kami ni Noni, e. Kung may offer sa kabila, doon kami gagawa. Hindi naman kami nakakontrata tulad ng ibang mga artista ngayon. We have that privilege to work with different networks.

"Kaso itong GMA-7 nga ang parating kumukuha sa akin and that's okay naman. At least, lagi nila akong naaalala. Plus the fact na I also host Walang Tulugan With The Master Showman every Saturday night with Kuya Germs [German Moreno]. And GMA-7 has been my home ever since kaya happy ako na hindi nila ako nakakalimutan na bigyan ng show parati," ani Jackie Lou.

JACKIE LOU AS CLARA. Sa naturang series, Jackie takes over the role of Laurice bilang si Clara. In the original movie, si Jackie ang gumanap na Gladys na siyang ginagampanan ngayon ni Glaiza de Castro.

"When they told me na I will be part of this series, na-excite ako nang ibigay sa akin ang role ni Direk Laurice. Marami kaming mga eksena together kaya alam ko ang mga naging eksena namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The movie was very close to my heart because it was my reunion movie with Sharon Cuneta after we did My Only Love and Friends In Love. Matagal na panahon kaming hindi nakagawa ng movie together.

"Then it was a big change for me kasi kontrabida ang ginampanan ko. And it was my first time to be a kontrabida to Sharon. Kasi nga ang mga nagiging kontrabida niya ay madalas si Cherie Gil. Then all of a sudden ako na, kaya malaking turn iyon sa career ko that time.

"And of course, kasama rin sa movie ang mister ko na si Ricky Davao. Hindi pa kami mag-asawa noon. Nagpapa-cute pa kami sa isa't isa noon!" sabay tawa ni Jackie Lou.

Nagbigay ba siya ng tips kay Glaiza on how to portray her character na originally na ginamapanan niya sa pelikula?

"Wala naman akong binigay na tips on acting kasi magaling na si Glaiza, e. She has her own way to interpret the role of Gladys. I only gave her a background of the character. Kung bakit naging rebelde siya at bakit feeling niya ay left out siya sa sarili niyang pamilya. Hanggang doon lang and Glaiza gave her own style.

"Magaling silang dalawa ni Maxene and I can only reminisce the times na ginagawa namin ni Shawie yung movie. Iba na ang mga bagong artista natin ngayon. They can do very complex roles at a very young age. Kaya bilib kaming lahat sa kanila," pagtatapos ni Jackie Lou Blanco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN